KWATRO

14 3 0
                                    

"Wayney, wake up."

Naramdaman ko ang pagyugyog ni Shyl sa akin matapos kong marinig ang boses nito.

"5 minutes, Shyl." Tumagilid ako ng higa at nagtakip ng unan sa mukha.

"Wake up. Baka ma-late na naman tayo."

"I still want to sleep."

Tinanggal niya ang unan na nakapatong sa mukha ko. "Hindi ka na naman natulog 'no?"

"Natulog ako, Shyl."

"Anong oras?!"

"Thirty minutes ago."

"Wayney!"

"What?"

"Bakit ka na naman nagpuyat!"

"I needed to. And will you please, stop shouting? It makes my head aches more."

"Kasalanan mo 'yan! You should stop reading at night."

Totoong nagpuyat ako sa pagbabasa, tulad ng nasa isip ni Shyl. Pero hindi ako nagpuyat para lang magbasa ng mga dapat aralin na nasa libro ko para sa pag-aaral. Ibang bagay ang gusto kong aralin kaya nakuha kong magpuyat ng ganito.

"Importante 'yon, Shyl."

Reading how to play billiards early sunset up to sunrise, and I don't even know if it's that important.

I mumbled to my self.

Siguro dahil sa inis ko sa bwisit na lalaking 'yon, nagawa kong magpuyat ng ganito. I red all about that game. Para sa susunod na magkaharap kami ng lalaking iyon sa iisang mesa, hindi na ako magmumukhang ignorante. Hindi man lahat alam ko, at least may knowledge na ako about billiards.

"Important, my foot."

"Get out, Shyl. Babangon na ako."

"Ang laki ng eye bags mo, pwede mo nang ilagay diyan ang mga libro mo." Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano.

"Gusto mong black eye? Namimigay ako."

Doon ay tinawanan niya ako. "Get up, Wayney. Ipaghahanda kita ng coffee."

"Thanks," maikling sagot ko.

Nang lumabas si Shyl sa kwarto ko ay bumangon na rin ako. Pakiramdam ko ay ang init ng katawan ko at napakahina. Para bang pagod na pagod ako.

Sanay naman akong magpuyat sa pag-aaral pero kahit ako ay nanibago rin na ganito ang naging epekto sa akin ng isang gabing pagpupuyat ko dahil sa pagbabasa. Sabagay, marahil ay dahil hindi ako sanay sa mga impormasyong inalam ko hindi tulad sa mga libro na kadalasang binabasa ko. Mas nahirapan akong intindihin ang mga binasa ko tungkol sa pagbibilyar.

Nang matapos sa pag-aayos ng sarili ay bumaba na rin ako dala ang mga gamit ko. Namataan ko agad si Shyl na naghahanda ng aming umagahan, tinutulungan naman siya ni Tita Loraine na siyang naiwan para magbantay sa aming magpinsan.

Si Tita Loraine ay pinsan ng mommy ni Shyl at kahit na magpinsan naman kami ni Shyl ay hindi na kami konektado ni Tita Loraine but still para ko pa rin siyang tiyahin dahil sa siya na rin naman ang nag-aalaga at nagbabantay sa amin habang wala ang mga magulang ni Shyl.

Wala ang mga magulang niya dahil nasa ibang lugar ang mga ito, madalas pa nga ay nangingibang bayan ang mga ito para sa kanilang negosyo. Iyon ang dahilan kung bakit kinuha nila ako mula sa probinsya para may makasama si Shyl. Noong una ay hindi ako pumayag dahil mawawalan ng kasama si Josa sa probinsya. Pero tulad ko ay nais ring isama nila Tito at Tita si Josa pero siya na ang tumanggi sa mga ito. Hindi niya maiwan ang eskwelahan dahil mayroon daw siyang hinihintay na hindi naman niya sinabi kung ano. Sa ngayon pinabayaan na lang nila ito sa gusto pero hindi natigil ang sustento para sa aking pinsan.

Inside PoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon