NUWEBE

9 2 0
                                    

Hindi ako pumasok sa school at nakuha ko pang magsinungaling sa pinsan ko para lang magpunta sa lugar kung saan makikita ko ang taong ayaw kong makita? Is this for real?

Buong byahe ay hindi na ako nagsalita pa. Bigla akong nawalan ng gana at ang tanging pumapasok lang sa isip ko ay kung paano kong iiwasan ang taong nasa iisang lugar din kasama ko? Ayaw ko siyang makita, kung maaari nga ay pipikit ako kapag alam kong nandiyan na siya pero that's the dumbest thing I would come up with. Hindi naman pwedeng pumikit na lang ako the whole time na nandiyan siya.

"It's just a small tournament pero pinatulan ko pa rin at niyaya si Wind for two reason. First, for the sake of the Interhigh, parang practice game na rin namin before sumabak sa laban. Second, para may kasama akong mapagalitan kapag nalaman 'to ni Coach."

Pinagkunutan ko siya ng noo. "Nabanggit nga sa akin ni Shyl na mahilig kang sumali sa mga ganito, I wanna know why?"

"Because I wanted to play."

"Pwede kang maglaro kahit kailan nang hindi na kinakailangan pang sumali sa mga ganito, that when your coach learned about, you're dead."

"It's the same thing Miss, I wanted to play not for the sake of thrill to not know our coach about. I want to play with strangers for me to know their strategies and apply it to mine. The strong and smart they are, the stronger and smarter I'll be."

"You're copying someone's possession."

"Not at all. If you want to be stronger than them then accept the fact that you are weak, but never stay weak, make a use of them to make yourself strongest."

"It's the same thing, Mister. You're copying someone's idea and make it yours."

"I'm recycling it, Miss. What I am making is something that came from somebody else's creativity, yes. But the important thing is I added my own creative genius in everything that will be created to me."

"Whatever, Mister." For the nth time, I rolled my eyes at him and he just laughed at me.

"Pasok na tayo, tara." Inalalayan niya ako kahit na hindi ko na ito kailangan. Kaya kong maglakad mag-isa kahit pa may bali ang isang paa ko pero dahil wala naman akong bali, it means I'm more than fine to walk without his help. Kaya inalis ko na ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at tiningnan siya ng masama, he just raised his hand na para bang sumusuko at saka tinawanan ako. Wala naman siyang sinabi pero naasar na naman ako sa kaniya.

What a perfect move to annoy me.

Isang mataas na building ang pinasukan namin or it is a hotel? Maganda at malinis ang loob ng lugar, bawat muwebles ay masasabing malaki ang halaga. Kung titingnan pa ang buong paligid ay walang makikitang alikabok at maaliwalas ang lahat.

Sumusunod lang ako kay Jet kahit saan siya magpunta. Sumakay kami sa elevator at umakyat sa ikalawang palapag, doon ay pumasok kami sa isang silid.

Hinarap ko si Jet. "Ngayon mo sabihin sa 'kin na isang maliit na tournament lang itong sinalihan mo."

"What?" Tumatawang sagot niya. Hindi ako makapaniwala na ganito ang maliit at simpleng laro kay Jet. Sa isang mamahaling hotel at sa loob ng grand hall gaganapin?

"Ganito ba ang small time tournament para sa 'yo? E mukhang mga professional players na ang sumasali sa mga ganitong event."

"You don't have to worry, Miss—"

"Correction, I'm not worried."

"Fine, you're not worried or what. Sinasabi ko lang na mas malaking event–mas maraming knowledge."

"So this is a big event now?"

"Sinabi ko lang 'yon to make you less worried." He smiled again. Napakamot na ako sa ulo ko.

Inside PoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon