•°•Master Mind•°•

305 46 1
                                        

A/N  : Hi guys eto ginanahan akong magupdate.... Thanks nga pala sa LEEdizers at MICHAELista dahil sa inyo po  naging Mr. KpopPH ako love you guysseu....

CHAPTER 7

"MASTER MIND"

Melanie's POV

Nagbihis ako at nagmadali nang pumasok dahil mayroon kaming book report,  Sumakay ako ng jeep at dalidaling bumaba , pagkababa ko ng jeep ay naglakad na ako papuntang school pumasok na ako sa school at sunod ko namang tinahak ang landas patungong room ng Class 8-1 ang room namin , di ko inaasahan na ganto ang makikita ko ,gulat na gulat ako sa  nakita ko nabitawan ko ang bag ko.

Dahan dahan kong niligid ang mata ko sa buong classroom namin animoy may exhibit na nakapost sa loob at labas ng room parang "Horror Exhibit" ang labas ng room ay puno ng mga tumutulong malalagkit na dugo at sa loob nakita ko na may tinitignan ang mga kaklase ko mga litrato, pumasok ako ng room at nakisilip sa mga litrato  nakita ko ang bangkay ni Ericka yun lahat ang laman ng litrato agad kong binasa ang nakasulat sa board "Garden" nakita ko ang napakalaking sulat sa board at mukang napakatingkad na kulay pulang lipstick ang pinansulat sa board,  nagtataka ang karamihan kung para saan ang garden na nakalagay sa board.

(***Hingal***) (***Hingal***)....

Pagod na pagod si Andy na pumasok sa room "Guys sa garden si Eri----" bago niya matapos ang sasabihin niya eh hinimatay na siya.  "Guys linisin na natin ito" sabi ng Class President namin naiwan ang iba at naglinis.

Malayo ang Garden sa room namin kaya hinimatay si Andy, lahat kami ay hingal na hingal na nakapunta sa Garden doon nga ay napatunayan namin na patay na si Ericka nakahandusay siya sa sahig at may saksak ng kutsilyo sa leeg.

"Alam ko na!!!" sabi ng kaklase namin na si Framie.

"Alam ko na ang  lahat pati na ang ginawa nila" pabulong niyang bigkas.

"Ano ang alam mo Framie sabihin mo na" pasigaw kong wika sa kanya, mukhang nagulat sa akin ang mga kaklase ko.

"Halata naman diba!!!"

"Siguro ay nakipagpatentero siya kay kamatayan kaya ngayon ay sinundo na siya"

"Malamang ay nakita niya na ang Killer"

"Siguro ay nakipagkita sa kanya ang killer sa Rooftop ng pinakamataas na gusali ng CTU at iyon ang building na nasa tapat ng garden na ito."

"Tinulak siya ng killer at eksaktong nailaglag nga niya ito"

"Ngunit hindi doon nagtapos ang lahat...."

"May isa pang killer na nasa garden noong naganap ang krimen."

"Nakatutok siya dito at may hawak siyang kutsilyo..."

"Saktong nakatapat ang kutsilyo sa leeg ng biktima"

"At iyon na ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay"

Namangha ang lahat sa galing ng pagiimbestigang ginawa niya nakagawa siya ng isang kongkretong dahilan ngunit,ngunit.

"Ngunit-----" pabigkas niyang sabi.

"Ngunit ano?" sabi ko naman.

"Walang ibedensya na makakapagpatunay sa lahat kaya wala ring kuwenta ang pagiimbestiga ko" mangiyak ngiyak niyang pagkakasabi.

Nagsialisan na ang lahat,pinalinis na rin ni Ka Jonglay ang Crime Scene dumating na rin ang magulang ng biktima at clinaim na ng magulang ang bangkay na nilang anak na si Ericka.

Di pa rin ako makuntento di ko pa rin kayang magsawalang bahala. Niligid ko ulit ang mga mata ko upang magimbestiga , di umanoy nakakita ako isang kuminang na bagay mula sa damuhan, nilapit ko pa ng masyado ang katawan ko at kinuha ko ang bagay na nag agaw pansin sa akin nakita ko ang isang cellphone ito ang cellphone ni Ericka naramdaman ko na nagvibrate ang phone.

"1 message recieved"

may nagtext sa cellphone niya at ang nakasaad ay...

From: Unknown Number

Message: Tama yang ginagawa mo magpatuloy ka pa magimbestiga ka lang alamin mo kung sino kami.... Humanda ka nang makipaglaro kay kamatayan.

Nagulat ako sa nabasa ko di ko alam kung kanino niya itinxt iyon ngunit malaki ang paniniwala ko na sa akin itinxt iyon siguro ay minamatyagan niya lang ako.

Di pa rin ako natinag sa kinatatayuan ko nang bigla akong nakarinig ng kaluskos ng mga yabag. binulsa ko muna ang cell phone at sinundan ang tunog ng yabag na aking naririnig habang lumalapit ako ay mas lumalakas ang yabag.

kinakabahan ako baka ang killer na ang taong iyon.

Mas lumapit pa ako sa naririnig ko.

Hanggang sa------×

"Tama nga ako ikaw nga yan kilala na kita at wala ka nang kawala"

Linapitan ko siya at nagulat ako sa nakita ko...

"Ikaw nga pero bakit"

"Ikaw nga yan"

Cla--------×

THE REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon