Chapter: 28

1.8K 52 1
                                    

Kyle P.O.V

Habang nag hahalikan kame ni kurt ay may narinig ako na parang may papalapit kaya naitulak ko siya. Sumimangot naman siya na parang nabitin. Tumingin ko sa kanya at ngumiti. Lumapit ang isang katulong.

"Sir may nag hahanap po kay sir kyle sa labas na isang babae." Sabi nang katulong kay kurt.

"Baka si elise na yon tinext ko kase siya kanina bago ako mag hugas nang plato." Sabi ko kay kurt. Tumango lang siya at humarap siya sa katulong.

"Sige papasukin mo sabihin mo nan dito kame sa sala." Sagot ni kurt sa katulong. Nag bow lang sa kanya yong maid at nag lakad na papuntang gate para papasukin si elise.

--------

"Baklaa.. Bakit mo ba ako pinapunta dito." Tanong sakin ni elise nang makalapit siya sakin. Wala si kurt umakyat muna siya sa taas.

"Wala kase ako kakwentohan dito. Ayaw naman ako payagan ni kurt umuwi sa bahay. Saka nag pinaalam niya na kay mama at kay kuya na nan dito ako sa bahay niya kaya ayon." Mahabang paliwanag ko kay elise. Tumango-tango lang siya.

"Kala ko naman kong ano na. May date pa naman ako ngayon." Sabi niya bigla. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Oh sige umuwi kana." Sagot ko sa kanya habang tinutulak ko siya palabas.

"Ito naman hindi na mabiro. Sige na sasamahan na kita dito. Baka mabuang kapa dito sa bahay nang jowawa mo." Sabi niya naman habang tawa nang tawa. Jowawa talaga pag kakasabi niya. Haha

"Nasan pala bf mo." Tanong ni elise habang nililibot niya yong paningin niya sa loob nang bahay.

"Nan don yata sa kwarto niya." Sagot ko kay elise. Tumango lang siya. Nang biglang tumunog ang phone niya.

"Hello" sagot niya don sa kausap niya. Naka tingin lang ako sa kanya habang may kausap siya sa phone. Ngumingiti siya na parang excited na ewan. Maya-maya pinatay niya na yong tawag.

"Sino yon." Tanong ko sa kanya.

"Si kuya. Tinatanong kung sasama raw ako sa swimming nila. Kasama raw mga kaibigan niya. Sama tayo beks. Dami boys don." Sagot ni elise. Kaya pala panay ngiti ang loka puro boys pala naiisip.

"Di ako pwede. Baka di ako payagan ni kurt." Sagot ko sa kanya.

"Edi isama mo siya para makasama ka." Sagot niya naman sakin.

"Edi hindi tayo makalandi niyan. Sigurado babantayan lang ako non."  Sagot ko naman sa kanya. Nag isip naman siya. Kung ano gagawin. Maya-maya tumingin sakin.

"Wag ka nalang kaya mag paalam. Ngayon lang naman." Bigla niyang sabi. Napaisip naman ako don. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Sige." Sagot ko kay elise. At nag apir kaming dalawa.

------------
Kurt P.O.V

Nag dito ako ngayon sa kwarto ko. Hinayaan ko muna don si kyle sa sala kasama ang kaybigan niya. Sinabi ko sa kanya na papuntahin niya nalang dito para hindi na siya gumala. Baka san pa magkayayaan yong dalawa yon.

Lumabas ako nang kwarto ko para uminom nang tubig. Bigla akong nauhaw. Naririnig ko naman yong dalawa na tumatawa parang ang saya nilang dalawa. Ano naman pinagvuusapan nang dalawang to. Lalapitan ko sana sila kaso bigla maysinabi si kyle kay elise.

"Beks. Tara na baka magising pa yon si kurt di pa ako makasama." Sabi ni kyle kay elise habang hinihila niya ito papuntang pinto.

"Sandali lang naman. Pagamit muna ako nang banyo. Mag papalit na ako nang pang swimming. Para pag dating natin don huhubarin ko nalang tong damit ko. San ba yong banyo." Mahabang sagot ni elise kay kyle. Tinuro naman ni kyle kung asan ang banyo at nag lakad na siya papunta don.

Di pa ako napapansin ni kyle. Naka talikod kase siya sakin kaya di niya alam na nasa likod niya na ako.

"San ang punta niyo" bigla sabi ko habang nasa likod niya ako. Nagulat naman siya at biglang humarap sakin.

"A-ano...sa..." Di niya matapus-tapos ang sasabihin niya. Kinakabahan siyang naka harap sakin. Sakto naman lumabas si elise sa banyo.

"Bakla tara na. Nag text na si kuya punta na raw tayo." Sabi ni elise habang hawak ang cp niya. Naka yuko siya kaya di niya rin ako napansin. Si kyle naman di sumagot kaya bigla tumingin si elise kay kyle at tumingin sakin. Nagulat din siya. At yumuko ulit. Naka tingin lang ako sa kanilang dalawa.

"So san nga ang punta niyong dalawa." Ulit ko kay kyle na di makatingin sakin. Tumingin naman ako kay elise.

"San kayo pupunta" si elise nalang ang tinanong ko. Tumingin muna siya kay kyle bago tumingin sakin at sinabing.

"Isasama ko sana siya sa swimming nila kuya. Kamasa naman ako kaya niyaya ko na din si kyle." Sagot ni elise at tumingin ulit kay kyle. Si kyle naka tingin na sakin at para gusto niya talagang sumama.

"Sige papayag ako." Sagot ko. Nagulat naman yong dalawa sa sagot ko at nag tinginan sila at nag tatalon sa tuwa. Yumakap naman si kyle sakin at bumulong nang "thank you"

"Papayag ako pero dapat kasama ako. Mahirap na baka maraming lalaki don" sabi kong bigla kaya napabitaw si kyle sakin at nagulat sa sinabi ko. "Tss.kala mo makakatakas ka sakin" sabi ko kay kyle at ngumiti ako sa kanya. Yong itsura niya parang nalungkot. Sabi na nga ba may binabalak tong dalawang to eh.

"Sige. Tara na sinabi kuna kay kuya na kasama natin boyfriend mo." Biglang sabi ni elise. Umakyat muna ako sa taas para kumuha nang masusuot at bumaba agad ako para makaalis na din. Sumakay na kaming tatlo sa kotse at nag drive papunta sa bahay ni elise.

Nang makarating kame sa bahay nila elise ay may naka parada na puting van. Naunang bumaba si elise. Sumunod ako at binag buksan ko si kyle nang pinto. Ganyan ako kay kyle. Mahal ko yan eh.

Pumasok na kameng dalawa ni kyle sa bahay nila elise. Si elise nauna na sa loob kaya kame nalang ni kyle ang sabay na pumasok. Pag pasok namin yong kuya ni elise yong nakita namin sa loob nang aayos nang mga dadalhin ang mga pagkain. Sabi niya nasa garden raw yong iba kaya don na kame pumunta. Pag dating naman namin sa garden nakita ko tatlong babae na ang iikli nang suot at walang mga damit. Naka bra lang sila. At 8 na lalaki na busy sa kanya-kanyang ginagawa. Tiningnan ko naman si kyle na ang laku nang ngiti kaya hinila ko siya papasok nang bahay. Ung ibang lalaki kase don naka boxer nalang.

"Kaya pala gusto mo sumama kase ang daming lalaki." Sabi ko kay kyle nang makapasok kame sa loob.

"Hindi kaya. Saka ikae nga makatingin ka don sa tatlong babae kanina kulang nalang sunggaban mo eh. Kala mo di kita napansin na naka tingin ka don. Dukutin ko yang mata mo eh." Mahabang sagot niya at iniwan ako. Pupunta raw muna siya kay elise. Tulungan ko raw yong kapatid ni elise mag ayos nang dadalhin. Tsk. Nautusan pa tuloy.

°°°°°°°°°°°°°
Hope you like it guys.
😘😘😘😘😘

Kurt Kyle & Nathan The BxB Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon