KABANATA 02

4 1 0
                                    

Chapter 2

Naglalakad ako sa dilim,kasabay ng malalakas na kulog at mga gumuguhit na kidlat sa kalangitan. Mukhang nasundan nanaman ako ng mga mata niya.

At sa muling pagkulog at pagliwanag ng kalangitan dahil sa kidlat,ay nakita ko ang mama ko na nakatayo sa harap ko at may hawak siyang susi.Nakasuot siya ng floral dress na kulay purple which is favorite color niya at stiletto. Mukhang may pupuntahan siya sa bihis niya ,sinundan ko siya at sumakay siya sa sasakyan niya.

Habang nasa byahe ay hindi ko maalis ang tingin ko sa mga nadadaan naming mga buildings. Napaisip ako dahil pangalawang gabi ko ng napanaginipan si mama ngunit wala namang nangyari sa kaniya.

Then it hit me! Maaaring may kaugnayan ito sa una kong panaginip.

Nataranta ako ng makita ko ang mukha ni mama,natataranta siya at kapit na kapit ang mga kamay nito sa monobela ng sasakyan. At mapansin ko ang pag-apak niya sa preno ngunit hindi ito gumagana. Nagpanic ako sa nakikita ko,kasabay ng paggiwang ng sasakyan ay siya ring panginginig ng katawan ko.

Kasabay ng pagtaas ng aking tingin sa kalsada ay siya ring pagbangga ng sasakyan sa poste.

Hindi agad ako nakakilos ng makita kong nakasubsub ang mukha ni mama sa monobela at bilang ang kanyang paghinga,halatang nahihirapan. Puro siya galos at napakadaming dugong nakabalot sakaniyang katawan

"M-ma"tawag ko  sakaniya gamit ang garalgal kung boses ngunit 'di niya ako pinansin tila wala siyang naririnig.

"Mama! Maaaa!" Bulong sigaw na ang ginagawa ko sa kaniya ngunit nanatili siya sa ganoong pwesto at humahangos na sa paghinga.

Hindi pwedeng mangyare to. Hindi maaari,masyado pang maaga para mawala siya,hindi pa ako nakakapagtapos ng pag aaral.

Bigla kong naimulat ang mata ko dahil sa malakas ng pagtunog ng aking alarm,bumangon akong pawis na pawis at umiiyak. Napahawak ako saaking dibdib para ako nakipaghabulan ng ilang kilometro o di kaya ay sumali sa isang race. Parang hindi ko mahanap ang sarili ko habang iniisip ang panaginip ko kagabi.
Napakabilis ng puso sa pagtibok, hindi ako makahinga ng maaayos parang anytime ay kailangan ko ng salpakan ang sarili ng oxygen tank.

Napag iisip- isip kong bumangon na at ikwento sa kanila mama ang napaniginipan ko baka sakaling mabalaan ko pa si mama na mag-ingat o 'wag nalang siyang umalis dito sa bahay.

FUTURE DREAMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon