Kurt P.O.V
Nagising ako na parang ang tigas naman yata ng hinihigaan ko ang pagkakatanda ko kase malambot ang kama ko sa kwarto ko pero bakit parang hindi naman ganon kalambot yung hinihigaan ko ngayon. kaya minulat ko ang mga mata ko para malaman kung asan ako. At pag dilat ko nakita ko ang isang hindi pamilyar na kwarto. Kaya napabangun agad ako at bigla naman sumakit ang ulo ko dahil yata to sa alak. Teka asan nga pala ako at kaninong kwarto to.
Bigla naman bumukas ang pinto at isang lalaki na hindi ko kilala ang pumasok.
"Oh buti naman at gising kana. Gigisingin na sana kita para mag almusal naka handa na kase sa kusina yung almusal." Sabi sakin ng lalaki pagkakita niya sakin habang naka upo sa kama. (Oo kama siya pero di masiya malambot) siguro kwarto niya to.
"Nag tataka ka siguro kung bakit ka nan dito. Dila ka ng kapatid ko dito kagabi lasing kana kase. Kaya dito ka muna niya pinatulog sa kwarto ko kase di kana raw makakapag drive pauwi sa inyo." Sabi nanaman niya sakin. Mukha nahalata niya siguro kung ano iniisip ko. Saka teka sinong kapatid niya. Baka nan dito ako sa bahay ni elise at ito yung kuya niya na may bday kahapon.
"Ikaw ba ang kuya ni elise yung may b-day kahapon." Sagot ko sa kanya.pero umiling lang siya. Sasagot na sana siya ng may bigla naman kumatok at pumasok ang isang taong kilala ko or should i say classmate ko.
"Buti gising kana. Kuya lumabas na raw kayo jan at kakain na." Sabi ni kyle. At oo tama si kyle nga. May bigla naman pumasok sa isip ko na ikinagulat ko kung totoo ba yun o kung ano. Nang tingnan niya kase ako parang nagulat pa siya sakin. At iniwas niya agad yung tingin niya na parang nahihiya siya. Baka panaginip ko lang yun. Imposible naman kase na halikan ko siya diba. Pero sabi nga ng kuya niya na lasing na raw ako kagabi. Baka nadala lang ako sa alak kaya ko siya nahalikan. (Oo yun lang naalala ko ngayon yung pag halik ko kay kyle) bingla naman ako napangiti na ewan.
Habang nag iisip ako bigla naman ako tinapik ng kapatid ni kyle at sinabing mag almusal na raw kame. Pag tingin ko naman sa may pinto wala na si kyle sa may pinto. Nauna na siguro siya. Di manlang nag hintay.
------------
Habang nag aalmusal kame ay kinakausap ako ng kuya at mama niya pero siya di man lang nag sasalita. Kahit nga tapunan ako ng kunting tingin ay di niya ginagawa. Galit ba siya sakin dahil sa ginawa ko sa kanya kagabi. Pero kase hindi ko napigilan yung ginawa.
"Hijo okay ka lang ba? Naka tulala kana jan.may problema ba?" Tanong sakin ng mama ni kyle. Oh sh*t. napatulala na pala ako kay kyle kakaisip ko ng ginawa ko kagabi. Nakakahiya tuloy. Bigla tuloy ako tingnan ni kyle at ng kuya niya.
"Ah..eh.. Ano wala naman mo tita." Sagot ko naman sa kanya.saka sabi niya tawagin ko raw siyang tita total raw kaibigan naman raw ako ng anak niya at classmate din. Kaya yun tita tawag ko sa kanya.
Nang matapus kame kumain ay naupo muna ako sa may labas mg bahay nila para na din mag pahangin. Pero pag labas ko nakita ko si kyle naka ngiti siya habang may kausap sa cp niya. Tsk. Sino naman kausap nito ang aga-aga yan agad inatupag niya. Kainis. Kainis kase may nararamdaman nanaman akung hindi maganda. Kaya lumapit nalang ako sa kanya pero mukhang di niya ako napansin. Nainis ako lalo ng marinig ko yung mapangalan ng kausap niya.
"Sige nathan kita nalang tayo bukas." Sabi ni kyle sa kausap niya na si nathan. Asar talaga. Pag harap niya bigla naman siya napaatras. Nagulat yata kase hindi niya napansin na nan dito na ako sa likod niya.
"Ay baklang palaka ka..nakakagulat ka naman. Kanina kapa ba jan.?" Tanong niya sakin.
"Hindi. Kadarating ko lang." Sagot ko sa kanya. Tapus bigla nanaman siya umiwas agad ng tingin sakin. Sh*t galit nga siguro to. Kausapin kuna kaya.
" galit kaba sakin?" Tanong ko sa kanya. Nagulat nanaman siya at tumingin sakin na nag tataka.
"Bakit naman ako magagalit sayo." Sagot niya sakin na parang nag tataka pa. Akala niya siguro hindi ko maalala yung ginawa ko sa kanya.
"Dahil don sa ginawa ko gabi." Lumaki naman yung pag kakadilat ng mata niya. Ang hilig niya magulat. Magugulatin yata to si kyle.
"Naalala mo.?!" Takang tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot.
"I'm sorry... Kyle." Sabi ko sa kanya ditso sa mata niya.
"Okay lang. Hayaan muna alak ko lasing ka lang kagabi. Sana wag na maulit." Sagot niya at ngumiti ng pilit. Sa sinabi niyang yun ay nilahad ko yung kamay ko sa harap niya at nag pakilala na parang ngayun lang kame nag kita at nagka kilala.
"I'm kurt Lee. 18 years old and single." Sabi ko sa kanya na naka ngiti. Pero naka tingin lang siya sakin at sa kamay ko hindi niya alam ko tatanggapin niya ba o hahayaan niya nalang pero hindi ganon. Kase maya-maya tinanggap niya naman yung kamay ko at nag pakilala din katulad ng ginawa ko.
"I'm kyle cruz 18 years old & single." At bigla niya tinanggap ang kamay ko at Ngumit siya sakin at ngayon alam ko totoo na yun at hindi na yun pilit na ngiti. Kaya nilakasan kuna ang loob ko para makipag kaibigan sa kanya at mapalapit sa kanya. Para makilala kuna siya ng lubos at para malaman kuna rin sa sarili ko kung ano talaga tong nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko siya.
°°°°°°°°°°°°Whaaaaa.... Thank you sa mga nag babasa nito at kahit papano binabasa niyo. Thanks po😘 sana magustohan niyo kahit alam ko pangit yung pag kakagawa ko. Thanks parin guys.😘😘❤
BINABASA MO ANG
Kurt Kyle & Nathan The BxB Love Story
RomanceSPG SPG SPG (18 pataas lang po) Akin Ka Lang. Walang Pwedeng Gumalaw Sayo Kundi Ako lang.