Chapter 9
Buong magdamag akong hindi nakatulog iniisip ko ang mga nangyari. Masyado akong ginugulo ng mga ideyang tumatakbo sa isip ko. Hindi maaaring pati siya ay kakayahang kagaya ko . Dahil ibigsabihin non ay maaaring nasa kapahamakan ang buhay naming dalawa.
Dahil sa kanina pa ako nakatutok sa kisame ng kwarto ko ay napagpasyahan kong bumangon na at maligo para maginhawaan naman ang utak ko at pati ang katawan ko.
Nilagyan ko ng kaunting make-up ang ilalim ng mata ko dahil putok na putok ang eyebags nito. Bumaba ako mula sa hagdan at nakita ko si papa mag-isang nakaharap,nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya habang initignan ang upuan ni mama.
Lumapit ako sakaniya. Nang makita niya ako ay nagbago ang mukha niya nginitian niya ako na para bang ayaw niyang ipakita saakin ang lungkot na nadarama niya kani-kanina lang.
Niyakap ko siya at hinalikan sa pisnge.
"Ang aga mo naman ngayon?"
"Nagising ako ng maaga ngayon pa."
Napatitig si papa sa mukha ko."anong nangyari sa mga mata ko, bakit parang puyat na puyat?" Panglilitis niya.
"Gumawa po ako ng mga assignment at nag advance review po ako." Pagsisinungaling ko. Mabilis ko lamang naubos ang pagkain ko dahil ayaw kong mapuna ni papa ang pagiging bangag ko ngayong umaga.
Balak kong tanungin si Miguel kung bakit gano'n ang reaction siya sa pag alis ko kahapon. Kahit na isipin Kong coincidence lang lahat ng 'yon ay hindi parin gumagaan ang pakiramdam ko.
Naabutan ko siya sa gate na parang may hinihintay. Lumingon siya sa gawi ko at agad siyang tumakbo papunta saakin.
"Hoy bat' ang aga mo ngayon?" Nagtatakang tanong ko sakaniya. Kasi sa katunayan ako talaga ang naghihintay sakaniya tuwing umaga kasi matagal siyang dumadating dito sa school.
"Nagising ako ng maaga eh". Sabi niya habang hindi nakatingin saakin.
"Eh bakit ang lalaki ng eyebags mo? Hindi siguro talaga nakatulog kagaya ko"
Bigla siyang napalingon saakin.
"Bakit hindi ka din ba nakatulog?"
Agad agad akong tumango bilang sagot.
"Mamaya na natin pag-usapan sa room ang lahat ng yan." At agad naman siya sumang-ayon.
BINABASA MO ANG
FUTURE DREAMER
Mystery / ThrillerIto ay hango lamang sa imahinasyon ng author. Ang mga lugar, pangalan at mga pangyayari ay hindi sinasadya at pawang nagkataon lamang. Enjoy Reading!