KABANATA 12

1 0 0
                                    

Chapter 12

Pababa na ako ng hagdan at hindi ko maitikom ang bibig ko napanganga habang ako'y pababa.

May mga banner na nakasabit sa aming  salas na ang nakaimprenta ay ang ngalan ko!"HAPPY BIRTHDAY MICHELLE"

Nakita ko si Miguel na nakasuot ng party hat. Hindi ko mapigilang mapangiti. Maging ang aming mga kasambahay at pati rin si papa ay naka party hat din.

Hawak ni papa ang cake at si Miguel naman ay isang bouquet ng roses. Habang naglalakad ako patungo sa diretsyon nila ay naalala ko lahat ng pinagdaan ko ngayong taon. Lahat ng sakit at muling pagkabangon kasama ang mga taong laging nandito sa tabi ko.

" Michelle, don't cry its your birthday, remember?" Ani ni papa na nakangiti

" Thanks papa!"

" happy 17th birthday michelle" nakangiting inabot ni Miguel ang bouquet saakin at niyakap ako.

Sabay sabay akong binati ng mga kasambahay namin.
Nagkaroon ng kunting salosalu. Nakakagaan ng pakiramdam at nakakatuwa na maging ang mga kasambahay namin ay may mumunting mga regalo saakin may nagbigay ng, slippers, panyo,suklay at marami pa.

Nagpatuloy ang araw ko na tinuturing akong prinsesa sa aming bahay. Napagpasyahan kong tumambay sa sala namin dahil nagliligpit ang mga tao sa bahay. Dumating si Miguel sa akin tumabi siya sa akin napansin ko ang lungkot sa kaniyang mukha ang kaninang masayang mata ngayon ay lumamlam na. Malamig! Napakalamig sa pakiramdam hanbang siya'y umuupo saaking tabi.

" May problema ka?" Aking tanong tanong sakaniya.
Tanging malalim na buntong hininga ang isinagot niya rito.

Nagulat ako noong kaniyang hawakan ang aking kamay na nakapatong saaking hita. Ang lamig din ng kamay niya kasing lamig ng kaniyang presensya. Tumingin siya saaking mukha, kasabay ng kaniyang nangungusap na mata.

"M-miguel bakit?"
"Tandaan mong laging nandito lang ako" sagot niya.
"Bakit? Anong nangyayari?"

Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Ngunit iba ang pakiramdam na ito, napakabigat, masakit, at napakahirap huminga.

Ito 'yong yakap na mahigpit pero ang pakiramdam ay pinapalaya na niya ang isa sainyo.

Kahit hindi ko alam ang nangyayari ay bigla na lamang lumuha ang mga mata ko, ang mumunting hikbi ay napalitan ng hagulgol habang nakasubsob ang mukha ko sa kaniyang balikat.

FUTURE DREAMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon