Third P.O.V
"FUCKKK THIS MORNING"sigaw ni Thunder sabay bangon sa hinigaan niya.
Pumasok na siya sa banyo at naligo pakanta-kanta pa siya habang naligo.Nang matapos siyang maligo ay nag bihis siya ng sando at boxer lang ang isinuot.
Bumaba na siya at pumunta sa kusina, pakanta-kanta parin siya ng Baby Shark.Nakita niyang pinagtitignan niya ng mga katulong kaya sinamaan niya ang mga ito ng tingin.
"Tingin-tingin niyo diyan"ani niya sa masungit na boses.Nag si iwas naman ang mga ito.
Nagpatuloy siya sa kusina at nakita niya ang ina niya at ang ama na umiinom ng kape.
"Good morning Mom, and Dad"sabi niya sabay yakap sa ina at ama.
"Anong nakain mo kagabe at ganyan ka umasta ngayon Thunder"ani ng kanyang ama.
"Dapat masaya kayo, diba gusto niyo akong magbago"ani niya at nag pautos na kunan siya ng kape.
"Dapat kilabutan kami Thun"ani ng ina.
Hindi niya na pinansin ang sinabi ng ina at pinag patuloy niya ang pagkanta ng 'baby shark'
Nakita niyang napailing ang mga ito.Magpasalamat kayo ni Fel dahil ganito ang mood niya ngayon.Ay bakit pala magpasalamat aber?.
~~~
Parang patay na tao na bumabangon si Fel,tinignan niya ang mukha sa salamin at daig pa siya sa mananaggal.Sino ba ang hindi ganito ang mukha kung walang tulog?.
"Notebook ko"ani niya sa mahinang boses.
Kinuha niya ang kanyang cellphone at dina-dial ang number ng ina.
"Hello anak?bakit napatawag ka?
"Kunin niyo po yung notebook ko,nakay Thunder"ani niya sabay patay ng tawag.
Bumangon na siya at naligo,nang matapos ay bumalik siya sa kama at humiga ulit at natulog.
Hapon na ng magising si Fel tinignan niya ang kanyang cellphone at nakita niya ang text message ng ina.
'Pupunta diyan si Thunder mamayang 6:00pm bye anak'
Napabangon siya bigla.
"The hell"ani niya.
Nagbihis siya ng damit at nag light make up para mag mukha naman siyang tao.Lumabas siya ng kwarto at pumunta sa kusina at kumain.
Habang kumain siya ay nag-iisip siya kung paano sasabihin sa binata ang tungkol sa kanyang notebook.
Napatayo siya ng marinig niyang may nag doorbell.Kaya binuksan niya ito at nakita niya si Thunder na may ngisi sa mukha.
"Notebook ko"aniya.
"Wala"maikling sabi sa binata at pumasok sa loob ng apartment niya.
"Ang notebook ko nga sabi eh"ani niya at nagsimula na siyang mainis.
"Alam mo?pwedeng kitang kasuhan dahil sa pag gamit mo sa pangalan ko na walang pahintulot"ani ng binata.
"Hoy!Ikaw lang ba ang Thunder sa mundo?if ayaw mo idi buburahin ko,akin na"ani niya sa lalaki.
"Hmmm in one condition,ibibigay ko"ani ng binata at ngumisi.
"Ano naman?"Tanong niya.
"Date with me"ani ng binata.
"Ayaw ko nga"maagap niyang sabi.
"Edi diko ibibigay sayo ang notebook mo,as simple as that"sabi ng binata.
"Fine"ani niya at umupo sa sofa.
Para sa notebook niya ay gagawin niya ang gusto nito.
"Good,mag bihis kana"ani ng binata sa kanya.
Inirapan niya lang ang lalaki at pumasok na siya sa kwarto upang magbihis.Ang sinuot niya ay isang kulay green na dress at doll shoes na green.Nagmumukha siyang si Tinker Bell sa lagay niya ngayon,pero di niya pinansin iyon paki ba sa titingin mamaya sakanya,mahal niya lang ang green kasi.
Lumabas na siya sa kwarto at kinuha ang maliit na bag.Nilagay niya agad sa bag ang ballpen dahil kung matapos na ang date kuno nila ni Thunder ay makapagsulat ulit siya mamaya.Ibibigay naman seguro ni Thunder ang notebook niya kung matapos na itong kahibangan ng binata.
"Mukha kang anak ni Tarzan"ani ng binata at ngumisi.
Sinamaan niya ito ng tingin at hindi niya na ito pinansin,Umuna naman si Thunder sa labas
Big deal ba talaga kung mag suot siya ng green?.
Ni lock niya ang pintuan pag kuan ay sumunod siya kay Thunder.Nakita niyang iba nanaman ang kotse nitong ginamit.Napailing nalang siya,ang gara talaga ng lalaking ito."Sakay na"sabi ng lalaki.
Sumakay naman siya katabi sa lalaki at walang imik ng binuhay na ni Thunder ang makina.Nasa labas ng bintana lang ang tingin ni Fel.Nag-iisip siya kung ano ang bago niyang nobelang isusulat.Di niya na seguro tatapusin yung sinulat niya dahil na realize niyang mali iyon.Kukunin niya nalang ang notebook at itago.
"Hey!"pukaw ng binata sakanya.
Tinignan niya lang ito at tinaasan sa kilay.
"Sungit"ani ng binata sakanya.
"Badboy ka naman"ani niya.
"Wow...alam mo pala?"tanong ng binata.
Di niya ito sinagot at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana.
"Nandito na tayo"ani ng binata.
Nakita niyang lumabas ang lalaki at pumasok na sa isang magarang restaurant.So dito pala siya dinala ng lalaking iyon? at diman lang siya pinag buksan ng pinto o hinintay manlang.What a rude man.
Vote and Comment
BINABASA MO ANG
Destiny Of Mine(COMPLETED)
Short StoryIsang writer si Fel at mahal niya ang kanyang trabaho.Kaya kahit palagi siyang puyat at maliit ang kanyang sahod ay ginusto parin niya ito."I love writing"Kaya kahit 22 years old na siya ay NBSB parin.Wala siyang time para pumasok sa ganyang relasy...