Chapter 8: D A Y 2 Channie's Prob [Part 2]

78 3 0
                                    

Amarie's PoV

    Kauuwi lang namin sa Dorm. Bahala na silang dalawa kung paano umuwi. HAHAHAHAHAHAHAHA.

    Lahat sila diretso sa kanya kanyang Kwarto pero nandito lang ako sa living room. Aba naman. Kahit na ako ang may pasimuno na iwan sila ay nag aalala pa din ako. Iintayin ko sila.

.....

Nakalipas na ang isang oras pero wala pa rin sila. Mai text nga si Shannel.


To: Shannel-ah ^_^

      Nasaan na kayo? Enjoy! HAHAHAHA. Jongdae lang. Be safe. K?

Nagtitimpla ako ng gatas ng biglang magvibrate ang phone ko.


From: Shannel-ah ^_^

       Gaga ka! Pero salamat. Kekeke~ Yes ma'am! :pp


Napangiti naman ako sa reply niya. Kahit na saglit pa lang kaming nagkakilala eh super bait na niya sakin.

Bumalik na ako sa living room. Habang umiinom ako ng gatas na tinimpla ko ay may naisip akong gawin. Binuksan ko ang Flat screen TV (Oha! Mga rich kid kasi!) nila at hinanap ang channel ng KBS. Manonood ako ng Return of the Superman. Waaa! Ang cute kaya ni Soeon at ni Seojun! :"""> Pati sina mingguk, daehan at manse. Also Sarang and Haru. Inshort, cute silang lahat. :""">

Masaya akong nanonood ng maalala ko kung anong oras na. Tumingin ako sa relo ko at 10:26pm na.

Tinawagan ko si Shannel at sa kabutihang palad ay safe sila. Natraffic lang daw at mukhang matatagalan pa bago makauwi dito si Sehun-ah.

Nanonood lang ako habang umiinom ng padalawa ko ng baso ng gatas. Paki mo ba? ~_^

Nag eenjoy lang ako sa panonood ng biglang makita si Yeol Oppa na bumaba at pumunta sa kitchen. At syempre, dahil sa dakilang katulong ako ay pumunta din ako sa kitchen. Malay mo, gusto pala ng tubig o kaya kape or gatas?

"Uhmmm... Oppa. Ano gusto mo? Tubig? Kape? Gatas?"

"Ikaw."

O_________O

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa niya sa akin.

Nang mahimasmasan siya sa pagtawa niya ay nagsalita na siya.

"Ngayon nalang ulit ako nakatawa ng ganito. Kamsahamnida Amarie-ah!"

"Teka oppa. Bakit nga pala ang lungkot mo? Sabi kasi ng iba, ikaw ang happy virus pero bat parang hindi isang happy virus ang nakikita ko?" Tanong ko sa kanya na nakapagpatahimik sa kanya.

"Mianhae oppa. Masyado na ata akong pakialamera. Mianhae." Paghihingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Ani. Okay lang. Hindi ka naman ganoon." Then he gave me a reassuring smile. Ptek. Pugiii.

"Amarie-ah!" Tawag niya sakin.

"Ne oppa?"

"Anong mararamdaman mo kapag yung inaakala mong pamilya na nakasama mo buong buhay mo ay peke lang?"

"Ha?"

"Ah wala. Ge taas na ako. Matulog na ikaw." Akmang aalis na siya ng mag salita ako.

"Magagalit. Malulungkot. Magmumukmok. Iyan siguro ang mararamdaman ko kapag nasa ganyan akong sitwasyon. Hindi mo naman masisisi ang sarili mo kung iyan ang nararamdaman mo. May karapatan kang magalit. Pero wag mong hahayaan na kainin ka ng galit na nararamdaman mo. Okay lang naman na magalit sa simula basta sa huli ay wag sosobra. Magtanong ka. Wag kang matakot na magtanong. Nasa huli ang pagsisisi oppa. Di bale ng masaktan sa katotohanan basta alam mo kung ano ang totoo. At kapag nahanap mo na yung tunay, tanggapin mo sila. Pakinggan mo ang sasabihin nila. Be open-minded oppa."

"Kamsahamnida Amarie-ah!"

Mahabang katahimikan ang bunalot sa amin.

"Oppa." Tawag ko sa kanya.

"Hmm?" Sagot niya sa akin.

"Ibalik mo na yung Chanyeol na nakakasama nila dati. Naaapektuhan na sila oh."

"Ne." He smiled. He's really handsome. When I see him smile, it feels like everything disappeared but him. What's this?

Bumalik na ako sa sariling katinuan ko ng tumayo na siya at nagpaalam na.

Nang makaalis siya ay bigla nalang akong tumakbo sa living room at dumapa sa carpet na nagpagulong gulong habang natili. Seriously. Anong nangyayari sakin? Pero. Ptek. Pugiiii.

Nasira ang daydreaming ko ng biglang bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Sehun kasama si Shannel-ah. Sinalubong ko sila at sinabi ni Sehun na sa room ko muna daw matutulog si Shannel dahil gabi na daw. Nagpunta na kami sa kanya kanyang mga kwarto at diretso higa sa kama si Shannel. Halatang pagod na pagod siya.

Pumunta ako sa Balcony at nakita ko na naman ang moon.

Hayy... Ano na kayang ginagawa nina Bispriiin Danette at ni Bebii Chelle?

At syempre, mawawala ba naman ang tanong na..

Kamusta na kaya si Roger? I miss him.

Umupo nalang ako sa sahig ng balcony at ng makaramdam na ako ng antok ay nagpunta na ako sa kama at tinabihan si Shannel sa pagtulog.


——-


Author's Note.

HI READERS! Paalala ko nga pala na kapag naka italic ay nag ko korean sila at pag hindi naman naka italic ay it's either english or tagalog. Salamat!

30 Days With EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon