Celine POV
"Hindi ka ba talaga sasama?" may pa graduation party kasi ang Spades kasi nga last year na talaga nila.
Parang kailan lang kami nagkita. Ngayon mas lalabo na talaga kami.
"Alam mo naman na hindi kami okay ni Galvan diba?"
"Alam ko naman yon pero for the sake of friendship lang naman," she sighed and left.
Ewan ko ba.
Kaye POV
I talked with Spades except for Renz and Kristen. Since nasa pool sila.
"I have a plan," bungad ko sa kanila.
"Parang nakakatakot naman yang plano mo," biro ni Jayden.
"Sira! This is for ChaLine."
"ChaLine?" Kristell asked.
"Oo. ChaLine as in Charence plus Celine," napatango sila.
"Ano bang plano mo?" tanong naman ni Em.
"I want them to be together. Iyong totohanan na. I want them to really confess what they feel for each other," napaisip din sila.
"Paano natin gagawin yon?" tanong naman ni Kristell.
"Diba susunduin ni Renz ang mommy niya bukas? Papupuntahin natin si Celine doon," mukhang hindi nila ata na gets.
"How? Dito pa lang nga sa party hindi na pumunta si Celine," sabat ni Em.
"Syempre hindi naman natin sasabihin kay Celine. Palalabasin natin na aalis na si Renz at hindi na siya babalik," napatango ulit sila. Sabi na e the best talaga ang mga plano ko.
"I think that's a good idea. Pero maniniwala kaya si Celine?" tanong ni Jayden.
"We'll give her a letter. Kunwari si Renz ang nagsulat."
"The best ka talaga. Kaya loves kita e," I rolled my eyes to Em.
I hope this work.
Celine POV
Nauna akong pumunta sa school kaysa kay Kaye. Hindi ko na ginising si Kaye kasi for sure napagod yon kagabi. For attendance nalang rin kasi kami these days.
Tumambay muna ako sa mini forest. Ang aga pa kasi.
"Celine!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Jayden.
"Jayden! Ang aga mo rin a?" I smiled at him.
"May kailangan akong ibigay sayo," he gave me a piece of paper. "Galing kay Renz."
I read the letter. He is leaving?
"B-babalik ba siya?" tanong ko kay Jayden.
"I think he's going to stay there for good," so this will be the end for us?
"Anong oras ang flight niya?" I asked him out of nowhere.
"Mamayang 10am," I just nod. Hindi ko alam kung ano dapat ang magiging reaksyon ko. "You shouldn't let go of the one you love."
Napatingin ako kay Jayden.
"Kung ayaw mong makinig sa amin na mga kaibigan mo. Pakinggan mo ang puso mo Celine. Ikaw lang ang makakaalam ng totoong nararamdaman mo," nagpaalam na siya't umalis.
Nakatatak sa isip ko ang sinabi ni Jayden. I have to listen to my heart. Gulo man ang isip ko I know my heart knows what I really feel.
I like Galvan.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season I
RomanceHighest Rank: #1 (scarletheart) Dreams are more real than reality itself.