"She's mine, my trainee." Ani Wind.
Pilit kong binabasa ang ekspresyon ni Wind pero wala akong maungkat na emosyon sa kaniya. Nahihirapan akong basahin ang mga mata niya kaya ganoon na lang kalabo sa akin ang kaniyang presenya. Para siyang isang palaisipan na kailangan kong himayin para unti-unting mabuo.
"Oo na!" Tumawa si Jet. "Binibiro lang kita dude! Gulay na gulay ka naman masyado." Muli itong tumawa.
"Anong gulay na gulay?" Nagtatakang tanong ko dito.
"Mapait! Bitter! Ampalaya—gulay!" Pagpapaintindi nito kasabay ng isang malakas na halakhak. Sumimangot lang ako.
"Get out of my sight now, Jet Evangelista." Wind commanded.
Itinaas nito ang dalawang kamay na para bang sumusuko. "Chill my man, aalis na ako." Tumingin pa ito sa akin.
"Ruwyne, si Wind na ang bahala sa 'yo since sa kaniya ka naman daw hehe." Sinamaan ko ito ng tingin pero ayaw pa rin nitong magpaawat. "Maghahanap na lang ako ng sarili kong trainee, kasi yung kaibigan ko nang-aangkin na." Huling linya nito bago kumaripas ng takbo palayo sa amin habang walang tigil sa paghalakhak. Napailing na lang ako.
"Stop staring at him, he's gone now."
Nilingon ko si Wind nang marinig ko ang sinabi niya. "Ano bang problema mo?"
"Nothing." Kibit-balikat na aniya.
"Ang dami mong issue."
"Pardon?"
"Jet is right. Gulay na gulay ka."
"Tss, stop teasing me." Bumuntong-hininga siya. Sa itsura niya ngayon ay nakikita ko na nawawalan na siya ng pasensya sa akin. Inaano ko ba siya? Siya naman ang nagsimula.
"Let's get this on." Agad niyang iniba ang usapan. Mas pinili kong makinig na lang rin sa kaniya para matapos na.
"I thought you yesterday on how to play billiards, but it is just the starting point."
Tumango ako. "It's more likely a warm up," komento ko.
"Exactly my point. Now well cover the basic of pocket billiards and it's variations. In addition to equipment and strategies. Pocket billiard, played on a table with pockets in which the object is to sink the colored balls into the pocket by striking them with the cue ball."
"Yeah, right."
Maliban sa nasabi na niya sa akin ang iba doon kahapon ay nabasa ko na rin ang tungkol doon kagabi. Tumangu-tango ako para sabihing naiintindihan ko. At naniniguro naman ang mga tingin niya sa akin bago nagpatuloy sa pagsasalita.
Palihim pa akong ngumisi. Ngayon mo ako yabangan, Wind Morcoso.
Hindi ko pa man gamay ang larong 'to, alam ko naman ang bawat salitang pinagsasabi mo ngayon sa harap ko. Ha, baka nagpuyat ako para lang basahin ang lahat ng impormasyon patungkol sa larong 'to.
Pagyayabang ko pa sa sarili ko.
"The first one you need to know on how to play billiards is to familiarize yourself with the equipment which is I thought you yesterday."
For the nth time ay tumango na naman ako sa kaniya.
"The second one is to learn the language. In order to play the game, you have to be able to understand the terminology and rules. Familiarizing yourself with the vocabulary of the game will make it easier and quicker to learn."
Inayos niya ang mga bola at bumalik sa puwesto kung saan kasalungat ang mga bolang sinalansan niya. He took a powder out of nowhere and apply it on how he thought me. Agad siyang pumorma na parang titirahin na ang bola.
BINABASA MO ANG
Inside Pool
RomanceHow to play billiards? 1. Familiarize yourself with the equipment. 2. Learn the language. 3. Get the rules down. 4. Master the stoke. 5. Make the shots. 6. Focus. Don't get too confident or frustrated-the tables can turn in a second. Focus on improv...