OTSO

9 1 0
                                    

"Wayney, let's go!"

Ilang hakbang ng mataas na takong ng sapatos ang narinig ko sa labas ng aking kwarto hanggang sa bumukas ang pinto at doon ay bumungad ang may-ari ng mga hakbang. Si Shyl.

"Bakit hindi ka pa bihis?" Gulat na gulat ito nang makita akong nakahiga pa sa kama habang nakatingin sa kaniya.

"Hindi ako papasok, Shyl." Sabi ko tsaka nagtalukbong ng kumot. Gusto ko pang matulog.

"No! Papasok ka Wayney! Papasok tayong dalawa!"

Hindi ko siya pinansin. Pumikit ako at nagpanggap na tulog.

"Wayney naman!"

Dumilat ako nang hablutin niya sa akin ang kumot.

"Shyl, please? Hindi ako papasok."

"Bakit ba hindi ka papasok? Give me valid a reason!" Sandali akong nag-isip ng dahilan pero bago pa ako makasagot ay nagsalita na naman siya. "Tapos hindi ka makasagot? Tinatanong kita kung bakit ayaw mong pumasok pero wala ka namang maibigay na magandang dahilan sa akin. Buti sana kung may sakit ka papayagan kita, such a valid reason anyway."

Bumuntong-hininga ako. "Wala akong sakit pero masama ang pakiramdam ko, Shyl. Nahihilo ako at gusto ko dito lang ako sa bahay."

"Paano kung may magsumbong? Alam mo namang maliban kay Tita Loraine ay may iba pang tauhan si Daddy!" Sigaw niya pa sa akin na hindi ko naman gaanong pinakinggan dahil sa kumikirot kong sintido. "Kung si Tita Loraine ay okay lang dahil hindi naman yun magsasalita ng kung anu-ano kay Daddy."

"Kung malaman man nila Tito, ako nang bahalang magpaliwanag." Mahinang sagot ko sa kaniya na ang tinutukoy ay ang daddy niya.

Umiwas ako ng tingin sa napapabuntong-hiningang si Shyl. Ayaw kong magsinungaling sa kaniya pero wala na akong ibang pagpipilian.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari noong isang araw. Hindi ko maintindihan kung bakit nagkaganoon si Wind. At hindi ako naniniwala sa kahit na anong sinabi niya sa akin ng araw na iyon, masyadong hindi kapani-paniwala ang tungkol doon.

Sa huli ay napilit ko rin si Shyl na umalis na at ako naman ay magpapahinga na.

I hate Wind before but I hate him more now. Kahit saan ako tumingin hindi ko makita kung saan niya nakuha ang ideyang may gusto siya sa akin. Hindi ako tulad ng ibang teenager ngayon na kung sino na lang ang dumating, iyon na lang. It takes time to like and a process to love. Hindi ako naniniwala sa love at first sight.

Lumabas ako ng bahay at nagpunta sa Mall. Ayokong maburyo sa bahay at magdamag isipin ang kabaliwan ng lalaking iyon. He's not worthy for my time.

Pumasok ako sa isang cafe at um-order. I'm holding my phone and texted Josa how she's doing. Bisitahin ko kaya siya one of these days? I've been missing her for a long time now.

"Ruwyne is that you?" Agad kong nilingon ang taong tumawag sa pangalan ko. "It's really you!"

"Yes, Jet. I'm real, you don't need to be mesmerized at me." I put sarcasm on it. It's Jet Evangelista.

"What are you doing here?" Tanong niya. Hindi ko pa siya inaanyayahang maupo ay pinaupo na niya ang sarili niya. Tumapat siya sa akin at ngumiti, kinausap ako na para bang matalik kaming magkaibigan o kaya naman ay matagal nang magkakilala.

"I'm sitting here."

Tumawa siya sa isinagot ko. Hey, it's not like I'm joking. I'm really sitting in here.

"Mapagbiro ka rin pala 'no Ruwyne? Akala ko puro pagsusungit lang ang alam mo hahahaha!"

I raised my eyebrow at him. Tama ba 'yong narinig ko? Tinawag niya akong masungit?

Inside PoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon