KABANATA 05

1 0 0
                                    

Chapter 5

2 weeks na ang nakakalipas ng mamatay si mama, hanggang ngayon ay nangangapa pa din ako sa kaniyang pagkawala. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin ni papa,at naiitindihan ko yon. Hindi madaling mawalan ng mahal sa buhay. Apektadong apektado ako sa pagkawala ni mama,at mas lalo naman si papa, isipin ko palang na buong buhay pinangako nila sa isa't isa na magsasama sila,bubuo sila ng pamilya at sabay na tutuparin lahat lahat ng mga pangarap nila mula ng sila'y magpasyang magsama..

"Michelle! Michellllee!" Nagulat ako sa biglang pagkalampag ni papa sa pinto ng kwarto ko

"Lumabas ka nga dyan!" Tansya ko ay naglasing pa si papa bago umuwi rito.

Dali dali akong bumangon sa pagkakahiga at sinet ang aking sarili para harapin si papa.

"Pa bak-" nagulat ako namanhid ako sa pagkabigla at hindi makakilos sa aking kinakatayuan.

" Anong ginawa namin sayo para idamay mo kami sa kamalasan mo!?" Nanginginig ako parang hindi si papa itong kaharap ko. Humarap ako sa kaniya habang hawak ko ang pisngi kong sinampal niya. Yes sinampal niya ako.

" Papa, diko po ginusto yon! Alam niyo naman po yon. Sinong matinong tao ang sisisihin ang sarili na isa siyang mamatay tao kahit wala siyang kinalaman dito?isipin niyo ang mga binibintang niyo sa akin dahil hindi kayo nakakatulong. Di niyo napapagaan ang nararamdaman ko! Alam kong nahihirapan kayo ngayon pero sana naman isipin niyo na hindi lamang kayo nag-iisang nasasaktan.! Alalahanin niyo bago mangyari ang pangyayaring 'yon ay alam ko na ang mangyayari pero wala manlang akong nagawa!"nangingig ang buo kong katawan habang binanggit ang mga linyang yon. Pumihit ako at tinalikuran ko ang papa ko.

Natigilan ako ng biglang may humawak at hinatak ang braso ko paharap sa kaniya. . Hinanda ko na ang aking  sarili sa pwedeng mangyari,baka pagbuhatan niya ulit ako ng kamay.

"Anak sorry,di kita naalala. Hindi ko akalaing ganyan ang nararamdaman mo mo. Masyado akong nasaktan sa pagkawala nang mama mo,masyado akong nahihirap-"

Bigla ko siyang niyakap habang umiiyak

" naiintindihan kita papa. Huwag kang mag -alala naiintindihan po kita"

FUTURE DREAMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon