Chapter 25: The Thoughts

135 32 0
                                    

Galvan POV

When I was 6 years old, I always went to GMH. Nasa bloodline namin ang pagiging doktor. My father is a doctor as well as my uncles. Pero wala sa plano kong maging doktor. Wala nga talaga akong gusto. I only wait for what may come to my life.

Nakahiligan kong mag-ikot sa hospital lalo na 'pag iniiwan ako ni Dad sa opisina niya. While passing by I saw a little girl crying at the corner. She looks cute that I was captivated. At first, I am hesitating but then I can't stop myself from going to her.

"Bakit ka umiiyak?" I asked her.

She wasn't looking at me. She just continue crying.

"Kasi...huhuhu...sabi ng doktor..huhuhu.. mahina raw ang puso ko," she said sadly.

There are really a lot of cases like this. Narinig ko kay Dad na nahihirapan sila sa mga gnitong case lalo na at hindi gaanong marami ang donors at maraming kumplikasyon.

"You can make it. Pwede ka namang magkaroon ng donor," nakangiting sabi ko sa kanya.

Kinuha ko ang lollipop na bigay kanina sa akin ni Tito Jib and I gave it to her. Napatingin naman siya sa nakalahad kong kamay bago kinuha ang lollipop. Paalis na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Doctor tulungan niyo po ako. Gusto ko pong mabuhay nang matagal. Ayokong makita sila mommy at daddy na umiiyak," tumigil siya sa pag-iyak at tumingin sa akin.

Para siyang si Mika kung umiyak.

"Hindi ako doktor," nagsimula siyang umiyak ulit.

Bigla akong kinabahan. Baka dumating ang mommy niya't mapagalitan pa ako. Wala na akong kending dala.

"Stop crying. I will be when I grew up," pagpapatahan ko sa kanya.

Napatingin ako sa suot kong relo. Bigay 'to ni Lolo sa akin noong sixth birthday ko. Pero gusto ko talagang mapatahan ang batang babaeng kaharap ko. Wala nang pag-aalangang kinuha ko 'yong relo ko at nilagay sa kamay niya.

"Pagagalingin mo ko ha! Promise 'yan," she smiled.

"Oo naman," ginulo ko 'yong buhok niya.

"Celine ang pangalan ko. Ikaw?"

"Charence."

Hindi ko alam kung bakit nasabi ko sa kanyang pagagalingin ko siya kasi nga hindi ko pa naiisip kung anong gusto paglaki ko. But because of her, I wanted to be a doctor just like my father. Ni minsan hindi ko napag-isipang maging katulad ni Daddy. Now, I have a goal.

After that incident sa hospital hindi na kami muling nagkita ng batang babaeng 'yon. Araw-araw dumadaan ako sa pasilyo kung saan kami nagkita pero wala talaga siya. Siguro nakalimutan niya na ata ako.

Noong Grade Six ako hindi ko inaakalang makikita ko ulit siya. Nakita ko siya noong interschool namin. Noong una hindi ako makapaniwala but I knew her smile. Hindi mawala-wala ang ngiti niyang 'yon sa alaala ko. At isa pa kabisado ko ang itsura niya. She grew up well and she became prettier.

Sobrang saya ko sanang nagkita kami uli pero hindi niya ako nakilala. Kahit nga noong nanalo ako sa isang Quiz Bee at nagpapicture sa akin ang mga kaklase niya. Siya lang talaga ang hindi nagpapicture sa akin. She did smile at me again but she probably forgot about the kid who promised her to become a doctor just to stop her from crying.

Pero hindi ako sumuko. Now, I know where her school is. Simula noon dinamihan ko na ang mga competitions na sinasalihan ko. Nag-aral ako ng mabuti para manalo sa school events namin para magrepresent sa mga interschool. She always attend interschools kaya hindi ako nawalan ng pag-asang magkita kami.

MIDNIGHT KISS Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon