KABANATA 06

5 0 0
                                    

Chapter 6

First day of school ngayon. Maaga akong nagising at ginawa ang dapat kong gawin.
Bumaba ako at nadatnan ko si papa sa sala.

"Good morning papa" at humalik ako sa pisngi niya

"Good morning din nak, ihahatid ba kita ngayon?" Offer ni papa saakin

"No papa, ako nalang po" at binigyan siya ng matamis na ngiti.

Mas naging sweet si papa sa akin. Hindi niya na ino-open up ang tungkol kay mama at naging mas tutok siya sa pagiging mabuting ama saakin.

In return ay naging mas sweet din ako kay papa. Sinasabayan ko lahat ng mga trip niya kahit na medyo mga pang "old stuff" na. Lagi ko na din sinasabi sa kaniya lahat ng mga maging panaginip ko pagkagising na pagkagising ko, pero as expected wala parin akong panaginip simula nong nangyari kay mama.

Umalis na ako sa bahay at piniling mag lakad nalang. 15 munites lang naman ang gugugulin ko sa paglalakad upang makarating sa school namin. Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang mga nakakasabayan kong mga estudyante at mukhang maraming transferee.

Nakarating ako sa school at nakita kong maraming nagsasaya dahil nakita ulit nila ang mga kaibigan nila,mga jowa/karelasyon na mas piniling maglandian muna sa ilalim ng mangga kaysa hanapin ang kani-kanilang mga silid.Mapuno nanaman ang corridors at quadrangle dahil sa mga estudyanteng nagchichikahan. Pero ako wala hindi ako kagaya nilang may aasahang biglang yayakap saakin at magsasabing" musta na? Musta ang bakasyon?" Dahil mas pinili kong mapag-isa.

Naglakad ako sa principal's office na hindi pinapansin ang mga taong walang ibang ginawa kundi mag ingay sa unang araw ng pasukan. Kinuha ko ang schedule ko at sinimulang maglakad papuntang 3rd floor dahil doon ang first subject ko.

Nakita ko sa pinto ang pangalan ng section ko " Grade 10-J.P RIZAL" basa ko rito. Ang J.P RIZAL ang pinakamataas na section sa Grade 10. Naglakad ako at pumasok dito kahit na wala pa akong kasama sa loob ng silid. Pinili kong umupo sa gilid ng bintana kung saan ay makikita mo ang mga nangyayari sa baba.

Nabigla ako ng may marinig akong mga yapag papasok sa room ko. Doon ko nakita ang isang lalaking papasok sa silid at prenting naglalakad . Napahinto siya ng nakita akong nakaupo dito. Nagtaka ako sa pagtaas ng isa niyan kilay , doon ko lang napansin na kanina pa ako nakatunganga at pinagmamasdan siya.

He clean his throat at nagsalita.

"Good morning miss". Panimula niya "gusto ko lang tanungin kung may nakaupo na sa tapat mong upuan sa likod mo?"

Ako naman ngayon ang nagtaas ng kilay. Diko naman ginusto ang asta ko dahil mukha anong mataray.

"Wala" sabi ko nalang.

"Ay sige salamat"tumango lang ako sakaniya at hinayaan siyang umupo sa likuran ko.

Dumating ang bell at nakita kung nagtakbuhan ang mga estudyante upang pumasok sa kaniya kaniya nilang mga silid.

Pumasok ang mga kaklase ko. May mga kilala akong mukha at may mga bago namang mga mukha na ngayon ko lang nakita. At pumasok na ang aming teacher.

"Good morning class"
And the day goes by.

FUTURE DREAMERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon