Chapter 16
Binabantayan ko ngayon si Miguel. Busy kasi si Tita may mga bumisitang mga kaibigan si Miguel. Tumayo ako at tinabihan siya. I sinaulo ko ang hubog ng kaniyang mukha. Ang maganda niya mukha habang nakatulog siya ng mapayapa.
"Michelle, magpahinga ka muna at ako muna ang magbabantay sa kaniya ngayon."
Umalis ako sa tabi ng kaniyang ataol at napagpasyahang uminom ng tubig.Inalala ko ang naging resulta ng pakikibaka ng mga doctor upang masagip si Miguel.
Flashback
Nasasaksihan ko ngayon kung paano mawala ang nginig sa katawan ni Miguel habang siya'y nakahiga.
Nakita ko ang mga doctor kung paano i-pump at kuryentihen ang dibdib ni Miguel upang bumalik ang tibok ng puso niya at mabago pa ang guhit na nakikita sa makina na nagdidikta sa pulso ng kaniyang puso.
Napakabigat ng atmosphere na nakapaligid saaming lahat,parang ako ang nasa kalagayan ng mga doctor kung paano sila mawalan ng pag-asa.
Hanggang sa binitawan na ng doctor ang tanda na wala na talagang magagawa. Umiling na kasi ang mga ito.
Doon lamang ako nagising sa mga nangyari. Wala na si Miguel. Wala na siya! Napatingin ako sa gawi niya at doon nakita ko ang nanay niyang nakaluhod habang hawak ang kamay ni Miguel.
"Anak bakit hindi mo nakita ang pinto upang makalabas? Bakit mo pa kasi pinaglaruan ang kakayahan mo! Anak pano na ako?"
Niyakap ko ang mama ni Miguel. Niyakap ko siya na parang sakaniya ko binubuhus ang yakap na dapat ay kay Miguel ko dapat pinaramdam.
End of flashback
Habang nakatingin sa baso ko ay lumandas nanaman ang mainit na likidong agad kong pinahiran. At nalaman ko rin palang napanaginipan rin ni Miguel ang kaniyang ama. Saksi din siya sa pagkamatay nito. Napakanaginipan niya rin kasi ang ama niya at kung paano ito kinuha ng pananginoon.
May humawak sa likod ko ang ina pala ni Miguel.At may inabot siya saaking sulat. Nakita ko sa sobre ang ngalan ko.
" Sulat ni Miguel para sayo. Sana'y mabasa mo."
Inabot ko ito at ngumiti ng malamlam sa ina niya.
Umupo ako at binuksan ko ang sulat.
Dama ko ang bigat sa saking dibdib at hirap na akong makahinga. Hindi ko akalaing ganito pala magtatapos ang lahat. Hindi ko akalaing mababasa ko pa ang sulat niya ngunit hindi ko kung matatapos ko pa. Nanginginig ang mga kamay ko at hirap na hirap na ako sa paghinga. Naramdaman ko na lamang ang aking pagbagsak sa aking kina-uupuan.
Nanlalabo na ang patingin ko. May mga taong agarang tumakbo papalapit sa akin. Ngunit sadya talagang mapaglaro ang tadhana dahil unti unti ng nilamon nang nilamon ng dilim ang aking paningin.
BINABASA MO ANG
FUTURE DREAMER
Mystery / ThrillerIto ay hango lamang sa imahinasyon ng author. Ang mga lugar, pangalan at mga pangyayari ay hindi sinasadya at pawang nagkataon lamang. Enjoy Reading!