"Wind Morcoso,"
Bumitaw ang tingin niya sa akin tsaka pumusisyon na para bang titirahin ang bola ngunit hindi tinutuloy.
"When you're first learning how to play billiards, it can seem like an art. There are different variation, strategies and terminology to learn in addition to just getting the ball into the pocket." Sinulyapan niya ako. "Do you want to know how to play this?" Tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko ngunit sa huli ay nagawa ko pa ring tumango. At hindi ko alam kung bakit iyon ang sinagot ko.
Bakit ba naman kasi ako um-oo samantalang alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mahilig sa ganitong larangan. Sadyang sinubukan ko lang talagang maglaro sapagkat naalala ko ang pinsan ko.
"If you really want to learn and hone your skills, I'll teach you how."
My jaw dropped. Tama ba ang narinig ko? Sinabi ba talaga ng taong 'to na tuturuan niya ako kung paanong maglaro ng bilyar? This rude guy right here ay pagta-tiyagaan akong turuan, samantalang halos isumpa na ako ng pinsan ko nang panahong magpaturo ako sa kaniyang maglaro.
"Okay, the truth is I'm sucks when it comes playing this game."
Nagkibit-balikat siya. "No problem, hindi lang ikaw ang baguhang nagsabi niyan."
Tinaasan ko siya ng kilay na harapan niyang nasaksihan. He smirked at me.
"This thing in my hand is called cue stick. Most are fifty eight inches in length, but shorter and longer ones are available."
"I know exactly what is that."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. He walked towards me and grab my hand and drag me where the other cue sticks are.
"I'll pick cue stick appropriate for your size." Inabot niya sa akin ang isang maiksing cue stick kumpara sa hawak ko kanina pero ang isang ito ay mas mabigat. "That's quite shorter and a bit bigger but it will not be difficult for you to use it."
He again grab my hand at saka ako hinila upang makalapit ulit sa mesa. Ano bang problema nitong isang 'to at panay ang hila?
"As for the pool balls, there are evens and odds, solids and stripes, and most importantly, the cue ball." Itinuturo niya ang bawat bola na siyang tinutukoy niya. Kahit naiinis ay nanatili naman akong nakikinig sa mga sinasabi niya.
"The cue ball is solid white," sambit nito saka itinuro ang nag-iisang puting bola sa mesa.
"I know how to distinguish colors, Mister. You don't have to state a fact."
"The cue ball is a bit heavier, and should be the only ball directly hit during the game."
"Alright, this white ball right here is more likely a 'pato'?" Tanong ko.
"Correct. That's what we called cue ball."
"I know what is that! Nakailang ulit ka na kanina pa." Inirapan ko siya and for the nth time ay hindi niya pinansin.
Muli itong pumusisyon, at kung kanina ay porma lang ang ginagawa, ngayon ay totoo na niyang tinira ang puting bola. Dumiretso ito sa isang direksyon at natamaan nito ang nakaayos na mga bola. Nagkawatak-watak ang mga ito, ang dalawa sa labing-limang numero ay pumasok sa magkaibang bulsa ng mesa.
I'm amazed. But I just give him a frown. Kung inaakala niyang pupurihin ko siya ay nagkakamali siya. I won't give him the satisfaction that he wants.
Kung pagbabasehan ko kung anong nangyari sa mga bola matapos niya itong tirahin ay masasabi ko ngang marunong talaga ang isang 'to. Hindi naman siguro siya magiging parte ng isang team kung hindi talaga siya magaling. Pero kung galing lang rin naman ang pag-uusapan ay nasisiguro kong wala siyang panama sa pinsan kong talentado pagdating sa paglalaro ng bilyar.
BINABASA MO ANG
Inside Pool
عاطفيةHow to play billiards? 1. Familiarize yourself with the equipment. 2. Learn the language. 3. Get the rules down. 4. Master the stoke. 5. Make the shots. 6. Focus. Don't get too confident or frustrated-the tables can turn in a second. Focus on improv...