Sulat para kay "My Destiny"

103 10 85
                                    


Kung sino ka man, sana mabasa mo ito.

•••••••••••••••••••••••••••••••

September 24, 2014

For my future lover,

Hindi ako nalulungkot kahit “single ako” kasi alam ko, sa bilyong-bilyong tao sa mundo, may isang taong hindi rin masaya dahil wala pa ko.

Alam ko dapat noon ko pa ginawa itong sulat na ‘to.

Patawad.

Patawad dahil kailangan mo pang maghintay ng ilang araw, buwan o taon para magkakilala tayo.

Patawad dahil kailangan mo pang magtiis.

Patawad kasi wala ako sa mga panahong kailangan na kailangan mo ako.

Malamang nagkatagpo na ang mga mata natin, malamang nakasabay na kita, malamang nagkabanggaan na tayo, malamang napansin na kita pero hindi ako gumawa ng hakbang para makilala ka.

Patawad kasi pakiramdam ko hindi pa ako ang tamang tao para sayo.

Siguro hindi pa rin pinapahintulutan ng tadhana na tayo ay magkatagpo.

Siguro dahil nasa maling tao ka pa ngayon, hindi pa ako ready sa isang seryosong relasyon. Yung tipong alam ko sa sarili ko na ikaw na talaga.

Siguro hindi ka pa rin ready na maging tayo dahil marami ka pang bagay na gustong gawin, gustong malaman at gustong madiskubre sa buhay.

Wag kang mag-alala.

Mag-aantay ako.

May tamang panahon para sa ating dalawa.

At sa araw na iyon, wala ng pwedeng makapagpahiwalay pa sa atin.

Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako yung taong gusto kong maging, pero alam ko rin sa sarili ko na balang araw magkakatagpo ulit tayo.

Maghintay ka lang, darating din ang tamang panahon sa atin.

Hindi nga lang sa ngayon, pero malay mo baka bukas, sa isang linggo, sa isang buwan o sa mga susunod pang taon.

Hindi pa natin alam.

Pero isa lang ang maipapangako ko sa’yo, balang araw mahahawakan ko rin ang kamay mo at madadampian ang malalambot mong labi sa harap ng altar.

Pangako yan.

Truly yours,
Your future forever lover.

•••••••••••••••••••••••••••••••••

Hahaha! Ang korni ko!!!!!

Diary ni PepayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon