Celine POV
Sabi ko kahapon dapat bati na kami ni Galvan pero wala e. Laging palpak ang plano ko.
Naalala ko pa ang pag-amin ko sa mommy niya. Kakahiya!
Ngayon papasok nanaman ako. Kailangan ko pang ibalik kay Galvan ang notebook niya.
"Ate Celine!" napalingon ako sa tumawag sa'kin.
Si Mika?
"She's the girl I'm talking about mom. Ate Celine this is my beautiful mom. Mommy this is Hannah Celine," nanlamig ako nang marinig ko 'yon. Hindi ako makatingin sa kasama ni Mika.
Sobrang aga naman ata?
Bakit ba ang malas ko?
Kahapon kausap ko ngayon kaharap ko na.
"H-hello po," ngumiti ako kahit pa kabadong-kabado ako.
"Nice to meet you hija. Ikaw pala si Nobody," nginitian ako ni tita.
Naks! Tita. Close lang Hannah Celine. Pero teka anong 'nobody'?
"Po?"
"You called yesterday right? 'Nobody' kasi ang nakaregister na name mo sa phone ni Angelo."
Nobody?!!
Kahit Celine na lang ang nilagay niya. Pero 'nobody'? Hah! Grabe! Ang galing talaga ni Galvan.
"O-opo ako po 'yon," nabigla ako ng niyakap ako ng mommy nila Galvan.
"I hope magbati kayo ni Angelo," she's really beautiful. Tapos palagi pa siyang nakangiti.
Siya nga talaga ang mommy ni Galvan. They have a lot of similarities.
"Mom let's go. Ate Celine see you next time. We really have to go," sabagay maganda rin si Mika.
Nang makaalis sila pumunta ako sa room nila ni Galvan. Pero wala siya. Sina Jayden at Kristen lang ang naroon.
"Hannah Celine!" lumabas ng room si Jayden at nilapitan ako.
"Alam mo ba kung nasaan si Galvan?" pagkasabi ko agad naman siyang napangiti.
"Wala man lang good morning," biro niya.
"Sira! Sabihin mo na kasi. May ibabalik ako sa kanya," wala na rin naman kasi akong ibang mapagtatanungan.
"Pagmamahal ba ang ibabalik mo?" panunudyo niya pa.
Sira talaga. Porket close na sila ni Kristen. Sabagay pabor din naman ako sa kanila. Pero minsan nakakaduda kasi si Kristen. Hindi ko malaman kung gusto niya nga ba talaga si Galvan o hindi.
"Pagmamahal ka dyan! Dali na kasi. Male-late na 'ko mamaya."
"Ipinatawag siya ng principal kanina. Dumating kasi sila Mika at parents nila," kaya pala.
"Sige thank you ha! Libre kita mamaya," napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Sabi mo yan ha!"
Hindi na 'ko nagtagal doon. Pumunta ako sa room. Buti na lang wala pa ang teacher namin. Umupo ako sa tabi ni Kaye.
"Akala ko wala ka na talagang balak mag-aral. Kahapon absent ka akala ko itutuloy mo na ngayon," pang-aasar niya.
"Kaibigan talaga kita. Anyway nag quiz ba kahapon?" kinuha ko ang ballpen at notebook ko.
"Assignment lang sa Math. Nakalimutan kong sabihin sayo kahapon," inismiran ko siya.
Hindi talaga siya maaasahan. Kinuha ko ang notebook niya sa bag niya. Ayokong ma-fail sa Math.
BINABASA MO ANG
MIDNIGHT KISS Season I
RomansaHighest Rank: #1 (scarletheart) Dreams are more real than reality itself.