DIYES

14 1 0
                                    

"Great!" Nakangising sinalubong ko ang pinsan ko. Tuwang-tuwa ako dahil sa pagkapanalo niya. "How did you do that? So much practices maybe?" Humahangang wika ko.

Umiling siya. "I'll say, it's a gift from God since birth."

"Conceited witch." Angil ko.

"Huwag mong isipin na magaling ka dahil lang natalo mo ang kaibigan ko. I'm sure wala lang siya sa mood kaya ganoon." Pagsingit ni Jet.

Josa smirked. "Linyahan ng mga talunan?"

Talagang gustong-gusto nilang insultohin ang isa't isa.

"Anong sabi mo?!"

"You're such a loser."

"Ang yabang mo! Nanalo kaya ako kanina!"

"Winning that game of yours is a big slap in the face. You should end the game as soon as you get up from your seat."

"Kung makapagsalita ka diyan parang hindi ka sumablay ah?!"

"I don't recall I had a bad shot." Tinaasan niya ito ng kilay na lalong nakaasar kay Jet. "That thing is necessary." Sa tingin ko ay tinutukoy niya iyong sinadya niyang pagtira sa bola na hindi niya inihulog sa bulsa. "I gave my opponent a hope for him to think he'll make any point but the hope I gave to him is just temporary. Mas magandang tingnang mawasak ang kalaban mo sa pag-asang inakala niyang meron."

"You witch! At talaga palang sinadya mo ang tirang 'yon! Sinasabi ko na nga ba!"

"It's a part of script. And a low-key player like you wouldn't understand that."

"What the hell?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Jet. "Did you just insult me in front of my face?"

"Well, I think I did?"

"You witch!" Akmang lalapitan nito ang pinsan ko pero agad akong pumagitna sa kanilang dalawa.

"Will you please stop?!"

"E 'yang pinsan mo e, masyadong mayabang!"

Hindi ko sinagot ang sinabi ni Jet, tiningnan ko si Josa at sinamaan ng tingin.

"Stop teasing Jet, okay? He's my friend." Masyado kong kilala ang pinsan ko para seryosohin ang ginawa niya. She's just being herself.

Nagkibit-balikat lang siya at saka umiwas ng tingin.

"Ano ganoon na lang 'yon? Say sorry to me!" Sigaw ng kasama ko. Masyado niya yata talagang dinamdam ang mga sinabi ng pinsan ko.

"At bakit ko naman gagawin 'yon?"

"You insulted me!"

"Have you ever heard the saying ‘truth hurts’?"

"Anong sabi mo?"

"Nasaktan ka 'di ba? Edi totoo."

"Aba't—"

Akma na namang susugod si Jet nang pigilan ko ito ngunit bago ko pa ito mahawakan ay may isang pigurang pumagitan sa amin.

"Stop it, Evangelista." It's Wind.

"Wind! Tulungan mo 'kong awayin 'yang babaeng 'yan! Huwag mo 'kong pigilan!" Parang batang sumbong nito sa kaibigan. Napailing-iling na lang ako habang nakatingin sa kanila.

"No, you stop."

"Bakit mo ba ako pinipigilan? Tinalo ka niyang babaeng mayabang na 'yan."

"She's great."

"What? Are you out of your mind?"

Pati ako ay hindi mapigilang panlakihan ng mga mata nang purihin ni Wind ang pinsan ko. Walang imik naman ito at nagmamasid lang. Pero seriously, ang buwisit na lalaking 'yon e nagawang pumuri ng kapwa niya? At ng isa pang babae na tumalo sa kaniya. E tingin nga niya sa sarili niya ay isa siyang hari na mas mataas kahit na kanino pagkatapos ay maririnig ko sa kaniya ang mga ganoong klase ng kataga? It's not so Wind, really.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inside PoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon