Chapter:2

1.8K 61 0
                                    

Third P.O.V

MAAGANG nagising si Fel kaya lumabas siya sa kanyang silid at pumunta sa kusina.Tinignan niya rin ang sala kung may kalat ba roon pero wala naman.Napangiti siya dahil nilinisan talaga ng mga ito ang sala,takot lang yata sa kanya.

Nagluto si Fel ng scrambled egg at ham para sa kanyang almusal.Nag timpla din siya ng pure na kape,hindi kasi siya umiinom ng may mga halo na.Itim na kape lang talaga ang gusto niya.

Nang matapos na siyang kumain ay naligo na siya, pupunta pa siya sa kanyang pinag-tatrabahuan.Sa W.L publisher company.May message kasi ang kanyang editor sakanya,baka tungkol iyon sa pinasa niyang manuscript.

Nang makarating na siya sa kumpanya ay pumasok na siya.Tinanong niya sa front desk ang babae kung nandito naba si Ms. Kayleen Santos,ang kanyang editor.Sinabi namang nandoon sa office nito,kaya nagpasalamat na siya at pumunta sa office ni Ms. Kayleen.

Kinatok niya muna ang pinto for the privacy.

"Pasok"ani ng nasa loob.

Kaya pinihit niya  na ang segura ng pinto at pumasok.Nakita naman niya si Ms. Kayleen na busy sa pag review ng mga manuscript.

"Fel upo ka"ani ng babae.Umupo naman siya gaya ng sinabi.

"Fel congratulations!pasok na ang manuscript mo,under revision nalang"ani ni Ms. Kayleen sakanya.

"Thank you po Ms. Kayleen"ani niya at napangiti.Successful nanaman ang bago niyang nobela.

"And by the way Fel,may V.I.P na nag message sa'min dito magpa book signing sa'yo"ani ni Ms. Kayleen.

"Po?"usal niya,Wow hah V.I.P parang super sikat niya huh.

"To tell you babae ka, your a best writer na nakilala ko.Hahaha schedule daw ay sa makalawa.Dito daw mismo sa company so see you Fel."ani ng editor.

"Thank you Ms. Kayleen pupunta po ako rito"ani niya.

"Your welcome Fel"ani ng babae.

Lumabas na siya sa office ni Ms. Kayleen at sobrang saya niya.Pasa na ang bago niyang manuscript tapos may V.I.P pa siyang pupuntahan.Sana matupad na ang pangarap niyang maging isang sikat na manunulat.

Nang nasa lobby na siya ay pangiti-ngiti siya.Sobra niya kasing saya ngayon.

"Ang saya natin ngayon ah"ani ng boses lalaki.Tinignan niya ito at ngumiti siya.Comfortable na siya sa amo niya dahil boyfriend ito ng kaibigan niya.

"Kasi sir,under revision na ang manuscript ko.At may V.I.P pang magpa signing sa'kin"ani niya.

"Good for you Fel"ani ng C.E.O dito nasi Marcos Wilson.

"Salamat sir"masigla niyang sabi.

"Wow hah ngiting aso"ani ng kadadating na babae.Inirapan niya lang ito bago sinagot.

"Yeah dahil under revision na ang manuscript ko blehhh"sabay labas niya ng dila niya.

Tumawa lang ang amo niya at hinawakan sa beywang ang kanyang kaibigan.

"Walang forever"ani niya sa dalawa.

"Bitter kalang Fel,buti at hindi namana sa sulat mo ang pagka bitter mo"ani ni Lhey.

"Kasi maganda ako magsulat,ali ka nga muna Lhey"sabi niya.Binitawan naman si Lhey ni Marcos.

"Ano"ani ni Lhey.

"Underneath"ani niya
Nakita niyang naguguluhan si Lhey.

Bago pa maka react si Lhey ay tumakbo na siya.

"Humanda ka sa'kin Fel!"sigaw ng kaibigan.Baka naalala na nito.

Underneath kasi ang pamagat ng nobela niya at ang main character ay si Lhey.Napapangitan kasi nun si Lhey dahil hindi si Marcos ang bida kundi yung kapangalan ng hate nitong artista.

Nang makalabas na siya sa kumpanya ay agad siyang pumara ng taxi.Huminto naman ito kaya akmang papasok na siya ng nay tumabig sakanya.Buti at naka kapit siya sa pintuan ng taxi kundi ay baka nadapa na siya.

"Hey!ako ang pumara kaya ako ang papasok"abi niya sa lalaking papasok na sana sa taxi.

"And then?hindi mo pa nabayaran ang taxi kaya pwede pa akong sumakay putangina!"sigaw ng lalaki.

"Ano putangina?mas putangina ka!"ani niya.

"What is your problem woman?di kita minura"ani ng binata na sobrang inis na.

"Wow,di mo pala ako minura?ano yung P.U.T.A.N.G.I.N.A mong sinabi?"ani niya.Naiinis narin si  Fel sa lalaking ito.

"Wala lang iyon nakasayan ko lang,diko naman sinabing putangina ka"ani ng lalaki.

"S---

"Walang sasakay?bahala kayo!"sigaw ng taxi driver at pinaharurut ang sasakyan kahit naka bukas ang pintuan sa gilid.

"Pssh!tignan mo umalis na tuloy ang taxi!"sigaw ni Fel.

"Go and find another taxi Young Lady"ani ng binata sabay alis.

"Gago"ani niya at umalis narin.

Sa totoo lang kinilig si Fel sa di malamang dahilan.Basta kinilig nalang siya ng makita ang lalaki di naman siya ganito noon.Gwapo nanan kasi ang binata ang kaso lang ay mukhang bad boy.

Vote and Comment

Destiny Of Mine(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon