Chapter:13

1.2K 39 0
                                    

Third P.O.V

NAG-EMPAKI na ng damit si Fel para sa pagbabakasyon nilang magkaibigan.Abala siya sa pagkuha ng mga damit ng may nag doorbell.Binuksan naman niya ito at nakita niyang si Thunder ang nasa labas.May dala itong bulaklak.

"Ano ang ginawa mo dito"tanong niya.

"Hmmm para sa'yo"sabi ng binata at binigay sakanya ang bulaklak.

Kinuha niya naman ito at nilakihan ng bukas ang pinto.

"Pasok ka"ani ni Fel.

Wala namang imik na pumasok ang lalaki.At umupo sa sofa.

"Juice o Kape"ani niya sa lalaki.

"Hmmm I prefer to a water nalang"ani ng binatang parang kinakabahan.

Pumunta naman siya sa kusina at kumuha ng tubig para sa binata.Nang bumalik siya sa sala ay nakita niyang palinga-linga ito sa mga inimpaki niyang damit.

"Aalis ka?"tanong ni Thunder sakanya.

"Hmmm Oo magbabakasyon"aniya at ipinagpatuloy ang ginawa.

"Ah"yun lang ang sinabi ng binata.

Hindi niya magawa ng tama ang mga ginagawa niya dahil sa presensiya ng binata.Dapat ay galit siya nito dahil sa pagpapahiya ng binata sakanya.Pero ito siya nawawalan ng imik.

Nakita niyang nakatingin sa kanya ang binata at agad nag iwas ng tingin.Nang di niya napigilan ay tinanong niya ito.

"Bakit ka pala nandito"tanong niya.

Tinignan siya ng binata pagkatapos ay yumuko ito.

"Sabi ko naman sa'yong babawi ako"ani ng binata at tinignan ulit siya.

"Wag na, okay na"aniya at ibinalik ang tingin sa mga damit na ipinasok niya sa malaking bag.

"Dimo kasi ako maintindihan e"ani ng binata at hinawakan siya sa kamay.

"Sinubukan kitang intindihin pero di kita maintindihan e,akala ko isang badboy kalang pero arghhh basta"aniya.

Tumayo si Fel at hinawakan ang ulo.Sumakit iyon dahil sa dinami ng mga inisiip niya ngayong oras.

"Halimaw ba ako at ayaw mo sa'kin"tanong ni Thunder na walang expresiyon ang mata.

Tinignan niya ang binata ng masama.Nang di niya nakayanan ay lumapit siya sa binata at pinaghampas niya ang dibdib nito.

"Ano ba ang ginawa mo sa'kin Thunder hah? ng makilala kita ay nagbago na ang takbo ng buhay ko.Hindi ako yung madaling umiyak na babae.Wala pang nakapagpahiya sa'kin sa maraming tao.Nang makilala kita Thunder ito na ako.Diko alam kung ano tong nararamdaman ko.Bumibilis ang tibok nito"sabay hawak niya sa dibdib.

"Umalis ka nalang please at wag ng magpakita sa'kin"aniya at napaupo nalang at napaiyak.

"Bakit Fel? kung aalis ba ako nawawala yang nararamdaman mo?"tanong ni Thunder sakanya.

Di niya sinagot ang binata,hindi niya alam ang dapat na isasagot kay Thunder.

"Fel, hindi ko rin alam kung ano tong nararamdaman ko.Nagbago ako ng makilala kita.Fel, hindi mo alam ang totoo kung ugali at ayaw kung malaman mo iyon.Handa akong mag bago para sa'yo,I know you don't know about my feelings.I think I like you or more than that,Fel wag mo naman akong itaboy papalayo.Gusto mong makilala ako ng totoo?"mahabang usal ng binata.

"I need a time Thun"mahina niyang sabi sa binata.

Tinignan siya nito at niyakap,di naman siya nagpumiglas.Hinalikan siya ni Thunder sa buhok.

"Okay kung yan ang gusto mo,...basta babalikan kita"ani ng binata.

"What a surprise scene!"

Napalingon silang dalawa sa pintuan at nakita nila ni Fel ang kanyang apat na kaibigan.Puro gulat ang makikita sa kanilang mukha.Sino bang hindi?, never nilang nakitang may kayakap na lalaki ang kaibigan nila.

"Thunder umalis ka muna"mahinang sabi niya sa binata.

"Okay...."ani ng binata at lumabas na ng apartment niya.

Nakita niyang sinundan ng mga kaibigan niya ng tingin ang papalayong si Thunder.

"Isn't real?"gulat nasi Lhey.

Kinuha niya ang mga bag at umunang lumabas ng apartment.Wala na doon ang ang binata ng tignan niya.

"Fel I'm talking to you girl"ani ni Lhey.

"Please next time kanang magtanong,sasagutin ko naman kayo e.Basta wag ngayon wala ako sa mood"aniya at unang pumasok sa van na dinala ni Lhey.

"Okay..."ani ni Lhey na may ngiti sa labi ng makita niya.

Napailing nalang siya,alam ni Fel na magdiwang ang mga kaibigan dahil sa nakita nila.Bad timing naman kasi ang pagdating ng mga ito.Katabi niya si Lyn kaya wala siyang problema.Minsan lang kasi magsalita ang kaibigan niyang ito.

Nang bumiyahe na ang van papuntang bench kung saan sila magbabakasyon ay kinuha niya ang headphone sa bag.Matagal-tagal kasi ang biyahe.Kaya mag so-soundtrip muna siya.

*(Wouldn't change a thing)*

Yan ang unang nag play na kanta ng in-on niya ang cellphone.Napailing siya dahil parang nananadya ang kanta.Yung kanta kasing iyon ay sa Camp Rock kinanta kasi iyon ni Mitchie at ni Shane nung nag-away sila.Gaya lang kanina sa kanila ni Thunder.

A/N:
Alam kung OA ang scene na ito.Sorry naman,pag bigyan niyo ako first time ko kasing magsulat yah,yah,yah.

Vote and Comment

Destiny Of Mine(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon