Chapter 23: Mothers know best

863 12 8
                                    

Jazara's POV

Hinatid ako ni William pauwi..

Tinext ko si Kristofer na wag muna siya eeksena. 

Gusto ko solohin si William. Waaa joke lang :)

"Ma, andito na po ako.." Sinabi ko yun nang nakangiti..

Binaba ko yung bag ko sa may kusina..

At uminom ng tubig..

"Aba, mukhang masaya ang anak ko ahh."

"Ay palaka!"

Muntik ko na maibuga yung tubig.

Hala! Nakita ako ni mama. Nakakahiya.. Baka sabihin nababaliw na ako..

Nababaliw kay William?! Waaa! 

Napangiti nanaman ako ng wala sa oras!!

"In-love ka anak ano??"

"H-huh? Ano ma?"

"Ang sabi ko.. In-love ang dalaga ko.."

"A-ako? A-ah e-eh.."

Siakol. Bat ako na-u-utal?!

"Tsk tsk! In love ka anak.. :) Si William ba?"

Syempre kilala na ni Mama.. Araw-araw ba naman dito eh..

Pero in love na ba talaga ako??? >___<

"P-pano mo naman nasabi ma??"

"Ngumingiti ka mag-isa.. Kasi hinatid ka ni William.. Yieeee."

Tinusok pa ako sa bewang ko. 

"Upo nga tayo sa sala anak.."

Ano to. I-interviewin ako?? Waaaaa. 

Take me Lord! Joke.. Waaa!!

Sinundan ko nalang si Mama..

Inakbayan niya ako..

"Masaya ka ba kapag kasama siya?"

"S-sino po?"

"Napaka-pakipot mo naman anak! Si William babes mo!"

"Ma! Babes ka dyan!"

"Hahahahaha! Kinikilig ka naman.. Pero seryoso anak.. Masaya ka ba kapag kasama si WILLIAM??"

Kelangan talaga i-emphasize yung William?? Si mama talaga oh!!

 "Opo ma.."

"Kung ganon.. Tama sigurong sagutin mo na si William.. Tingin ko naman seryoso siya sa iyo.. Hindi naman siguro yun pupunta dito araw-araw kung hindi ka talaga niya mahal.. Tsaka babanatan talaga ng tatay mo yun kapag niloloko ka lang! Tsaka oras na din para maranasan mo magmahal.. Sinasabi ko sayo.. Masarap magmahal anak.. Pero hindi laging masaya.. Alam kong magkakaron at magkakaron kayo ng problema.. At kahit gaano pa man kahirap yon, dapat kayanin niyo. Andito lang kami ni Papa mo kapag kailangan mo ng payo.. Wag kang mahihiya sa amin.. Pinagdaanan na namin yan anak.. Huh?"

"Ma! Ang bilis naman ata eh?"

"Alam mo anak.. Hindi pangliligaw ang pinapatagal.. Ang relasyon.. Tandaan mo yan.."

"Sabagay, siguro ganyan kayo ni Papa noh?"

"Hmmm.. Oo, 1 week nga lang eh. Hahahaha!"

"Bayan Ma, easy to get ka naman!"

"Uy hindi noh.. Sadyang we're destined for each other!"

"Waaa. Tama na Ma, ang corny na!"

"Basta anak, suportado ko kayo ni William. :)"

"Salamat ma!"

Niyakap ko si Mama..

Ang swerte ko dahil may nanay akong katulad niya..

*****

Bigla lang pumasok yung idea na yan kaya sinulat ko agad hehe. 

Bayad na utang ko. 2 updates agad hehe. =))

Try ko ulit bukas :D

Untold and letting go of feelings. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon