July 13, 2014

1K 27 111
                                    

Sa totoo lang madaming nangyari sa araw na to eh. Basahin niyo na lang...

•••••••••••••••••••••••••••••••••••

Pagkatapos namin magsimba, napagdesisyunan namin magkakaibigan na magpunta sa gym at exactly 2:00pm. As usual, filipino time at 2:30pm na kami nagkita kita, umuulan pa noon. Hassle!

Itatago ko na lang sa pangalan na Conchita at Purita ang dalawa kong kaibigan. (Wag na kumontra!)

Nasa 3rd floor yung gym, iCamp ang name nito. Nabalitaan kasi ni Purita na may free trial ng 1 hour. Sayang naman kaya hindi kami nag-dalawang isip na sunggaban ito. Habang paakyat kami nagtatalo kaming tatlo kung sino ang unang papasok, nagkakahiyaan pa kami. Di na nakatiis si Conchita siya na ang nauna. Pagkapasok namin, may nag-approach agad samin. Lalaki!!! POGI!!!! (Parang yung kapatid ko si Mel @emosyon)

Tinanong niya samin:

"Kayo ba yung nag-pm samin sa Facebook?"

Di namin naiwasan lumaki yung mga mata namin na may halong pagtataka! Kulang na lang may lumabas sa ulo namin na...Question mark! (Okay, OA na!)

Nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay pa kaming nagsabi ng.. "Hindi."

Pahiya ng konti si Kuyang Pogi.Then pinapunta na kami sa may locker para ilagay yung mga gamit namin. Napatingin ako sa dala ko, biglang sumagi sa isipan kong....

.

.

.

.

.

wala akong dalang pamalit at tubig!!!!! Di lang ako pati si Conchita wala din. Si Purita lang ang meron Huhuhu. Sa sobrang excited mag-gym, inatake na naman ako ng sakit kong MAKAKALIMUTIN!!! Nakakahiya!!! Kaya naisipan na lang namin ni Conchita na maki-share ng tubig kay Purita. At buti na lang may tubig din sa gym. Tubig galing sa gripo! Charot! Bago simulan yung stretching sabi samin nung isang trainor na babae mga magagaan lang daw ang mga gagawing exercise, baka mabigla ang aming mga katawang pang-FHM at hindi na makauwi ng buhay.

Nakakapagod!!!! Oo, pero sa tuwing tinitignan ko bilbil ko, tiis tiis lang!

Pagkatapos namin mag-gym. Nagpahinga muna kami saglit, Sobrang pawis na pawis kami. Kaso wala kaming pamalit ni Conchita, no choice kaya nagpunta kami sa Jolibee eh di ba malamig doon? Magpapatuyo. Di naman siguro kami magkakasakit nito sa isip isip ko. Umorder din kami ng makakain nagutom din kasi ako, pero sundae lang kinain ko. Diet kunwari!

Sabi ni Conchita may bibilhin daw siyang high socks sa Market place para sa sports wear niya sa office nila. Nagpunta kami doon, may nakita kaming mga medyas pero di namin alam kung gaano ito kahaba, sabi bawal daw buksan eh. Ang sungit pa ng sales lady,after 15mins, nakapili na siya, nakalayo na kami sa sales lady pero di nakatiis si Conchita, binuksan niya ito pagkakita ko sa medyas na kinuha niya,

.

.

.

.

pambata pala!!! Natawa ako ng malakas, pero wala akong pakielam! Sabi ko ibalik niya yun ng hindi siya nahahalata. Mag ninja moves kako siya! Ibinalik nga niya.

Kaya sinubukan namin maghanap ng medyas sa Robinson's dito malapit samin walking distance lang eh! Habang patungo doon, naalala ko ngayon pala ang punta ni Enrique Gil!!!! Shems!! (Kasing POGI ng kapatid kong si Mel, ulit) Ganun talaga sa Robinson's dito may pumupuntang mga artista!

Pagkapasok namin, daming tao, napansin ko wala pa si Enrique Gil!! Naglakad kami malapit sa may pintuan sa may left side, napagalaman namin na doon pala siya papasok! Nakahanap kami ng magandang pwesto para masilayan ang POGI niyang mukha! Ilang minuto na din kaming naghihintay, inaayos pa kasi ng mga guards yung mga tao! Kukulit eh parang may mga kiti kiti sa puwit! May guard pa na humarang sa harap ko! Tangkad pa panira sa view!

Napansin namin, bumukas yung van na nandoon sa labas ng entrance! Linuwa nito si... Sino pa nga ba? si Enrique Gil!!!!!! Syempre nacurious din ako kung POGI nga talaga siya sa personal!!! Grabe!!! Daming nagsisigawan! Nilabas namin nila Conchita at Purita mga cellphones namin para kapag dumaan si E.G eh mapikturan namin! Gaya nga ng sinabi ko dumaan siya banda samin. Natanaw ko talaga ng malapitan yung mukha niya! Ang POGI!!! Sa pagkakastarstruck ko sa kanya, di ko siya nakuhanan ng piktur.Saklap!

Habang patungo siya sa stage, sinundan siya ng mga tao! Kaya kaming tatlo eh natangay din, naawa pa nga ko kay E.G muntik na siyang masubsob sa Board doon sa likod ng stage! Nagkakatulakan na kasi! Dikit dikit na, nagkakagitgitan pa! Habang tinatangay kami ng alon, este nung mga taong nagtutulakan, bigla akong nasapak ng mabahong amoy! Natumba ako!(De joke lang)

Umasim yung mga mukha namin ni Purita!! Si Conchita? Ewan ko di ko alam kung saan lupalop na napunta! Alam mo yung amoy na ilang oras na nabilad sa araw? Ganoon yung amoy!!! Peslak!!! Tinignan ko yung mga tao sa paligid namin puro pawisan!!! Naiinitan na din kami! Di namin natiis ni Purita yung amoy kulang na lang mahimatay kami kaya talagang pinilit namin makaalis sa pwesto namin!! Pumunta kami doon sa may bandang wala masyado tao, doon na din namin nakita si Conchita. Hinanap din pala kami!!!

Nanood pa kami ng performance ni E.G. Pero saglit lang at umalis na kami. At the end of the day walang nabiling high socks si Conchita!

Dumaan pa kami sa bahay nila para manood ng movie, 16 Wishes! Worth it naman panoorin. It's a cute story and makes for a great lesson ~ be content and happy where you are in life. A great lesson for younger ones, enjoy being a child or a teen ~ responsibilities will come soon enough. :)

Parang ang epic ng araw na to, pero masaya!!! Umuwi ako sa bahay na may ngiti sa aking labi :)

••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Waaa... Sakit ng kamay ko kakatype! Haba kasi. :)

Diary ni PepayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon