Chapter 8
Hindi ko akalaing magiging masaya ang pagkakaroon ng lalaking kaibigan. Ipinaramdam niya saakin na kaming dalawa lang pwedeng magsama sa school na siya lang ang pwede kong karamay at kaagapay sa araw araw. Para akong nagkaroon ng kuya na taga gabay at parang responsibilidad niyang pasayahin ako lagi.
" Mich,ang seryoso mo naman" napatingin ako kay Miguel
"Iniisip ko lang na ganito pala kaganda magkaroon ng boybestfriend" sabay ngiti
Bigla niya kong niyakap na hindi na bago saakin. Lagi niya akong niyayakap at nilalambing at siyang makasanayan at gusto ko naman. Nakakagaan ng pakiramdam ang paglalambing niya.
"Syempre naman, tayong dalawa lang ang nandito para sa isa't isa kaya di ako magkukulang sayo". At binigyan niya ako ng sinserong ngiti.
Dahil sa mga sinabi niya at ginantihan ko ang yakap niya saakin.
"Miguel" sabay bitaw sa yakap namin
"Hmm?" Sagot niya
"May pupuntahan ako mamaya." Paalam ko dahil ibigsabihin ay hindi kami sabay na uuwi kung ganon
"Saan?"
"Sa mall sana, samahan mo ako"
"Wag!" Nagulat ako sa pagtaas niya ng boses eh alam ko namang wala akong ginagawa sakaniya. Nakita ko kung paano niya pigilan ang kayang galit, nang nakabawi siya ay agad din siyang nagsalita." What i mean is, wag kang pumunta ngayon dahil hapon na, umuwi ka nalang bukas na bukas ay sasamahan kita, promise yon""Huh? Okay" may pag aalangan kong sagot.
Umuwi ako gaya ng sinabi niya. Hanggang ngayon ay nagtataka padin ako sa iniasta niya kanina. Hinatid niya kasi ako sa may gate kanina at hindi siya umalis hanggat hindi niya ako nakitang maglakad palayo sa kaniya. Sobrang weird lang talaga.
Alas syete na ngayon ng gabi at wala akong magawa. Binuksan ko ang TV ko sa kwarto upang libangin ang aking sarili. Nanonood ako ng balita ng bigla may nag flash na report sa screen. Nagulat ako at napahawak sa bibig ko. Bakit ganon? Nagkataon lang ba ito? O sadyang may alam siya.
Narinig kong may kumatok sa pinto ko. Agad ko itong binuksan at nakita ko ang nag aalalang mukha ni papa. Bigla niya akong niyakap.
"Thanks God, akala ko nag mall ka talaga ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati ikaw ay mawawala rin sa akin."
Oo, tama ang mag flash na report ay ang pagkasunog ng mall na malapit saamin. Nagsimula daw ang apoy sa National Bookstore. Na siyang pinagtatakahan ko dahil ang balak ko talagang puntahan ngayon ay sa National Bookstore upang bumili ng wattpad book.
"Hindi ako tumuloy papa. Pinauwi ako ng bestfriend ko,sabi niya umuwi nalang daw ako"
"Mabuti naman at sinunod mo siya at umuwi ka agad. Yon lang anak cheneck lang kita dito dahil nagpaalam ka na pupunta ka roon. Goodnight,take care and i love you." Binigyan niya ako ng halik sa noo ko.
"Yes papa, i love you too"
BINABASA MO ANG
FUTURE DREAMER
Mystery / ThrillerIto ay hango lamang sa imahinasyon ng author. Ang mga lugar, pangalan at mga pangyayari ay hindi sinasadya at pawang nagkataon lamang. Enjoy Reading!