EPILOGUE

3 0 0
                                    

Michelle's father POV:

Michelle time of death: 1:34 pm
Cause of death: heart attack

Hindi akalaing kukunin din pala agad ng Diyos ang anak ko. Hindi ko man lang siya nasubukang isayaw sa ika-18 niyang kaarawan. Hindi ko na muling mahahagkan at masasabi kung gaano ko siya kamahal.

" Sir ito nga pala ang gamit ni Michelle" ani ng isang nars na nag-asikaso kay Michelle sa hospital.
Isang papel ang nakasilid sa plastik na iniaabot saakin. Binuksan ko ito at binasa. Sulat ito ni Miguel sa anak ko.

Dear Michelle,
            Hayaan mo akong magpasalamat sa Diyos at nakilala kita. Na naging kaibigan kita at naging mapalapit saiyo. Siguro habang binabasa mo ito ay alam ko  na alam mo ng magkapareho tayo ng kakayahan. Nalaman kong Future dreamer ka nong kaarawan mo sinabi ito ng papa mo sa akin. Doon ay ginawa ko ang hindi ko dapat na ginawa. Iniwasan kita,iniwan at sinayang ang mga pinagsamahan natin. Nung gabi ring yon ay napanaginipan kita. Michelle hindi ko kayang bitawan ang mga salitang alam kong katatakotan mo. Michelle namatay ka sa panaginip ko. Heart attack ang naging sanhi nito. Napakahirap na sa gabi gabing ipipikit ko ay nakikita kong nakahiga kasa ataol at ako! Wala man lang akong nagawa nandoon lamang ako at nakamasid. Kaya ngayong gabing ito ay susubukan kong manipulahin ang panaginip ko sana ay magtagumpay ako ngunit kung hindi ay alam kong ginawa ko ang lahat para mailigtas ka ..
Nais ko rin sanang ako ang itim na taong nakikita mo sa loob ng panaginip mo. Ako ang nagbibigay gabay sayo para makalabas ka  at hindi makulong sa panaginip mo. Sana ay natapos mo itong sulat na ito.

PS. Nasabi ko nabang minahal kita ng tayo'y magkaibigan pa lamang? Mahal na kita mula noon.

Nagmamahal/kaibigan mo,
Miguel Gwapo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FUTURE DREAMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon