Shannel's PoV
Nandito na kami ngayon sa studio. Since PA lang naman ako, heto ako. Abot ng tubig, tuwalya. Taga bili ng gusto nilang kainin. Laging nagdadala ng bag nila. Kung minsan pa nga nagiging instant bodyguard pa dahil sa dami ng fans nila. Grabe. Ramdam na ramdam ko kaya ang pagmamahal ng mga fans nila. Kalmot here, sapak there. Sakit ng katawan here, Lagas ang buhok there, Bugbugan everywhere. Salamaaaat ng marami. (-_________-)
Kasalukuyang nagpapractice ng bagong sayaw ang buong EXO. Hayyy... Ang pogi mo talaga maknaeee. Lalo akong naiinlove sayoooo. *O*
"Pst. Tulala ka dyan Shannel."
"Nakakagulat ka naman Amarie! Teka teka. Bakit nga pala ayaw mong ipatawag sayo ang Rie?"
"Wala. May naaalala lang kasi ako sa nakaraan na dapat ng kalimutan. Siya lang kasi ang natawag sakin niyan." Ex siguro? Pero tatanungin ko na rin siya para sigurado. Kekeke~
"Siya? The who?!"
"My Ex. Roger. Actually kagagaling ko lang sa break up. Kaya nga nandito ako sa SoKor. To find myself. Pero parang iba pa yata ang nahanap ko. Hahaha." Sabi na nga ba!
"Bakit ba siya nakipag break sayo? I mean, hindi naman sa nagiging chismosa ako pe—-
Amarie's PoV
"He broke up with me for no reason. Nakipaghiwalay siya sakin ng wala man lang sinabi. Ayoko naman magmukhang aso sa pag habol sa kanya kaya hinayaan ko. Pero alam mo? Wala naman akong alam na dahilan kung bakit nakipagbreak siya sakin. Okay naman kami. Masaya naman kami. Sa tingin mo? Ako ba ang may mali? Ako ba yung nagkulang? O sadyang nagsawa lang talaga siya sa isang boring na tulad ko?" A tear escaped from my eye. Habang sinasabi ko iyon, nakatingin lang ako sa labas. Reminiscing the memories in the past. Pinunasan ko na agad ang luha ko. Ptekk. Ang hina mo naman Chavez!
"Hayaan mo na Amarie. Marami pang lalaki dyan. Malay mo, nasa EXO lang pala. HAHAHAHA.!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay uminom siya ng tubig. Kawawang Shannel. Pawisan na. Pagod pa.
"Ika'y luka! Anyways, may crush ka ba sa EXO? Wait. Let me rephrase it. May mahal ka ba sa EXO?" nang pagkasabi ko noon ay napabuga siya ng tubig.
"What's Happening?" Tanong samin ni Kris Oppa. Natigil ko yung pagsasayaw nila. Marunong pala siyang mag english. Infairness. HAHAHA.
"Anong sabi mo? Bakit kailangan mo pang mag engrish?"
"Ang daya!"
"Porket hindi namin alam mag engrish!"
Bulong ng iba pang exo members so I assume na hindi naman nila kami maiintindihan. Right?
"Nothing. It's just that I asked Shannel if she loves someone from your group and it looks like she really is." Reply ko sa kanya.
"Ohh! I know that thing huh! Shannel already told me that. And I think that he also loves her."
"Oh really? I don't think so." Sabat ni Shannel.
"We'll see." Sagot ko sa kanya.
"Practice ulit tayo!" Natatawang suway ni Kris Oppa sa kanila.
Kaso pagharap niya sa kanila ay si Suho Oppa nalang ang nakatayo at pilit itinatayo ang iba na mga nakahiga. Ang kulit lang.
"Pagkatapos nating praktisin ang isang buong kanta, magpapahinga na tayo." Sabi ni Suho Oppa sa kanila.
"Pahinga lang?" Ang choosy naman ni Chen Oppa.
"Osya sya. Oo na. Uuwi na tayo after natin mapractice aang isang kanta. Deal?"
"Deal!" Sagot nilang lahat.
"May pa after after pa. Engrish!" Bulong ni Baekhyun Oppa na ikinatawa ko.
"Alam mo amarie, si Chanyeol."
"Ay ano?" sagot ko sa kanya.
"Ang tahimik niya. Hindi naman siya palaging ganyan."
"Maingay ba siya dati pa? Sorry ah. Di ko kasi alam." Wala naman kasi talaga akong alam. Peace.
"Happy Virus kaya iyan ng grupo nila."
"Kung siya ang happy virus ng EXO, bakit ang tahimik niya?" Tanong ko kay Shannel pero she just shrugged.
May problema kaya siya?
Kris' PoV
Pauwi na kami ngayon at sakay na sa van.
"Oppa. Napapansin mo bang ang tahimik ni Chanyeol Oppa?" Shannel asked me.
"Oo nga eh. Napapansin ko nga. May nababanggit ba siya sayo?" I asked her.
"Wala oppa eh. Baka naman may problema ang isang yan."
"Baka nga. Tatanungin ko nalang siya pagdating sa dorm. K?"
"Kk."
Napatingin ako kay Amarie. She's really pretty.
Pagdating namin sa dorm, tinanong ko agad siya kung ano ang problema niya. Kaso iniwasan lang niya ako. I'll just give him some time to think.
