Third Person
Kasalukuyang nasa isang malaking kwarto ang ilang miyembro ng Decas girl players. Nakapinta sa mga mukha nila ang kaba lalo na ang basketball girls. Kahit hindi nila sabihin ay alam nila kung ano ang nararamdaman ng isa't isa.
"Captain, I'm nervous."
Nakaupo na ang ilan sa sahig. Wala ni isa ang gumawa ng ingay. Napatingin si Captain Madell sa volleyball girls na lumabas ng silid. "You can do it Madell, just believe on yourself and to your team. Everything is going to be fine." Sabi ng captain ng volleyball team. Tinanguan nya lang ito. Tuluyan na itong lumabas at isinarado ang pinto.
Ramdam sa buong sulok ng kwarto ang kaba na kanilang nararamdaman.
"Captain... Sa tingin mo mananalo tayo ngayon?" Napatingin si Captain Madell sa isang miyembro ng kanilang team. Maliit ito at kita mong may ibubuga sa laro. Pero kilala ito ng captain. Hindi ito masyadong nag eensayo at nakakapaglaro ng ayos.
"We will. Wag nyong isiping hindi tayo mananalo. Wag kayong mag iisip ng tapos. Dahil maaapektuhan ang ating laro. Masyado kayong nagiisip ng kung ano ano na nagiging dahilan para mawalan kayo ng ganang naglaro."
"Pero captain hindi mo naman maiaalis yun samin. Ilang taon na tayong sumubok pero lagi tayong talo. Balak na ng president ng school na alisin ang basketball girls kapag hindi pa tayo nanalo ngayon."
Nanlumo ang buong team. Alam ni Captain Madell na mangyayari ito. Ilang taon na silang sumubok pero walang nangyari. Aalis na sya at lahat sa school na ito ay hindi pa sila nakakapag uwi ng trophy.
"If you keep thinking negatively then you better quit."
Lahat sila nabaling ang tingin sa may pintuan. They saw Lex leaning on the door way. Her hands always on her pockets. They can't see half of her face because of the visor.
"At bakit naman kami magku-quit? Nahihibang ka ba?"
Nagpabalik balik ang tingin ni Madell sa dalawa. Pag nagsasama ang buong team ay ang dalawang ito ang hindi magkasundo. Balak nya sanang pumagitna sa dalawa ng bigyan sya ni Lex ng makahulugang tingin. Kahit tingin lang iyon ay alam nya kung anong ibig sabihin nito. Nagtataka sya sa sarili na kapag ginagawa ito ni Lex ay alam nya kaagad ang ibig sabihin nito. Kahit kapag nasa laro sila bibigyan ka nya ng isang gesture at alam mo na ang gagawing stunt nito. Alam nya na si Shinma ay si Lex Castillejo. Sa isip isip ni Madell ay silang dalawa ni Lex ang perfect match sa paglalaro. Katulad na lang nina Takao at Midorima, Hinata at Kageyama, Kenma at Kuroo. Kaya ngayong taon alam nyang mananalo sila. Dahil nandyan si Shinma the prodigious shooting guard.
BINABASA MO ANG
He's In love With A Tomboy
أدب المراهقين[TOMBOY 1] He's in love with a Tomboy Si Lex Castillejo ay lumaki sa States kasama ang kanyang personal butler. Ang kanyang ama at ang mga nakatatandang kapatid na lalaki ay pinauwi sya sa Pilipinas. Sa isang taon nyang pamamalagi sa Pilipinas na ku...