Celine POV
Nakita ko sina Galvan, Jayden at Kristen sa Canteen. They seems to have fun. Nakaramdam ulit ako ng inis kay Kristen. Gusto ko naman talagang mag tiwala kay Galvan. Kaso lang pag nandyan si Kristen nababago.
Naglakad ako palayo. Hindi ko alam bakit ang sakit para sa akin na makita sila. Siguro insecure ako kay Kristen. She's more closer to Galvan than me. Pumunta nalang akong library. I want to relax. My mind is so full of negativities.
"I like you," paglingon ko katabi ko si Galvan. Hindi ko man lang naramdaman ang pagsunod niya sa akin.
"Anong I like you?" inayos ko ang gamit ko at lumayo kay Galvan.
I feel so awkward. Lalo na ganito ang nararamdaman ko. Masyadong negative.
"Bakit ba ang hirap mong ligawan?" tanong ni Galvan sa akin.
Why is he asking that? Akala ko ba willing to wait siya. Or kayang tibagin ng isang Kristen ang pagkagusto niya sa akin?
I smiled bitterly.
"Kasi gusto mo madalian. Tabi nga!" paalis na sana ako nang biglang....
"Aalis na ako. Hindi ko alam kung babalik pa ako ng GU," nanatili akong nakatalikod.
"Hindi mo ba talaga ako gusto Hannah Celine? Kung ayaw mo talaga sa akin pwede ko bang malaman kung bakit?"
Nagsimula na akong maglakad palayo. I can't show him my tears. Akala ko ba alam niyang gusto ko siya? Bakit parang hindi siya naniniwala?
Pumunta ako ng Mini Forest. I really want to calm myself.
Sumandal ako sa puno at ginulo ang buhok ko. I am so confused. Hindi ko alam kung anong mali. Parang ayaw ng tadhana sa aming dalawa.
"Tanga-tanga mo talaga Hannah Celine! Si crush yon. Hahayaan mo ba talagang umalis yon?! Kakainis! Paano ko ba kasi sasabihin sa kanyang gusto ko rin siya? Pero may Hannah Kristen na siya," I really hate this feeling. Paano ko sasabihin sa kanyang gusto ko siya sa paraang maniniwala siya?
Kung may lakas ng loob lang sana ako. Kung iisipin panalo ako kasi gusto ako ni Galvan. Pero parang palagi akong talo pag nandyan si Kristen.
Paalis na sana ako ng may tumawag ng pangalan ko.
"Miss Hannah punta po kayong field-"
Anong meron? Parang wala naman atang program. Hindi ko na pinatapos pa ang sinabi ng babae at pumunta ako agad sa field.
Si Galvan!
Nasa gitna siya ng field. Sobrang init pa naman ng panahon. May mga studyanteng nakapalibot sa kanya.
He is wearing a blue shirt na may nakalagay na I Love Hannah. Tapos may dala siyang human size na stuff toy at bouquet of roses.
Papalapit na sana ako nang may biglang may bumangga sa akin at lumapit kay Galvan.
"How sweet of you... Thank you," it's Hannah Kristen.
Hinalikan niya si Galvan sa pisngi kaya tumalikod na ako at naglakad palayo. Ibang Hannah pala.
Biglang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
"Celine?" agad kong pinahid ang luha ko.
"Jayden..." halos mamaos na rin ang boses ko.
"Teka bakit ka umiiyak? Ano bang meron sa-"
"Wag kang pumunta!" pinigilan ko siya. Alam kong masasaktan lang din siya tulad ko.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season I
RomanceHighest Rank: #1 (scarletheart) Dreams are more real than reality itself.