Third P.O.V
MALAKAS ang tibok ng puso ni Fel,hindi niya maintindihan para siyang maheart-attack.Nandito siya sa cr ng bar,ng umalis kasi ang sasakyan ni Thunder kanina ay dumating naman si Lhey.Dinala siya ng kaibigan sa bar dahil nag-aaway daw ito at ang boyfriend nito.
Nang malasing na kasi ang kaibigan ay nag-aya ito sa dance floor kaya wala siyang choice kundi samahan ito.Lasing si Lhey baka mabastos ito.
Nang nasa dance floor sila ay laking gulat niya na may kumuha sa kanya at bigla siyang hinalikan.First kiss niya iyon kaya nagulat siya at akmang sasampalin niya ito ng makita niyang si Thunder ito at may kasamang babae.Imbis na sampalin ang binata ay inasar niya ang kasama nito.Pero di siya nagtagal dahil parang namanhid ang mga tuhod niya.
"Sinadya ba iyon ni Thunder?aisssh wag kang assuming Fel,lasing yung tao malamang hindi ka kilalanon arrrgh!"aniya sa sarili.
"Fel*hik*n-nandito kaba?"
"Hello miss beautiful"
"Oh hi Mister"
'Shit!'
Nagmadali siyang lumabas at hinablot si Lhey na akmang hahawakan na ng lalaki ang kaibigan.
"Don't touch her!"aniya.
"Woah protective"ani ng lalaki.
Sinamaan niya lang ito ng tingin.Ito pala yung kasama din ni Thunder sa may dance floor kanina.Nag eenjoy lang ito ng panoorin sila.
"Kian is the name!"sigaw ng lalaki sakanya ng makalayo na sila.
"I don't care"aniya.
Nang makalabas na sila ng bar ay agad niyang nakita ang boss niyang papasok palang sana,nag-alala ang mukha nito
"Lasing ba siya?"tanong nito sakanya.
"Yeah, wag kang magalala walang nakakahawak sakanya"aniya.
"Salamat Fel,sabay ka nalang sa'min"ani nito.
"Wag na po,malayo ang apartment ko,magta-taxi nalang ako"aniya.
"Sige ikaw ang bahala,alis na kami"ani nito.
Ningitian niya lang ang boss at tumalikod na sakanya.Siya naman ay naghahanap ng taxi.
"Aissh 'bat walang taxi'ng nandito?"tanong niya.
Mabagal siyang naglakad at pumunta sa kabilang kanto baka may taxi'ng daraan doon.Pasalamat naman siya at mayroon nga.
Pinara niya ang taxi at huminto naman ito.Sumakay na sana siya ng may humablot sa kamay niya.
"Hey!ako ang papasok Miss"ani ng lalaking humablot sakanya.
Akmang papagalitan niya ito ng mapagtanto niyang pamilyar ang boses ng lalaki.Ng makita niyang si Thunder ay agad niyang tinulak ang binata papasok sa loob ng taxi,at sumakay rin siya.
"Saan ho tayo Ma'am?"tanong ng taxi driver sakanya.
"Saint Paul Street po Manong"aniya.
Napalingon siya sa binatang karabi niya.Wala kasi itong imik at hindi nakipag argumento sakanya.Tulog pala ang binata.
Anong gagawin ko sa lalaking ito?.
"Manong..."aniya.
"Ano ho,Ma'am?"ani ng driver.
"Pag mahatid niyo na po ako ay pakihatid nalang din itong lalaking katabi ko sa Diva Village,ako napong magbabayad sakanya.
"Sige po Ma'am"ani nito.
Nang makarating na sila na kanyang apartment ay dahan-dahan niyang kinuha ang ulo ni Thunder na nasa balikat niya.
Dinahan-dahan niya itong pinahiga,alam niyang sakit ang aabutin ng binata dahil sa posisyon ng leeg nito.Yan bayad mo sa panghahalik mo sa'kin na walang pahintulot.
"Ito napo yung bayad Manong,pakihatid nalang po ng lalaking iyan"aniya.
"Hmmm Ma'am sino hong pangalan niyo,baka kasi may magtanong doon kung sino ang kasama nito,medyo high pa naman tong village nila"mahabang sabi ng taxi driver.
"Fel ho Manong kung may magtanong"Aniya.
"Sige po Ma'am salamat"ani ng taxi driver pinaharurut ang sasakyan.
Siya naman ay pumasok at dumesetso sa kanyang kama.Sobrang nakakapagod kasi ng mahabang beyahe.
"Good night to my self"aniya bago ipinikit ang mata.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising si Fel dahil may kumatok sa pintua-an ng kanyang apartment.Sarap pa sanang matulog pero katok ng katok ang nasa labas.May doorbell naman pero bakit kumatok pa?.
Pasuray-suray na naglakad si Fel sa pintuan at binuksan ito.Nakita niya naman ang apat na kaibigan.
"Di na pala virgin ang lips mo?"-Jean.
"Who's the lucky guy?"-Ella.
"Totoo ba?"Lyn.
"Ha?"blangko niyang tanong.Key aga-aga yan agad ang mga taong ng mga kaibigan niya.
"Nag bar daw kayo ng magaling kung kakambal,sabi niyang may humalik sa'yo,totoo ba?"tanong ni Lyn sa kanya.
"Ha?wala ah"aniya.
"Nagmaan-maangan kapa"sabay sabi ng tatlong kaibigan.
"Hoy!lasing ka Lhey baka nananaginip ka ng gising,ilusyun mo lang yun"aniya.
'Shit ka Lhey at pinagkalat mo pa'
"Oo nga noh?"ani ni Lhey na parang nag-iisip.
"Grabe ka Lhey,akala namin totoo na"ani ni Jean.
"Akala ko Destiny na iyon ng kaibigan nating NBSB,kailan kaba magjo-jowa?"tanong ni Ella.
Tinignan niya ang kaibigan,gusto niya namang may boyfriend pero naghihintay lang siya.Ayaw niya namang siya ang maghanap,magmumukha lang desperada.
"Aabot rin tayo riyan Ella"aniya.
"Sa susunod Lhey wag kang mag sabi ng fake news"ani ng kakambal ni Lhey.
"Para naman kasing totoo"ani ni Lhey.
Sabay na naglingunan ang magkaibigan ng may nag doorbell.
"May nag doorbell"ani ni Lhey.
"Di kami bingi"ani ni Lyn.
"Sungit"-Lhey.
Pumunta si Fel sa may pintuan at pinagbuksan ng pintuan ang nag doorbell.Nang buksan niya ay laking gulat ng si Thunder ang nasa labas.
"Anong ginawa mo dito?"tanong niya agad sa binata.
Vote and Comment
BINABASA MO ANG
Destiny Of Mine(COMPLETED)
Historia CortaIsang writer si Fel at mahal niya ang kanyang trabaho.Kaya kahit palagi siyang puyat at maliit ang kanyang sahod ay ginusto parin niya ito."I love writing"Kaya kahit 22 years old na siya ay NBSB parin.Wala siyang time para pumasok sa ganyang relasy...