Pepay asks for advice

104 6 8
                                    


Waaa!!! Gusto ko lang i-share to. Hindi ko sasabihin kung kelan ako humingi ng advice Hahaha! Basta thank you Shari :) Sobrang kong naappreciate lahat ng sinabi mo. Thanks, again!

••••••••••••••••••••••••••••••

Dear Miss Shari,

Hello, nung nalaman kong magsusulat kayo ng isang advice book, at kailangan ng magpaparticipate di talaga ako nag dalawang isip i-message ka. At gusto kong i-share yung experience ko. April 2010, Nagkaroon ng Camp ang school namin sa Antipolo. Nung hapon, habang naglalakad ako malapit sa pool, mayroon isang guy papangalanan ko na lang siyang "RM" nakita ko siya nakaupo at nakuha niya ang atensyon ko, yung mga oras na iyon parang nakaramdam ako na crush ko na siya, ewan ko ba. Di kasi siya nakakasawang tignan, oo, gwapo siya, nung nakauwi na ko sa amin, talagang hinanap ko yung facebook account niya, inadd ko siya since may mga  mutual friends naman kami, napag-alaman ko na nagpupunta siya sa school namin kasi kabilang siya sa dance team. Nagwowork na siya nung panahon na iyon. Two years ang tanda niya sakin, naging magkaibigan kami, nagkakatext na kami, minsan umaabot ng 3am ang paguusap namin sa phone. Mabait siya, responsable, mature in all aspects. Nung panahon na iyon, inaamin ko nahuhulog na ko sa kanya. May oras pa nga na nagpatulong ako sa kanya, sa speech class namin, nag effort talaga siyang pumunta sa school maturuan lang ako, sobrang naappreciate ko yung ginawa niya, nahihirapan ako ayokong isipin na may gusto din siya sa akin, ayokong umasa, dahil ayokong masaktan.
Pero dumating yung araw na nawalan kami ng komunikasyon almost one year, tapos nakita ko na lang sa timeline nya na "RM is in a relationship". Nagulat ako, habang tinititigan ko yung limang salitang iyon, nanlalabo na paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko. Sa isip isip ko huli na pala, wala na, wala ng pag-asa. Di pa rin ako tumitigil sa pag bibisita sa timeline niya, tinitignan ko pa din mga posts niya. Sabihin na nating, tinotorture ko sarili ko that time. Isang araw bigla siyang nagchat sa akin, kinamusta niya ko, ginawa ko ang lahat para mag act ng normal lang, tagal na nga daw hindi kami nagkausap. Di ko napigilan sarili ko nasabi ko sa kanya na may feelings ako sa kanya dati.(kunwaring dati) Sabi niya akin, "bakit di mo sinabi?" Medyo nainis ako, babae ako eh, tapos ako aamin? Sabi ko na lang di ako ganun, sinabi pa niya sakin na may feelings din daw siya sa akin noon. Bigla akong nanlumo, naiyak ako sa sobrang panghihinayang nun, walang nagkaroon ng lakas ng loob na umamin. Inisip ko na lang na di kami para sa isat isat. Sinubukan kong mag move on, at nagkaroon ako ng karelasyon, pero hindi rin tumagal eh. Nalaman ni RM na nagbreak kami ng boyfriend ko, nagkausap din kami, after a month naman nalaman kong break na sila ng girlfriend niya, wala akong idea kung bakit or kung anong nangyari. Hindi niya kinuwento sakin. Naging close ulit kami. Pero nabigyan siya ng pagkakataon makapag work sa Singapore. Naging mahirap para sakin, busy siya, wala namang akong magawa, every two months umuuwi siya sa dito sa Pinas, di kami nagkakaroon ng oras para magkita, sadyang ang tadhana eh ang lupit. Nung bumalik siya sa SG nalaman ko na may girlfriend siya ulit. Na akala ko pwede na maging kami  Nasaktan pa din ako, kasi may nararamdaman pa din ako sa kanya kahit konti. Ngayon nasa PINAS na siya, nagme-message pa din siya sakin sa facebook. Miss Shari, anong gagawin ko?
Kailangan ko na ba talagang bitawan ang nararamdaman ko para sa kanya? Parang wala na kong dahilan para kumapit pa. Siguro tanggapin ko na lang na hanggang dito na lang kami? Sana matulungan niyo ko. Salamat.

Miss July

~~~~~~~~~~~~

Hi po Miss July!

First of all, gusto ko po kayong pasalamatan sa pagbabahagi mo sa'kin ng iyong one- sided love experience at sa pagtitiwala sa'kin para bigyan ka ng advice.

Sabi po ng iba, actions speaks louder and better than words. Pero ang totoo, actions just make things complicated without words. Sa salita pa rin talaga tayo maniniwala. Ang hirap kasing manghula kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng bawat galaw nila, o kung may ibig sabihin nga ba talaga 'yon. 'Wag ka pong manghinyang. Tama naman na hindi sa'yo nanggaling ang first move. Siguro nga maraming magbabago kung nagkaroon ka lang ng lakas ng loob para umamin noon, pero hindi man bago sa panahon ngayon na minsan ay babae na ang umaamin, tama pa rin po na naging conservative ka. Its a sign of respect, respeto para sa sarili mo.

So... let go or hold on? Kung wala siyang bagong girlfriend, walang pagdadalawang isip po kitang sasagutin ng hold on. Pero dahil nasabi mo pong may girlfriend na siya, please Miss July let him go with all the pain he caused to you.

'Wag mo pong piliting pumasok sa isang relasyon kung hindi mo pa kaya at mahal mo pa siya. Give time to yourself. Sarili mo na lang po muna ang mahalin mo, dahil ngayong nararanasan mo ang sakit na dulot niya sa'yo, ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo.

Kailangan mo pong magpakatatag Miss July habang hindi mo pa nakikilala 'yung taong magpapakatatag para sa'yo.

Yes, tanggapin mo po ang sitwasyon at tadhana niyo. Siguro pinagtagpo lang kayo para maging magkaibigan. Para magbigay ng aral sa buhay ng isa't isa, pero hindi na magsama habambuhay.

'Wag ka pong magpakamartyr para sa lalaking may iba na naman. Sa ganda mo pong iyan Miss July, I know that someday makilala mo rin ang taong nakalaan para sa'yo at sa araw na 'yon you'll be braver and wiser. God Bless po! Balitaan mo na lang po ako sa oras na makilala mo na siya ha?

Sincerely,
Shari

~~~~~~~~~~~~

OMEGESH!!! NALUHA TALAGA KO HABANG BINABASA TO. HAHAHA :)

Diary ni PepayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon