Celine POV
Hinintay ko na lang si Galvan na magising para makakain na siya. Alam ko pagod na pagod siya sa hospital. At gusto rin siyang makausap tungkol sa sinabi niya habang tulog siya.
Napatingin ako sa phone niya nang biglang magring ito.
France calling...
Hindi niya nilalagyan ng code ang phone niya? Paano kung manakaw ang phone niya? Pagsasabihan ko talaga siya mamaya.
Mukhang importante ang tawag na 'to kaya ako na lang ang sumagot sa tawag.
"Nahanap ko na 'yong pinapahanap mo Angelo. I'll give it to you tomorrow," napakunot-noo ako sa ibinungad ng nasa kabilang linya.
Angelo? Oo nga pala. Charence Angelo Galvan nga pala ang pangalan ni B. Puro kasi ako Galvan nakalimutan ko tuloy.
"Ahmm... tulog pa si Galvan. Sasabihin ko na lang sa kanya mamaya na tumawag ka," sabi ko na lang.
"You- Ah yes. Thank You," inend call niya na agad.
"Sinong tumawag?" nagising na pala si Galvan.
"Ah. France ang nakalagay."
Bakit ba kahit bagong gising ang gwapo niya?
"Baka matunaw ako Celine," ginulo niya na naman ang buhok ko.
"Kain na tayo. Hindi kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo," buti na lang talaga wala si Kaye ngayon.
Nilagyan niya ng kanin ang plato ko. At talagang dinamihan niya ha. Pinapataba niya ba ako? May contest pa kaya akong sinalihan.
"Anong sinabi ni France?" nakailang subo na si Galvan pero ako ni isa wala pa sa kakatitig sa kanya. "Okay ka lang ba Celine?"
"Ha? O-okay lang ako. Pinapasabi niya na nakita niya na raw ang pinapahanap mo. Bukas niya na lang daw ibibigay," huminto si Galvan sa pagkain at tinitigan ako.
May mali ba sa sinabi ko? Nakakailang tuloy kaya nagsimula na akong kumain. Pero nakailang subo na ko nakatitig pa rin siya.
"W-wag mo nga akong titigan," pinagpalit niya ang kutsara at tinidor ko.
"Use the spoon instead of fork."
Aish! Tatanga-tanga talaga ako. Tinidor kasi 'yong ginawa kong kutsara. Nakakahiya talaga.
Napansin kong konti lang kinain ni Galvan. Akala ko pa naman gutom siya. Hindi kaya hindi masarap ang luto ko? Tumunog ulit ang phone niya.
"Sasagutin ko lang muna ang tawag," hindi pa nga ako naka-oo umalis na siya agad.
Nakatapos na ako sa pagkain pero hindi pa rin bumabalik si Galvan. Inaayos ko muna ang kainan bago pumunta sa sala. Pero wala si Galvan dito? Saan nagpunta 'yon? Bakit wala siya sa sala?
Pumunta na muna ako sa kwarto pero nagulat ako nang bumungad sa akin si Galvan. Bakit siya nandito sa kwarto ko? Anong ginagawa niya rito?
"Bakit ka nandito?"
Pumasok na ko at inayos ang higaan. Nakakahiya sa kanya ang gulu-gulo ng higaan ko. Lumapit siya sa akin.
"For this," ngayon ko lang napansin ang hawak niyang photo album.
"Ibalik mo nga 'yan," tinaas niya 'yong hawak niyang photo album kaya nahirapan akong abutin.
Ang pangit pa naman ng baby pictures ko. Baka ma-fall out of love pa siya. Nakipag-agawan ako sa kanya hanggang sa na-out of balance siya't napahiga sa kama ko.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season I
Storie d'amoreHighest Rank: #1 (scarletheart) Dreams are more real than reality itself.