UNO

26 4 0
                                    

RUWYNE SALCEDO

Hindi ako mapakali sa aking upuan dahil sa labu-labong ingay na naririnig ko sa bawat mesang matatanaw ng mata ko. Hindi ako makapagbasa nang maayos dahil halos lahat ng mga kaklase ko ay abala sa pag-uusap, may mga sariling mundo.

Mga mundo nilang sumisira sa mundong gusto kong gawin nang ako lang mag-isa.

Gusto ko mang pumagitna sa mga ito ay hindi ko ginawa. Gusto ko mang maging tahimik ang paligid ko ay wala akong karapatan na patahimikin ang bawat taong nakikita kong nag-iingay. Unang-una ay hindi ko sila kilala ng personal at pangalawa ay hindi lang naman ako ang tao sa loob ng klasrum na kinaroroonan ko. Hindi ako ang may-ari ng lugar na ito na kahit na gusto kong maging tahimik ang kapaligiran ko ay hindi ko maaalis sa ibang tao ang karapatan nilang magsalita.

Halos isang linggo pa lamang nang lumipat ako rito sa Hopeford. Paaralan na pinili ng aking natitirang kamag-anak na ipasok ako at magpatuloy sa pag-aaral.

Wala akong ibang kakilala maliban sa pinsan kong si Shyl na siya ring kaklase ko.

"Wayney baby!"

Nilingon ko ang nagsalita. Si Shyl.

Kanina ko pa siya hinahanap at ngayong bigla na lamang siyang sumulpot sa harapan ko ay magkasunod na tanong agad ang ibinungad ko sa kaniya.

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka galing?"

Hinihingal pa siya nang sagutin ako. "Nakita ko kasi yung crush ko sa baba, sorry naiwanan kita dito." Halos mangisay pa ito habang nagsasalita.

Nakaungos na inilingan ko siya kasabay ng pag-ikot ng mga mata ko sa ere. It's all about her boys again, tsk.

"As usual, hindi na naman siya interesado." Parinig pa niya sa akin.

Hinarap ko siya. "You study woman. Don't get along with the things will not help you."

Sumimangot siya "Nag-aaral naman ako nang mabuti, Wayney." Aniya na parang bata na nagpapaliwanag sa nagagalit na nakatatandang kapatid. "Tsaka nakita ko lang yung crush ko. We just talked, hehe." Halata ang pagpapacute nito sa akin. Inaakala na sa ganoong paglalambing niya ay gagaan ang pakiramdam ko.

"Shut it up, Shyl Navaro." Masama ko siyang tiningnan.

Ngumuso na lamang siya tsaka naupo sa upuang nasa tabi lang ng sa akin at inabala ang sarili sa kaniyang cellphone.

Hindi na niya sinubukan pang kausapin ako dahil alam niyang hindi na uubra sa akin ang ano mang paglalambing niya o sa madaling salita ay ang mga palusot niya.

In nineteen years of my existence here on Earth, I never had a relationship. A romantic and intimate relationship.

Hindi ako tomboy o kahit na ang sinasabi nilang man hater. Marunong akong kumilatis ng tao at alam ko naman kung paanong tumingin ng gwapo. Ang hindi ko lamang maintindihan ay kung bakit may mga kabataang tulad ko na para bang oxygen ang pakikipagrelasyon.

Said they can't live without it. Immature people think that way. Those people who tend to do wrong decisions and think that they are on the right places.

Love is a beautiful thing, I must know.

Hindi 'yan basta napupulot ng isang tao. Hindi 'yan basta nararamdaman kapag boring ka sa buhay mo. Dumadating 'yan nang kusa at hindi pinipilit maramdaman. Love is beautiful when you knew and wonderful when it's true.

Muli akong umayos ng upo at nagpatuloy na lang sa pagbabasa. Ang mahihinang boses ay muli na namang lumakas at mas lalong lumalakas. Napatingin na ako sa pinanggagalingan nito. Sa labas ng aming classroom.

Inside PoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon