Usap-usapan na ang Interhigh kahit na ilang buwan pa bago ito maganap. Naging matunog na ito sa lahat ng sulok ng Hopeford dahil sa puspusang pag-eensayo ng mga manlalaro.
Noong nasa probinsya pa ako, ang eskwelahan namin doon ay para lamang sa mga sports. Hindi ako mahilig sa mga ganoon kaya hindi ako doon nag-enroll, doon pa ako sa kabilang bayan nag-aral habang ang pinsan ko, (hindi si Shyl, pinsan ko sa malayong kamag-anak) ay doon nag-aral. Mahilig siya sa bilyar kaya hindi ko mapigilang hindi siya maalala sa tuwing nakakakita ako ng mga bagay na may kinalaman sa bilyar.
Sa paglalakad ko sa hallway patungong classroom ay hindi maitatanggi ang ingay sa bawat estudyanteng nadadaanan ko. Ang laman ng kanilang usapan ay ang Interhigh at ang mga manlalaro sa bawat aspeto.
"Nakakainis ka talagang lalaki ka! May atraso ka pa nga sa akin e!"
Nang makarating ako sa classroom ay si Shyl agad ang namataan ko. Hawak nito ang sariling cellphone at mukhang papatay sa inis.
"Anong nangyayari sa 'yo?" Lumapit ako at umupo sa kaniyang tabi.
"Naiinis ako!"
"Bakit?"
"Si Jet kasi e! May sinalihan na namang game out of school at hindi niya sinabi sa coach nila o kahit kay Wind. At gusto pa niya e samahan ko siya!"
"Bakit hindi mo samahan?"
"Ayoko nga! Bahala siya sa buhay niya. Bakit ba kasi hindi na lang siya mag-stay dito sa school at magpaka-busy sa nalalapit na Interhigh, hindi yung kung saan-saan pa siya nagpupunta!" Tinawanan ko lang siya at hindi sinagot. "Kung hindi siya busy, ako ang busy!"
"Pagbigyan mo na, magkaibigan naman kayo 'di ba?" Mas lalo pa yata siyang nainis dahil sa sinabi ko.
"Iyon na nga e! Dahil magkaibigan kami, he's taking advantage of me!"
"By the way, how do you know Jet?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Jet's family is a very closed friend of ours."
Tumangu-tango ako. "How about that Wind Morcoso?" Sa isip ko ay napairap ako.
"Jet introduced him to me. Wind is kind."
Doon ay tuluyan akong napahalakhak. "Did you bumped your head somewhere or you're just out of your mind?"
Mabait? Ang Wind Morcoso na iyon? Hindi ko mahanap kung saang parte ng lalaking iyon ang nakikitang kabaitan ng pinsan ko. Kahit saan ako tumingin ay hindi ko matagpuan ang sinasabi ni Shyl. Wind Morcoso is not kind, he's obviously rude.
Exaggerated siyang tumango. "Oo nga! Wind is kind-hearted person. Hindi lang talaga friendly tulad ni Jet."
"Kung mayroon mang mabait, tiyak kong si Jet iyon. Sa itsura pa lang, Shyl."
"Looks can be deceiving, Wayney."
"What are you talking about?" Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niyang iyon.
"Jet's friendly to anyone because that's his trick. His charm is the weakness of the girls, and that weakness is his strength."
"What?" Naguguluhang tanong ko.
"You still don't get it, did you?" Makahulugang sambit niya. Pero wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.
"Jet is a womanizer."
"What?"
"Yes!"
"No way?!"
"Yes way." Tinawanan ni Shyl ang pagkagulat ko. "Hindi halata 'no? Mukha kasi siyang abnormal madalas. That clown is a perverted playboy, cousin." She smirked at me. "Watch out, he might get in your pants too."
BINABASA MO ANG
Inside Pool
RomanceHow to play billiards? 1. Familiarize yourself with the equipment. 2. Learn the language. 3. Get the rules down. 4. Master the stoke. 5. Make the shots. 6. Focus. Don't get too confident or frustrated-the tables can turn in a second. Focus on improv...