Taong Lobo

38 1 2
                                    

Maria Pov

Hanggang ngayun hindi parin ako maka paniwala na wala na ang kapatid ko and lalong lalo na na sila Darren at Khymz. Taksil sila. Nadito kami ngayun sa hospital para bisitahin ang Daddy. Hindi pa sya nagigising.

"Daddy, gumising na po kayu. Please lang Daddy, pano na kami ni Mommy kung mawawala ka na din?" Sabi ko naman kay Daddy.

"Anak, Mia." Sabi naman ng Daddy. Nagising na atta.

"Caleb. Caleb, wag ka munang gumalaw, kelangan mong magpahinga, hindi ka pa magaling." Sabi ng Mommy kay Daddy.

"Maria, Mia, asan si Megan?" Tanong ng Daddy. Naluha nalang ako at napatingin sa floor.

"Anak, bakit?" Tanong ng Daddy at pinunasan ang luha ko. "Asan ang anak ko?" Sabi ulit ng Daddy nung sumonod na umiyak si Mommy.

"Caleb, si si.." Sabi ng Mommy na umiiyak na at halos hindi maka hinga. "Wala na ang anak natin Caleb." Sabi ng Mommy na punong puno ng luha.

Nanlaki ang mata ng Daddy nung narinig nya yung balita. "HINDI! HINDI! HINDI PATAY ANG ANAK KO. KELANGAN KO SYANG MAHANAP. ANG ANAK KO!" Sigaw ng Daddy at umiiyak na din. Pinipilit nyang makawala.

"Caleb, Caleb, tama na please. Tama na. Hindi mo na sya mahahanap. Nailibing na namin sya." Sabi naman ni Mommy.

"Hindi, Mia nararamdaman ko ang anak natin. Buhay sya at kelangan nya ako." Sabi naman ng Daddy. "Kelangan ko syang hanapin, Mia, walang say say ang buhay ko kung wala ang anak ko." Sabi ni Daddy, dun ako nasaktan kasi nandito naman ako eh. Ang problema kasi laging si Megan yung iniisip ni Mommy at Daddy, laging sya, hindi nila ako na papansin.

"Daddy nandito naman kami, ako, anak mo rin ako." Sabi ko naman kay Daddy at pinigilan ko na sya.

"Hindi nyo naiintindihan!" Sigaw naman ni Daddy samin.

"Alam ko Daddy na kahit kailan hindi ko mapapantayan yung pag mamahal nyo kay Ayla *Pangalan ni Megan sa Lobo Family* pero sana subukan nyo rin akong mahalin. Kasi Daddy mula nang bumalik kayo si Ayla nalang ang ina alala nyo. Kahit kailan hindi nyo man lang tinanong sakin kung kumusta ako. Bakit Daddy? Anu bang meron sya na wala ako? Hindi nyo ba ako anak?" Sabi ko naman sa Daddy ko.

"Anak, wag mong sabihin yan. Anak ka namin, pero ang kapatid mo mas kailangan nya ang protection ng Daddy nyo kasi si Adrian ang target nya ang kapatid mo. At Anak, alam mo kung paano kontrolin ang sarili mo pero ang kapatid mo hindi lalo na at umibig sya sa tao." Explain naman ng Mommy.

"Tama ang iyong Ina. Ma kailangan ako ni Ayla ngayun. At kailangan ka din namin para hanapin ang kapatid mo." Sabi naman ng Daddy.

"Sorry Daddy, hindi ko alam na ganun pala yun." Sabi ko naman. "Pero Daddy, paano mo nararamdaman na buhay sya? Wala akong nararamdaman." Sabi ko naman kay Daddy.

"Hindi ko alam pero si Ayla ang gumising sakin. Tinatawag nya ako at kayo sabi nya na kailangan nya nang tulong natin at kailangan na lagi nating suot ang kwintas." Sabi naman ng Daddy. Yung kwintas na suot lagi ni Daddy at Ayla.

"Pero Daddy, wala sakin ang kwintas." Sabi ko naman kay Daddy.

"Itoh, isuot mo nalang yung akin." Sabi naman ng Daddy at binigay sakin ang kwintas.

"Hindi Daddy. Sayo yan." Sabi ko naman.

"Mas importante ka Alice *Pangalan ni Maria sa Lobo Family* hindi ko kakayanin na mawala ka pa." Sabi naman ng Daddy.

Sinuot ko na yung kwintas at niyakap ko ang Daddy at Mommy.

Darren Pov

Nandito ako ngayun sa bahay kina kausap nila Mommy tungkol sa issue namin ni Khymz.

Best Friend's LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon