Flashback ~ 1st heartbreak

230 16 24
                                    

February 2011

Ito yung mga panahon na 8 months na kong single after makipagbreak sa akin ng Ex ko, oo siya nakipagbreak! Four months lang tinagal namin! Saklap! Actually, first boyfriend ko pa siya!

Sa totoo lang, minsan lang kami magkita eh. Siguro sa isang buwan, once or twice lang kami nagkikita. Taga Manila siya, taga Bulacan ako!

Para sakin NAPAKA-invalid ng rason niya kaya siya nakipagbreak sakin. Di ko na sasabihin!

Nung una, hindi ko talaga matanggap sa sarili ko eh. One week akong umiiyak nun, as in gabi-gabi! Sinusubsob ko yung mukha ko sa unan para walang makarinig sa akin na umiiyak ako, kasi nasa iisang kwarto lang kami ng kapatid kong bunso. Ayoko din malaman ng nanay ko na sobra akong nasasaktan sa mga oras na yun!

Umasa pa kong magkakabalikan pa kami, tinetext ko pa din sya nun! Pero after three months nakita ko na lang sa timeline niya sa FB na in a relationship na siya!!! Narealize ko nalang, scape goat lang niya yung reason niya eh mukhang may niligawan ng iba habang kami pa! Inisip ko talaga kung saan ako nagkulang. Sinong di masasaktan dun?

Pinilit kong mag-move on, di talaga madali eh. All along I believed na intact na ang heart ko. Na okay na talaga ko. Na-satisfied at masaya na talaga ko sa mga present na pangyayari.

‘Yung ine-enjoy ko lang at ina-appreciate lahat. Pero ‘pag binibiro ka nga naman talaga ng pagkakataon, at dun pa sa time that you let your guard down eh tsaka ko maririnig sa kan’ya ‘yung mga words na kung pwede lang eh hindi na n’ya na- voice out pa.

Tadhana’y may trip na makapangyarihan talaga minsan, nakakaloko.

One time, he texted me. "I miss you."

Natawa na lang ako ng malupet!!! Kung maka-text ng ganun parang walang nangyari!   Gusto pa niyang makipagkita sa akin, take note! May GF siya that time! Ilang beses pa niyang sinabi na makipagkita ako sa kanya. Ilang beses ko din siyang tinanggihan. Eh para saan pa?

After three years, nalaman ko na lang kinasal siya nung January 28, 2014. Alam eh no? Naka-move on na ko, wala na yung sakit matagal na. :) Isa lang ibig sabihin nun, di kami para sa isa't isa! Ang di ko lang matanggap naunahan niya kong magpakasal Lol de joke lang. Wala pa kong groom Wahahaha!!!

Masaya naman maging single, hanggat maaari eh i-enjoy ko muna. As of now, di pa talaga right time. Kumbaga, hinahanda lang ako ng Diyos sa taong inilaan Niya para sakin :)

"Every woman deserves a man that can make her forget her heart was ever broken.."

Diary ni PepayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon