Kristen POV
"Gusto mo ba si Celine?" I want to know your answer.
"Ano na naman ba 'to Kristen?" naiinis na siya.
Kahit kinakabahan ako sa malalaman ko.
"I just... I just want to know,” kahit masakit tatanggapin ko.
"For what? I've already told you," dahil gusto kong malaman kung ako pa rin ang gusto mo.
"My mom wasn't my Dad's first love. Pero alam kong mahal ni Dad si Mom."
Kahit pa na mahal mo si Celine I can be your last love.
"What are you trying to imply? Na pwedeng magkagusto sa akin si Celine?" hindi ako sumagot. "All this time you still want to break them? And you are going to use me?"
"Hindi yon ang ibig kong sabihin," I want you to know gusto kita.
"Walang patutunguhan ang usapan nating 'to. I have to go," pinigilan ko siya.
"Just tell me if you like her!"
Sabihin mo lang sa akin na hindi mo siya gusto ilalaban ko ang tayo Jayden.
"Yes. Gusto ko siya. Gusto ko si Celine. I want her to live more. So please let go of my hand dahil kung hindi baka makalimutan kong naging kaibigan kita," natigilan ako at nabitawan ko ang kamay niya.
Pinigalan kong hindi maiyak. Sinundan ko siya.
"Don't forget about me Jayden. I'm sorry for being this pathetic. But please, don't forget about me. I want you and Chan to be happy."
"Then make me."
Pagkatapos niyang sabihin yon ay napaiyak na ako.
Kung alam mo lang Jayden. Gusto kita. Gustung gusto pero wala akong magawa. I can't love you.
It was Christmas. Tinawag ko si Kristell. Hindi siya sumasagot kaya pumasok ako sa room niya.
I saw her diary.
"Kristen..."
"Y-you like Jayden?" please answer no.
Tumango siya.
"Please don't tell him. Hindi pa kasi ako ready na sabihin sa kanya," then she smiled.
Pumunta ako sa kwarto at itinago lahat ng mga bagay na may kinalaman kay Jayden.
Bakit sa dinami rami ng lalaki kay Jayden pa nagkagusto ang kapatid ko?
That night I went to Jayden. Na kailanman ay pinagsisisihan ko.
"Pwede mo ba akong samahan?"
"Gabi na. Baka pagalitan ka ng mommy mo," niyakap ko siya.
Hindi ko mapigilang mapaiyak.
"Why are you crying? Kristen? Are you okay?"
Hindi ko pwedeng sagutin ang tanong mo.
"Pwede mo ba akong samahan sa amusement park?"
Pumunta kami ng amusement park. Sa ferris wheel kami unang sumakay.
"Alam mo ba kung bakit mahirap maging mabait? Kasi kailangan mo maging malungkot para sumaya ang iba."
"What happened Kristen?"
"Merry Christmas Jayden," I hugged him tight.
"Merry Christmas Kristen. I ---- you."
What did he say?
"Anong sabi mo? Hindi ko kasi narinig dahil sa fireworks. Ano ulit yon?"
"Sabi ko anong gusto mong gift."
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season I
RomanceHighest Rank: #1 (scarletheart) Dreams are more real than reality itself.