Chapter 44

724 13 0
                                    

Crisha's PoV

Napasimangot ako ng wala sa oras nang umupo sa harap namin ang Black D. kasama ang Queens. At ang dalawang 'to na akala mo ay sila lang dalawa lang ang nage-exist ay naglalandian sa harap ko. Hindi na nahiya at dito pa talaga naglalandian, mga PDA! Kung wala lang akong katabi nabato ko na ang mga 'to ng sapatos ko. Kaso wag na, aasarin lang ako ng katabi ko. Abnormal pa din naman itong si Eron, magkapatid nga sila ni Eren.

"Hindi na ata babalik si Ate Lex, kuya Eron." Napataas ang kilay ko. Wow ha? Ang bilis naman nilang maging close?! Tsaka lang kami naging close ni Seath nung nagkaroon ng horror booth samin. Kasama kasi si Seath at medyo close na rin sya sa mga kaklase namin dahil lagi syang nasa classroom kapag wala silang klase. At talagang kapag nasa classroom ang batang yan ay lalong naging bata bataan ang mga kaklase namin. Sabi nga ni President, nawili daw yung bata samin. Pero okay lang naman daw sa kanya yun basta wala syang dalang gulo.

"Hindi na yun babalik. They must be plotting some kind of a game play. Alam nyo naman ang story ng basketball girls. They always lose." Tumango naman sila sa sinabi ko. I really feel pity for them. Pero alam kong kakayanin nila ngayong taon. Kung nandito ngayon si Lex at nanunuod sa tabi namin masasabi kong wala syang pakielam sa kanyang team. Pero mas pinili nyang bumalik sa kanila at mag stay. And that's one of her personality that I like about her. Hindi sya yung tipo ng tao na mang iiwan sa ere at pababayaan ka na lang. Mukha lang syang walang paki sa mundo pero kapag nakilala mo sya at naging close ay mas daig nya pa ang pagiging ama ng tatay mo.

"Kailan nga pala ang laro mo Crisha?" Tanong sakin ni Eron. Pinilit kong ibaling sa kanya ang tingin ko dahil hindi ko gusto ang tanawin sa unahan. "Pagkatapos ng laban na yan. Tanghali  hanggang hapon ang laro ng mga babae. Bakit?"

"Adik ka? Syempre panunuorin ka namin. Abnormal ka rin eh." Sinimangutan ko sya dahil tinawanan rin ako ni Seath.

"Sweetheart? Gusto mo bang mag date mamaya pagkatapos ng laro?"

"What? Nakapag date na tayo kahapon. Aalis kami mamaya, pinapatawag kami nina dad. Tsaka na lang babe." Napairap ako ng wala sa oras ng halikan nya ang girlfriend nyang walang ganda sa labi. Wag kayo sa harap ko! Ipapatapon ko kayo sa bangin! On second thought, wala palang bangin dito. Sayang.

"Pfft... Wag mo kasing tignan, kaya ka nasasaktan eh." Napanguso ako at hinampas sa braso si Eron. Lumipat sa kanan ko si Seath kaya napanggigitnaan nila ako.

"If its too painful to look at, averted your gaze and put your attention to someone else."

He's In love With A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon