Amarie's PoV
Nagiimpake na ako ng mga gamit ko. 1 week lang ako doon, tapos babalik na din ako. Tama na yung isang linggo na pananatili ko doon. Makakalimot na rin naman siguro ako sa loob ng isang linggo.... Sana.
Bukas na nga pala ng madaling araw ang alis namin. Ako at si Jill lang ang magkasama. Tutuloy nalang muna daw kami sa Apartment ni Rechelle.
*Ring* *Ring* *Ring* *Ring*
[A] Amarie
[D] Danette
A: Ow? Whyy?
D: Ahmm... Bestiiiee.
A: Hoyy Gonzales! Kinakabahan na ako sayo ha!
D: Ahmm.. BESTIEMAUNAKANASASOUTHKOREASUSUNODDINAKO.
A: Ano? Hindi ko maintindihan. Pakibagalbagalan naman bispriiin.
D: Hiiindiii naaaa akoooo—
A: Mamilosopo pa more.
D: Bestiiieee. Hindi ako makakasama sayo bukas. Mauna ka na. Masusunod ako. Promise. Mga after 2 days pa.
A: ANO?! BAT HINDI MO AGAD SINABI SA—
D: Kasi alam kong maghi hysterical ka. Tsk.
A: Hysterical? AGAD NA? Diba pwedeng nagpapanic muna? Okay. Take two... ANO?! BAT HINDI MO AGAD SINABI SA—
D: Kasi alam kong magpapanic ka. Tsk.
A: Pero Bakit?
D: Alam mo na. Yung kapatid ko. Alam mo naman na special ang kapatid ko. Kailangan humanap muna ako ng magaalaga sa kanya. Pero promise. After 2 days, nasa South Korea na din ako.
A: Pero! Pano kung ma—
D: Pano kung maligaw ka? Eh ano pa kaya purpose ni Rechelle?
A: Basta ha! Susunod ka! Saan nga ba yun? Sa Soul south Korea diba? Ano ba pangalan ng airport nun? Lichon International Airport? Yummy ang pangalan ha.
D: Ano ba Amarie! Napaghahalataan ka. Seoul, South Korea yun Bestiiie! Atsaka Incheon International Airport hindi Lichon!
A: Oo na! oo na! Byeee! Labyuuu! mamimiss kitaaaa!
*toot* *toot*
Ayy? Binabaan ako? Langyang babae yun. Edi mag isa pala ako bukas? Buti na lang marunong akong mag korean. Pano? Naging Online tutor kasi ako dati sa isang koreano tungkol sa subject na English. Jusko po. Ubos ang dugo ko. Kaso wala eh. Kailangan ko kasi ng Part-time job.
KINABUKASAN.
All passengers of Flight Blah Blah Blah Blah...
This is it! Kaso mag isa lang ako. Kaya mo toh Amarie! PAYTENG!!
Someone's PoV
Umaayon na sa plano ko ang mga nangyayari. Sorry talaga Amarie. Para sayo naman ito.
——-
Sorry! Nagtagal bago ako makapag update!