Chapter 10
Nakarating na kami sa room at umupo sa kaniya kaniya naming upuan. Hinarap ko ang upuan ko sa kaniya upang makapag-usap kami ng maayos.
"Miguel?" Panimula ko
"Bakit?"
"May alam ka ba sa mangyayari kahapon kaya mo ako pinauwi at 'di na pinapunta sa lakad ko kahapon?" Medyo naiilang kung tanong.
"Michelle" hinawakan niya ako sa kamay.
"Nagkataon lang siguro ang lahat. Pinauwi kita kahapon kasi 'di kita masasamahan,pano kung mabastos ka don diba? Di wala akong magtatanggol sayo." Pagpapaliwanag niya.Natigilan ako sa sinabi niya. He's words are so calm. Sa sobrang kalmado ay isinantabi ko na ang mga pinag-iisip ko.
Agad ko rin naman pinaniwalaan ang mga sinabi niya, baka nga talagang nagkataon lang itong lahat.Nagsimula ang klase namin, naging tahimik at hinayaan ko ang sarili kong magpaalon sa daloy ng lesson namin kahit na masyadong occupied ang isip ko. Nakaramdam ako ng kalabit sa likod ko at nakita ko si Miguel at binigyan niya ako ng nag-aalalang ngiti dahil siguro nararamdaman niya ang bigat ng aking presensya.
Mabilis na natapos ang araw pakiramdam ko ay bugbog sarado ang katawan ko kahit wala naman akong ginawa maghapon. Naghihintay ako ng masasakyan sa harapan ng gate ng school namin dahil ayaw ko na munang maglakad pauwi, napakabigat ng katawan ko at hindi ko na kaya pang pagurin pa ito.
Naiinip na ako sa paghihintay , wala ni isang sasakyang dumadaan kahit na tricycle man lang. Napatingin ako sa harapan ko, may humintong bike sa harapan ko .
"Miguel?"
"Sakay na Michelle" sinabi niya habang nakangiti.
Dahil narin siguro sa pagod na aking nararamdaman ay agad akong sumakay sa likuran niya.
"Humawak ka ng mabuti"saad ni Miguel
Agad ko namang hinawakan ang bag niya sa likod. Narinig ko ang mahina niyang tawa.
"Bakit dyan?"nagtatakang tanong niya.
"Saan ba dapat?"
"Dito"
Nabigla ako ng iniikot siya ang kamay ko sa bewang niya. Wala na akong magawa kundi ang yumakap sakaniya nang mahigpit at ini-relax ang ulo ko sa likod niya.
Nakarating kami sa bahay namin ng ligtas gamit ang bike niya. Bumaba ako at humarap sakaniya.
" Thanks Miguel"
" You're always welcome Michelle. Pasok ka na. Bye"
"Mag-ingat sa pag uwi." Nagpaalama ako sakaniya pumasok na sa loob ng bahay namin.
BINABASA MO ANG
FUTURE DREAMER
Mystery / ThrillerIto ay hango lamang sa imahinasyon ng author. Ang mga lugar, pangalan at mga pangyayari ay hindi sinasadya at pawang nagkataon lamang. Enjoy Reading!