Chapter 10: Expect The Unexpected: William's POV

1.2K 17 9
                                    

Wiliam’s POV

Hiiii ^____^ Ako si Prince William!! Dejoke. William James Redondo :)

 Alam ko hindi niyo pa ako masyadong kilala. Kaya magpapakilala ako sainyo, lahat-lahat sasabihin ko, pati secret feelings ko!! ^^

 15 years old na ako, first love ko si Adelaine.. Oo, pero she chose to break my heart. 

One more chance ang peg..

Ang beki ba ng salita ko? May tatlo kasi akong kapatid. Mejo nahahawa. Pero!! Maskuladong maskulado ako noh! Sa salita lang ako nahahawa sa kanila, pero sa kilos hindi PA naman, hahahahaha!

Nung una ang saya ko kasi kasabay ko si Frederick nanligaw sakanya, pero ako yung pinili ni Adelain..

Tapos dumating na lang yung araw na..

Bigla-bigla niya akong hihiwalayan at iiwan?

Kesyo nabigla lang daw siya, hindi pa daw pala siya talaga handa..

Nasaktan talaga ako nun, sakanya lang ako nag-effort ng ganon..

Tapos..

<////////3

Broken hearted.

Syempre ang hirap magmove-on.

Sinusubukan ko siyang iwasan..

Pero kasi..

Kaklase ko eh, pano ko naman maiiwasan yun diba??

Ginagawa ko talaga ang lahat para makamove-on na ako..

May niligawan ako, parang ginawa kong rebound..

Pero binreak ko din, naisip kong mali yung ginawa ko.

Hindi naman yun makakatulong, makakasakit pa ako..

Tama? Tama!

Kaya kayo, wag kayong manggagamit ng iba para lang sa nararamdaman niyo.

Isipin niyo kayo yung ginamit, masakit diba?

Kaya wag nyo gagawin yun.. lalo na sa mga babae..

Babae nag-ire sainyo, kaya dapat may respeto tayo sa kanila ha? :-*

Hanggang sa tumatagal.. nakakamove-on naman na ako..

Isang araw, nakita ko si Adelaine duon sa may likod ng puno, parang may pinapakinggan.

Nakita ko..

Si Frederick at Jazara nag-uusap.

Bat naman kaya parang nag-i-spy tong si Adelain?

Anong meron?

Syempre, curious here. Nakitsismis din ako. Na-curious dre eh!

Jazara: Oo nga eh. Pero wag na natin alalahanin yun! Sus, nabobo lang ako sa pagmamahal.

Nakinig lang ako.. Hanggang sa nakita ko ginulo ni Frederick yung buhok ni Jazara, at ngiting-ngiti..

Jazara: Frederick, pwede wag ka naman ganyan ka-sweet? Baka bumalik yung alam mo na, yung feelings ko for you. Mag-emo-emohan nanaman ako .

May feelings si Jazara kay Frederick?

Baka bumalik?

Wait lang ah, di ko magets eh..

So, nawala na yung feelings ni Jazara for Frederick, tapos ngayon sweet si Frederick sakanya.. kaya ayaw niya ng ganun, kasi baka bumalik yung nararamdaman niya para kay Frederick?

Shaxxx! Ang talino ko!! Tama? Tama? Tama ba hula ko??

Pero bakit parang ang lungkot ni Jazara?? Hindi ba siya gusto ni Frederick?

Maganda si Jazara, matalino..

Sa 2 years naming mag-schoolmate, madami na siyang achievements..

Proud na proud siguro sakanya yung parents niya..

Ako kasi average lang eh, hindi matalino, hindi din bobo..

Almost perfect si Jazara!

Pero bat hindi magustuhan ni Frederick??

Kung ako yun...

Ano ba??

Hmm..

Kayang-kaya kong suklian yung pagmamahal ni Jazara!

Sa tingin ko hindi naman siya mahirap mahalin eh.

Sana pala siya nalang yung una kong minahal.

Kasi wala sa mukha niya yung manloloko, tignan mo nalang, siya pa yung umaasa ngayon sa isang lalaki.

May strong personality ‘tong si Jazara..

Isipin niyo, siya yung tumulong kay Frederick na manligaw kay Adelaine..

Pero siya pa yun na-inlove kay Frederick..

At eto namang tatangang Frederick,  si Adelaine na manloloko ang pinagtutuunan ng pansin..

Andyan na nga yung babaeng tunay na nagmamahal sakanya eh!

Dapat hindi niya na pinapalampas! Nako! Sarap kalbuhin ni pareng Frederick!!

Umalis na ako nuon, hindi ko tinapos yung pag-uusap na yun.

Fastforward.

Kinagabihan..

Nakahiga na ako sa kama ko, nakatingin sa kisame..

Iniisip ko si Jazara, nasasaktan siya, ayoko makakita ng babaeng nasasaktan.

Nasasaktan siya dahil hindi siya kaya mahalin pabalik ni Frederick.

Ako, kaya ko! Paparamdam ko kay jazara na may lalaking handang mahalin siya!

Kilala naman niya na siguro ako diba?

Magpaparamdam na ako sakanya.. paparamdam ko sakanya na andito ako, handa siyang mahalin, at hindi siya papaasahin.. ^___^

Boto naman siguro kayo sakin para kay Jazara di ba??

Kinabukasan..

Nakita ko siya kumakain mag-isa nung lunch.

Ano 'to??

Binibigyan agad ako ng chance ni Lord?? Yieeee!!

It's time to "damoves" Hahahaha!

Lumapit na ako sakanya..

Kinakabahan ang pogi!! Dejoke ^.^

William: Jazara?

Hala tumingin siya sakin!! Ang ganda

Nasa langit na ba ako?? ^____^

Parang anghel, tapos ang ganda pa ng mata, tas yung ngiti, wow ulam!!

Jazara: William?? Yoohoo? 

Sheeeeettt!! Kinaway niya pa yung kamay niya sa harap ng mukha ko.

NATULALA AKO SA KAGANDAHAN NIYA, TINAMAAN NA TALAGA SI PAPA WILLIAM! SHAXXX!!

William: A-ah??

****************************

Wait for the next update!!

Vote & comment guys!! 

Comment if you want dedication!

Thanks for reading!! :))

Untold and letting go of feelings. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon