I gave up

149 11 43
                                    

September 1,2014

Magda-drama ho ako ngayon, wag niyo ko basagin! Maikli lang 'to Lol.

Habang umiinom ako ng kape kaninang umaga eh di ko naiwasang mag-isip.

Narealize ko na lang, sa parehong paraan na may mga love na inilalaban e may mga love na kailangan ding sukuan.

Sa battlefield kasi ng buhay minsan, hindi boxing gloves kundi white flag ang hawak ng mga matatapang.

Brave enough to face the painful truth na kahit anumang struggle ang gawin n'ya e wala ng kapupuntahan ang laban n'ya.

Dahil sa bandang huli, kahit ilang rounds man ang abutin at ilang beses man s'yang tumayo't bumangon e hinding hindi pa din s'ya mananalo.

Puso ay uuwing talunan, sugatan at bugbog sarado.

Teka, ano bang pinaglalaban ko? *kamot sa ulo*

Diary ni PepayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon