Celine POV
Ang tagal ng klase namin. Sasabay pa naman ako kay Galvan. Si Kaye naman concentrate sa pakikinig.
'Oo. Gusto kita.'
Napapangiti talaga ako tuwing naaalala ko ang pag-amin ko kay Galvan.
"Miss Romero are you listening?" nawala ang ngiti ko sa pagtawag na 'yon sa'kin ni maam.
"Yes maam," sa dinami-rami namin dito bakit ako pa ang napansin niya?
"Please stand. Give another method of extracting roots aside from factoring," buti na lang at iyon ang tinanong ni maam.
"Completing the square po," salamat kay Galvan. Nakatulong ang pinagawa niya sa'kin kahapon.
"You may sit. Akala ko wala ka ng maisasagot dahil nandyan sa labas ang sundo mo," napatingin ako sa tinutukoy ni maam.
Si Galvan!
Nagpatuloy si maam sa paglelecture. Ako naman 'di mapakali rito sa kinauupuan ko. Bakit ba ang tagal ng oras?
Buti nalang at nagbell na. Kinuha ko agad ang gamit ko at lumabas.
"Sorry sa paghihintay," sabi ko kay Galvan.
"Paghihintay?" nagtatakang tanong niya.
"Natagalan kasi ang lesson namin," napakamot ako ng ulo.
Napatawa siya. Anong problema niya? Baliw na ba siya?
"You are...hahaha... you are thinking na hinihintay kita?"
????????
Napakunot-noo ako sa tinanong niya.
????????
"I'm waiting for Maam Celestine. Sa kanya raw kasi ipapasa itong reports," napatingin ako sa hawak niyang folder.
So ibig sabihin....
NAKAKAHIYA!
Napapikit ako at naglakad papalayo. Akala ko pa naman...Hays!!
Ang advance mo kasing mag-isip Hannah Celine. Hindi niya man lang ako hinabol.
Malapit na ko sa gate nang tumawag si Galvan.
"Hintayin mo na lang ako sa gate. Pababa na rin naman ako," tapos he ended the call.
Tiningnan ko ng masama ang screen. Ang galing mo talaga Galvan. Hah! Kapal niya! Akala niya hihintayin ko siya? Pagkatapos ng ginawa niya. Asa siya!
I took a deep breath. Umupo ako sa bench malapit sa guard house at nagbasa ng libro.
"Thanks for waiting," hindi ko namalayan ang pagdating ni Galvan. "Akala ko hindi mo ko hihintayin."
Napatayo ako. Bakit nga ba nandito pa ako? Naglakad ako palabas pero hinawakan ni Galvan ang kamay ko.
"Leaving me again?" bakit ba siya ngumingiti?
"B-ba..ba..bakit k-ka ngumingiti?" ano bang nangyayari sa akin?
"Kinikilig ako e."
"A-ano?"
"Sabi ko kinikilig ako. Bawal ba?" biglang uminit ang ang pisngi ko sa sinabi niya.
"B-bakit ka naman k-kinikilig?" inalis ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa'kin.
"Nauutal ang crush ko sakin e," mas lalo pang uminit ang pisngi ko sa pinagsasasabi niya. May sapi ata si Galvan. "Nagba-blush ka."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya kaya tumalikod ako. Bakit ba ang straight forward niya ngayon?
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season I
RomanceHighest Rank: #1 (scarletheart) Dreams are more real than reality itself.