Lex's PoV
Nakahiga ako sa aking kama habang pinagmamasdan ang kisame ng kwarto.
"Don't runaway Princess. Face him. Talk to him."
Napabuntong hininga ako at tumayo sa aking pagkakahiga. Inayos ko muna ang aking kama bago pumasok ng banyo para gawin ang morning routines ko.
Nang matapos ay lumabas ako at bumaba ng sala. Mukhang tulog pa ang iba kaya dumeretso akong terrace. Sinuot ko ang dala dalang jacket at naglakad papuntang dalampasigan na walang suot na sapin sa paa.
Nagsisimula nang sumilip ang araw at gusto ko itong makita. Napatingin ako sa aking paa sa tuwing aabot ang tubig sa aking kinatatayuan.
"M'lady."
Literal na naestatwa ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang boses nya na nanggagaling sa aking likuran.
Hindi ko sya nilingon at pinanuod ang araw sa pagsikat.
Naramdaman ko syang tumabi sa akin. Hindi sya umikmik, ngunit alam kong gusto nyang magsalita.
He stayed with me until the sun rose up.
"Mapapahamak ka lang sakin. Love someone else or you'll be in pain." Panimula ko.
"Yan ka na naman." I heard him grunt. "Bakit ba lagi mo na lang akong pinagtutulakan sa iba? Ikaw yung gusto ko! Ikaw lang!"
"Mapapahamak ka nga ng dahil sakin. Isa na doon ang aksidentemg nangyari noong nakaraan. Hindi ka ba natatakot na lumapit sakin?"
"Lex it's not your fault but your crazy obsess ex-boyfriend! Hindi mo naman ginusto ang mga nangyari. And besides binalaan mo na ako noon."
Natahimik ako at nakakunot noong pinanuod ang pag alon sa dagat. Hindi ko kinakaya ang pinag uusapan namin. Hinagod ko ang aking buhok na ngayon ay nakalugay. Naiinis ako dahil natatakot akong matulad ang dati. Ayokong magkaroon ng commitment. Ayoko pang mag karaoon ng relasyon.
Simula ang aksidente noon, natakot na akong pumasok sa isang relasyon. Natatakot din akong masaktan. Lalong lalo na't iyon din ang naging dahilan ng pagkawala ni mom. Kahit isang segundo ay hindi nawala sa isipan ko ang pagkakamaling nagawa ko. Dapat pala noong nagkakutob na ako ay bumitaw na ako. In that way hindi na sana aabot sa ganoong sitwasyon. Pero hindi, sumama pa din ako na naging dahilan ng pagkawala ng aking ina. It hurts. Dahil sa simpleng relasyon nawala ang taong mahalaga sakin, nawala ang kapatid ng bestfriend ko. Idagdag pa ang nangyaring aksidente noong makalawang linggo.
In short, kasalanan ko lahat. My decisions are not always accurate and right like all the people use to tell. Dahil sa mga desisyong ginagawa ko ay mayroong kapalit.
"Tsk! Ano bang meron sa akin at ako pa ang nagustahan mo? Madami naman dyang iba na mas maganda sa akin at mas mabait. Hindi ako caring na tao at minsan nakikipag basag ulo ako kapag kinakailangan. Hindi din ako babae kumilos at manamit. Wala sa dictionary ko ang salitang cosmetics at dress. I hate wearing girly clothes. And most of all I hate pink." Sambit ko at tumingin sa kanya. Nakatingin lang sya sa malayo habang nakangiti at napapailing. Pinaningkitan ko sya nang mata, nagtataka kung anong nakakatuwa sa mga sinabi ko.
"So? Wala akong paki kung pang Miss Universe ang kagandahan nila. Ikaw yung mahal ko hindi sila. And besides, your too gorgeous that you can even compete in a beauty pageant. Kaso wag ka nang sumali, baka magkaroon pa ako ng kaagaw. Tsaka sinong may sabing hindi ka caring? Baka gusto nyang isupalpal ko sa pagmumukha nya ang mga papeles ng mga taong natulangan mo. Yung mga taong nang gulo sa mall nyo, may trabaho na ngayon sa cafe na pag-aari mo. Si Seath na iniligtas mo sa mga gangsters. Si Clane na hindi mo iniwan hangga't hindi mo nasisiguradong makakauwi sya ng ligtas. At yung team mo sa basketball girls. Sabihin mo nga, hindi ka pa caring at mabait sa lagay na iyon? Tsaka yan ang nagustuhan ko sayo. Hindi ka maarte. Iba ka sa mga babaeng nakilala ko."
Napaiwas ako nang tingin at ibinaling ang aking mata sa tanawing nasa harap ko. Hindi naman sa ayoko sa kanya. Ayoko lang na ako ang nagiging dahilan ng paghihirap nya. Noon nga na naikwento ko ito kay Crisha noong isang araw ay tinaasan nya ako ng kilay sabay sabing: "Lex dinaig mo pa ang lalaki. Tatanungin nga kita. Mahal mo ba si Clyde?"
Matapos ang pag-uusap na iyon ay hindi na ako nakaimik pa. Naguguluhan ako at hindi ko alam ang nararamdaman ko. Iyon din ang dahilan kung bakit natatakot akong tanggapin ang pagmamahal ni Clytard. Hindi ako sigurado sa aking sarili. May part sa akin na mahalaga sya. At minsan ay naninibago ako kapag hindi ko sya nakikita. Hindi ko alam kung tama nga pa ba ang pang-aasar sa akin noon ni Angelia. Nahuhulog na nga ba ako sa kanya? O talagang naguguluhan lang ako kaya ganito nararamdaman ko.
"Clyde." Napatingin sya sa direksyon ko nang tawagin ko ang pangalan nya sa unang pagkakataon. "Sa mga ganitong sitwasyon, ayokong pang mag desisyon lalo na at magulo pa ang isip ko. Hindi ko pa alam ang nararamdaman ko. Gulong gulo ako at hindi ako sigurado. Hindi ko hinihiling na hintayin mo ako. Hindi ko rin hinihiling na mag stay ka. Malaya kang gawin kung anong gusto. Hindi kita pipigilan. You have your life on your own. Remember, nabalaan na kita. Hindi pa ako handa. Ang gusto ko ngayon ay time para naman sa sarili ko." Saad ko. Baka sa susunod na mga buwan ay lumipad akong Japan for business matters. Ang nga kuya ko naman ngayon ang magi-stay sa Pilipinas. Sa loob ng siyam na buwan ay maraming nang yari sa buhay ko simula nang umuwi ako dito sa Pilipinas.
Nagkaroon ako ng mga kaibigan. Shakespeare na parang pamilya ko na rin. Nalaman kong may pinsan pala akong bipolar. Nagkaroon ng mga kaaway. Nabully. Napagtulungan. At mga pangyayaring hindi ko kayang makalimutan.
Kung sigurong nasa Amerika pa lang ako ay hindi ganito ka thrill ang mararanasan ko. Everything are still dull. At siguro hanggang ngayon ay lagi akong binabangungot sa nakaraan na gusto kong kalimutan.
I'm glad that I decided to be with my father and brothers.
"M'lady kahit anong sabihin mo mag iintay ako. Ganoon kita kamahal. This is the first time that I fell in love. At wala na akong hihilingin pa. Your the best for me. I don't care about the other girls around me. I only want you and no one else." Humarap sya sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Bahagya nyang hinawi ang aking buhok sa likod ng aking tainga. The wind carries my hair as it touch his face. "Your beautiful m'lady. And I couldn't as for more. Ikaw lang sapat na. I'll wait for you. Even it takes forever." Nakangiting sambit. Sadyang sumilay ang ngiti sa aking labi.
I'm glad he understands.
He caress my forehead and kiss it.
"I love you Lady Eazhel Xyn Castillejo."
I know. Me too.
Somewhere~
"Sisigawan ba natin sila?" Sabi ni Eren na nakatingin sa kinaroronan nang dalawa. Nasa terrace sula ng rest house kasama ang iba. Kanina pa nya gustong pumagitna sa dalawa kaso pinipigilan lang nya ang sarili. "Don't. Don't ruin their moment." Tugon naman ni Eroll. Masaya sya para sa bunsong kapatid. At least ngayon, hindi na puro kalokohan ang nasa isip nito. "Hayaan nyo na sina Clyde at bunso." Napapahikab na sambit ni Eron. Ginising sya kanina ni Crisha dahil may nangyayaring kababalaghan sa labas. Ang biro pa nito ay baka nagkakamabutihan na ang dalawa. Agad naman itong lumabas at naabutan ang dalawang kapatid na pinapanuod sina Clyde at si Lex.
"It's just so weird seing them like that." Panimula ni Crisha katabi pa ang tatlong barkada. Napatango si Angelia sa kanya. "Oo nga. Noon mortal enemies ngunit tingnan mo ngayon." Kasabay nito ang paghalik ni Clyde sa noo ni Lex. "Dinaig pa ang may label." Natatawang sabi nito.
"Who would have thought."
"Thought what?" Tanong ni Crisha kay Eron na nakatingin sa dalawa.
"That He's in love with a tomboy."
-END-
BINABASA MO ANG
He's In love With A Tomboy
Teen Fiction[TOMBOY 1] He's in love with a Tomboy Si Lex Castillejo ay lumaki sa States kasama ang kanyang personal butler. Ang kanyang ama at ang mga nakatatandang kapatid na lalaki ay pinauwi sya sa Pilipinas. Sa isang taon nyang pamamalagi sa Pilipinas na ku...