Chapter 63

676 13 2
                                    

Crisha's PoV

Kasalukuyang nag aayos ang lahat dahil magsisimula na ang Battle of the band. Kahit saan ka talaga tumingin ay may speaker ang bawat sulok ng school.

"Mukhang sponsor ang Ashton  ng mga speaker." Biro ni Phiel. Siniko ko sya dahil may mga estudtante ng Ashton ang malapit lang sa amin. Abnormal talaga ang isang 'to. Napatingin ako kay Lex na nakahiga sa may damuhan, mukhang tulog na ang isang 'to. Katabi nya si Seath na naglalaro ng Rubic's Cube na mukhang mahirap kasi ang daming layer. Yung tatluhan nga nahihirapan akong mabuo madamihan pa kaya. Ibinaba na ni Seath ang cube ng mabuo nya ito at dumapa sa damuhan para maglaro sa kanyang phone.

"Ano bang oras magsisimula?" Tanong ni Ellan. Napabuntong hininga na lang ako. "Inaayos na nila eh. Nag aantay na lang tayong magsimula."

"Nga pala Crisha, totoo bang balak nyong maging independent ni Lex?" Biglang tanong ni Ellan. Inalis ni Lex ang braso nya na nakatakip sa kanyang mata ng mabanggit ang pangalan nya. "Well, oo. Kapag nag summer break na. Pinayagan naman ako ni Dad since laging walang tao sa bahay. Tsaka okay lang naman daw dahil si Lex yung kasama ko. Ewan ko lang dyan kay Lex kung pumayag ba si Tito Liab." Kumunot ang noo ni Lex at tinakpan uli ang kanyang mata ng kanyang braso. Pffft.... Sa mga nakukuha ko kasing balita kay dad, natatakot daw si Tito Liab na muling pag isahin si Lex sa bahay dahil kapag daw wala sina tito, nakakagawa si Lex ng kalokohan.

"Psh... Papa agreed with it."

"Talaga? Hindi mo ba tinakot si Tito para lang payagan ka?" Nakangising tanong ko. Sa hindi ko inaasahan ay parang bumilis ang lahat.

I just found Lex, three inches distance away from my face.

W-What the... O_O

She's looking intently directly to my eyes. Her ocean blue eyes radiant with danger. And a shudder of fear vibrates to my skin.

Waaaaah!!! Kakatakot!!!  T^T

"J-Joke lang Lex! Nagbibiro lang ako masyado ka namang seryoso!" Tinaas ko ang dalawang kamay ko. Grabe, Huhuhu. Minsan talaga nakakatakot sya.

Muli syang humiga at tiningnan ang langit.

"Papa told me that its okay to be independent, as long as I can handle myself. His too... afraid to let me go." Napabuntong hininga ako sa sinabi nya. Kung ako si tito Liab, ganun din ang gagawin ko. Matapos ang aksidenteng iyon, parang lahat naging konektado kay Lex. At mas lalong dumistansya si Lex sa lahat. To prevent everyone from loving what she really is. Kaya nga mas ginusto namin na dumito sya sa Pilipinas para hindi nya na muling maalala kung anong nangyari. But life doesn't work that way. Life teaches you what is wrong and what is right. And they said 'experience is the great teacher'. But for Lex, her greatest experience becomes her greatest nightmare. And I feel sorry for her. Sana nasa tabi nya ako ng mga oras na kailangan nya ng taong masasandalan. But I'm not there, I'm somewhere, sulking in a corner.

He's In love With A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon