It's Saturday morning. Umagang-umaga ay binulabog agad ako ni Shyl at sinabing magpunta akong Hopeford dahil may practice ang billiards team ngayon. Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nagmamadali siyang umalis. Hindi ko alam kung saan siya pupunta o marahil dahil sa sobrang excitement ay nauna na siyang magpuntang Hopeford at sinabihan na lang ako upang makasunod.
Sa ilang araw na nakasalamuha ko si Wind, mayroon talagang parte ng pagkatao niya ang pagiging masungit. Sa ilang araw na pagtitiis at pakikisama ko sa ugali niya, napansin ko na iba talaga ang trato niya sa mga babae. Ang laging nakakaranas no'n ay ang mga fangirl niya na kung hindi niya susungitan ay sasamaan naman niya ng tingin. Minsan ko lamang siyang nakitang nakangiti at karamihan pa doon ay hindi ko mawari kung nang-aasar ba o nang-aasar talaga. Hindi ko alam kung may petsa o oras ang pagtawa at pagngiti niya, paano naman kasi kapag naghihimala ang langit at nasa tamang kondisyon ang isang iyon ay hindi ko napapansin. Malay ko ba naman kung kailan siya ngingiti at kailan hindi. Minsan nga ay naiisip kong lumuluwag na ang turnilyo niya sa ulo dahil kung kailan walang dahilan para ngumiti, tsaka siya ngingiti. Kung kailan may nakakatawa ay saka siya sisimangot. Kung kailan dapat mainis ay saka siya tuwang-tuwa. Tsk.
And speaking of the devil, I found Wind playing alone in the billiard hall.
Hindi ko na naabutan kanina si Shyl nang bumangon ako at mag-asikaso. Hindi rin naman siya sinasagot ang alinman sa mga text messages ko. Ang isang 'yon talaga, paano ko naman malalaman kung saan siya nagpunta?
Umalis ako ng bahay ng hindi alam kung saan siya hahanapin. Ang sabi lang niya ay may practice game sina Wind at Jet kaya naman ang unang lugar na naisip kong puntahan ay billiard hall sa dulo ng Hopeford.
Wala dito si Jet at ang pinsan ko, kung ganoon ay nasaan sila? Hindi ko naman kayang sagutin ang sarili ko kaya lumapit na ako kay Wind.
"Where's Jet?" Agad kong tanong nang makalapit ako sa kaniya.
"If you're looking for Evangelista, I am not the right person to ask." Isa ito sa pagkakataon kung kailan tinotopak siya.
Inis man ay sinagot ko pa rin ito ng maayos.
"Sino bang dapat tanungin ko? E tayong dalawa lang naman ang nandito."
He looked at me with fierceness in his eyes. Real talk, parang nakakakita ako ng itim na awra na lumalabas sa katawan niya. Nakakatakot siyang tingnan at the same time ay nakakapagtaka. Parang galit na galit siya sa hindi malamang dahilan.
"Exactly, Ruwyne. Hindi mo kailangan maghanap ng taong wala rito." Umigting ang kaniyang panga.
Hindi ko naman iyon pinansin at pinagtaasan siya ng kilay. "Alangan namang ikaw ang hanapin ko, e nasa harapan na kita."
"Yes, I'm here, standing in front of you. But why you still can't see me?"
"And what exactly your problem, Mister? Hindi kita maintindihan. Enlighten me."
Hindi nakita ng dalawa kong mata ang mabilis na pagkilos niya. Namalayan ko na lang na nakasandal na ako sa gilid ng mesa at nakatuon doon si Wind habang nakakulong naman ako sa pagitan ng mga braso niya.
Nangilabot akong bigla. Pakiramdam ko ay tumayo ang lahat ng balahibo sa katawan ko.
"Wind Morcoso!"
"Hm, sounds music to my ears. Why don't you call me by my name often?"
Mas lalo pa akong nangilabot nang magtama ang aming paningin.
Pinilit kong makawala sa kaniya ngunit masyado siyang matigas. Hindi ko siya kayang paatrasin kahit na anong tulak pa ang gawin ko.
"What are you doing?" Inis kong tanong.
BINABASA MO ANG
Inside Pool
RomanceHow to play billiards? 1. Familiarize yourself with the equipment. 2. Learn the language. 3. Get the rules down. 4. Master the stoke. 5. Make the shots. 6. Focus. Don't get too confident or frustrated-the tables can turn in a second. Focus on improv...