Lex's PoV
"Ang sakit nang tiyan ko. Parang hindi na ako makakakain."
"Kain ka kasi ng kain."
"Anong magagawa ko? Libre eh. Ang sabi nga nila: Always take advantage kapag libre. Balibhasa kasi hindi mo naranasang ikaw ang ililibre."
-3-
-_-
Kasalukuyang nagda-drive ako pauwi kasama si Crisha. Naka-receive ako ng text galing kay kuya Eron. Pinapauwi nya na ako. Gabing gabi na daw ay wala pa ako sa bahay. Hindi daw yun maganda sa isang babae.
-_-
Ibinalita nya din na nasa bahay ngayon si Clytard. Ang weird nga eh. Ang Black D kasi ay kanina pang umaga nasa amin, samantalang si Clytard hindi ko nakita. Siguro ay pinatingin muna sya sa doktor nina Tito Sese bago pinayagang umalis sa kanila.
"Siguradong maingay na naman sa bahay nyo."
Napatawa ako sa sinabi ni Crisha. Lagi namang maingay sa bahay kapag nandoon ang Star Section. Idagdag mo pa na naandyan din ang Black D. Habang tumatagal ay nasasanay ako sa kanila. Nasasanay din ako sa maingay na paligid. Lumaki akong mag isa at tanging butler ko lang ang kasama ko. At mas lalong tumahimik ang mansyon namin noong namayapa ang aking ina.
Nagbukas ang tarangkahan ng aming subdivision kaya ipinasok ko ang aking sasakyan.
"Birthday na nga pala nung tatlo sa susunod na linggo. Anong balak mo, Lex?" Tanong ni Crisha. Awtomatikong nag iba ang mood ko sa sinabi nya. Ilang araw ko na ring iniisip ang tungkol dyan. At masasabi kong mas lalong nai-inis ako kapag iniisip ko ang tungkol doon. Mag da-dalawampu't isa na ang mga kuya ko. Ibig sabihin may magaganap na pagtitipon sa mansyon. At ang mas nakakairita pa ay siguradong pag susuotin nila ako ng gown.
"Tsk! Pwede bang mag t-shirt at jeans na lang? Ang dami namang kaartehan." Naka kunot noong sambit ko. Ipinarada ko ang kotse sa tapat ng porch ng mansyon. Humalakhak naman si Crisha dahil sa sinabi ko.
Nang makalabas kami ng sasakyan ay sumalubong sa akin si Talios at isang family driver namin. Ibinato ko ang susi sa family driver at nasalo naman nya.
"Young Mistress, Young Master Eron was looking for you." Tumango lang ako sa kanya at nagsimula na akong maglakad pataas kasama si Crisha habang nasa likod naman si Talios.
Nasa tapat pa lang ako ng pinto ay rinig na rinig ko na agad ang ingay na nanggagaling sa loob ng mansyon.
As I open the door, I was greeted by silence. Napataas ang aking kilay ng makitang nakatingin silang lahat sakin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Crisha at muling tumingin sa kanila.
Problema ng mga 'to? -_-
Pinag walang bahala ko na lang ang mga tingin nila at dumiretso sa kusina kung saan ko naririnig ang nangingibabaw na boses ni Phiel.
Pagkarating ko pa lang doon ay nakita kong nag aagawan si Angelia at Phiel sa grater.
"Ako muna gagamit!"
"Ako nga nauna. Ako muna!"
"Mamaya ka na! Konti lang naman ang ilalagay mo eh."
"Hindi noh."
Nakatingin lang ako sa kanila at pinapanuod silang mag agawan sa grater nang pumagitna si Kuya Eroll sa kanilang dalawa. May suot itong apron at may hawak na cheese sa kaliwang kamay.
"Ladies. Ladies. Ako na muna ang gagamit. I need to put cheese in my lasagna." Sabi nya sabay kuha ng grater. Napanguso na lang yung dalawa at pinanuod umalis si kuya.
"Acting chef ba kayo ngayon?" Tanong ko. Parehong nabaling ang kanilang tingin sa akin. Umupo ako sa stool sa island kung nasaan sila. Tumabi naman sakin si Crisha at kumuha ng hotdog na kasalukuyang hinihiwa ni Ellan.
Sandaling nagpaalam si Talios sa akin at umalis ng kusina.
"Hindi naman. Tinutulungan lang namin si kuya na mag luto." Sabi ni Phiel at lumingon sa kanilang likod kung nasaan likod lang ang nakikita namin kay kuya Eroll.
"It seems like your causing trouble than helping." Sambit ko, tinutukoy ang pag aagawan nila sa grater kanina. Pareho silang napakamot ng bumbunan sa sinabi ko.
"Lex naman eh."
"Hindi naman sa ganun."
Napatawa naman si Crisha sa ibinigay na reaction noong dalawa.
"By the way kuya Eroll. Ano nga pa lang ginagawa nang Star Section at Black D dito? Don't they have any important things to do?" Tanong ko. Nang oras ding iyon ay may taong kinarate chop ang bumbunan ko.
"Oww! What's your problem?" I winced and glared at the person who hit me.
Pasimpleng tumawa yung apat na kaibigan ko kaya sinamaan ko sila ng tingin. Naghiwa-hiwalay sila para mas mapadali ang trabaho ni kuya Eroll, at para na din na makaiwas sa tingin ko. Umupo si kuya Eron sa tabi ko.
"Grabe ka Baby. Don't be like that. Nandito sila para magplano sa darating na kaarawan namin."
"Oh? Bakit sila? Hindi ba dapat kayo?"
"Change of plans, baby. Pupunta na lang tayong beach. Sila na daw ang bahala. Tsaka ayaw mo ba nun? Hindi ka na mag susuot na labag naman sa kalooban mo."
Napabuntong hininga naman ako dahil hindi na ako makakapag suot nang mga hindi kaaya ayang damit. Mabuti naman kung ganon. Ayoko talagang mag suot ng gown. Baka maitapon ko pa yung isusuot ko.
-_-
"Let's not talk about that shall we?" Biglang sulpot ni kuya Eren sabay patong ng braso nya sa balikat ko. Lumipat sa harapan namin si kuya Eroll at nag gayat ng sibuyas.
"Why did you drive earlier when you're not even allowed to?"
Napatigil sa pag gagayat si kuya Eroll at tumingin sakin. Pati si kuya Eron ay biglang napalingon sakin.
They gave me a disapproving look before kuya Eroll continue professionaly chopping the onions.
"Ano namang problema dun? Nasa legal age na ako."
"Still princess, you don't have driver license. Paano kapag nabangga ka? Imbes na yung bumangga ang makukulong ay baka ikaw pa dahil wala kang lisensya."
*sniff*
*sniff*
"Edi kukuha ako ng lisensya. Yun naman pala eh." Sabay punas ko nang aking luha.
"Oh? Bunso, bakit ka naman umiiyak?"
Hindi ko na napagilan ang aking luha kaya panay ang aking pag iyak. Napasinghot ako sabay turo sa taong may kasalanan ng pag luha ko.
"Eto kasing si kuya Eroll eh. Daming daming lugar kung saan pwedeng mag gayat ng sibuyas dito pa napili sa harap ko." Sabay singhot at pag punas ng luha ko.
"Bwahahahaha."
"Hahahahahaha."
"Hahahaha. Sorry princess-pfft.. hahaha."
Psh.
BINABASA MO ANG
He's In love With A Tomboy
Teen Fiction[TOMBOY 1] He's in love with a Tomboy Si Lex Castillejo ay lumaki sa States kasama ang kanyang personal butler. Ang kanyang ama at ang mga nakatatandang kapatid na lalaki ay pinauwi sya sa Pilipinas. Sa isang taon nyang pamamalagi sa Pilipinas na ku...