Amarie's PoV
Pauwi na kami ngayon sa Dorm. Kasama na rin namin ni Suho Oppa si Jill. Well, okay naman sila. Naging close agad sila. Pero hanggang english lang si Jill. Marunong naman siya mag Korean pero basics lang. Hindi rin gaanong naiintindihan ni Oppa ang ibang english words na sinasabi ni Jill sa kanya kaya heto ako, nagiging translator. Psh.
"Pst. Amarie-ah. Pa translate naman." Pakiusap ni Oppa sa akin.
"Ang sabi niya, mas matanda siya sa akin ng dalawang taon at may kapatid siya na lalaki." Sagot ko sa kanya.
"Ahhhh. Kamsahamnidaaaa~"
"Me? I am uhmmm... a one child onley uhmm... yeah."
"Yeah. I know that. I'm a fan of your group. And Kai is my bias. Hihihi~ He's so handsome. Kekeke~ OMG. OMG. OMG."
"Ahhh. Okeh." Biglang bumagsak ang mukha ni Oppaaaa. Basted agad. HAHAHAHA.
Sinabi ko na rin kay oppa na sa dorm muna nila matutulog si Jill dahil ng wala pa kasi si Chelle. Okay lang naman daw. Pero nung nabanggit ko ang pangalan ni Bebe Rechelle, familiar daw. Aish. Siguro kapangalan lang. Imposible namang nag meet na silang Exo pati si Chelle. Wala naman kasing nakukwento si Bebe i.
Pumasok agad kami ni Jill sa loob ng kwarto ko. Nagbihis agad siya at lumabas. Atat siyang makita ang fafa Kai 'daw' niya. At kanina ko lang din nalaman na yung fafa 'Kai' niya at si Jongin ay iisa. Kaya pala familiar ang stage name ni Jongin. Tanga mo Amarie. Pero too bad, wala pa sila.
Napagusapan na din namin ni Jill yung pagiging fangirl niya. Sabi ko sakanya ay pag nandyan sila ay pigilan ang kanyang feels 'kuno'. Susubukan daw niya ang best niya. Asuuus.
Narinig ko na nagbukas na ang pinto sa baba at sakto naman na si Jill ay nasa Living Room. TEKA. TEKA. BAKA KUNG ANONG MAGAWA NILA KAY BIS. NAKU POOO.
HALA SIGE! TAKBO. TAKBO PA AMARIE!
Nakita ko nalang si Jill, nakatayo sa harap nila at tulala. Ohmygas. What happened to you?
Kita ko si Tao, nakahanda na ang wushu stick at hahampasin. Parang nakita ko na ang scenario na ito ah?
HALA SIGE! SAGIPIN MO ANG KAIBIGAN MO.
Naramdaman ko nalang na naglanding na sa matigas kong bungo ang mas matigas na wushu stick ni Tao. Not Again.
Jill's PoV
"Biis. Uyyy. Wake up naaaaa. huyyyy. oyyy." Pinipilit ko gisingin ang luka pero hindi talaga. OMG. OMG. OMG.
"She's not gonna wake up now miss. Maybe later. Just let her rest." Sabi sakin ni Kris Oppa. Hindi naman pala tunay na magulo ang Engrish niya. Malinaw na malinaw nga ey.
Nakita kong bumaba si Suho Oppa at tiningnan kung ano nangyari.
"Ano na naman ba ito? psh." Aba? parang sa tono ng pananalita ni oppa ay naiinis siya. OMG. OMG. OMG. ANG GWAPO NIYA MAINIS. MY FEELSSSS. I KENNOT.
"You... uhmm.. okeh?" Tanong ni Kai Oppa sa akin. OMG. OMG. OMG. SI BIAS. KINAUSAP NIYA AKO. MY FEELSSSS AGAIN. MAMATAY NA ATA AKO. OMG.
"Y-yeah. I-i-i'm ok-k-kay." Hindi ko na keri ang nga nangyayariiii. OMG. OMG. OMG.
Umalis nalang bigla si Suho Oppa. Kukuha siguro ng yelo. Pero may napapansin ako ha? Para kasing mailap si Leader Oppa sa iba ngayon. Aish. Guni guni ko lang iyon. Tama. Iyun na nga.
"Can... ahmmm.... you talk... Korean?" Tanong sakin ni Sehun-ssi with matching hand gestures pa. Kyeopta.
"Well, I can but I only know basics." Pigilan mo ang sarili mo.