Episode 6 - Just Like In The Movies

955 61 2
                                    

*Haru*

•••

   "Stay."

   "...."

   Wait. Napanood ko na 'to. Iyon nga lang ay babae at lalaki ang nasa eksena. Lasing iyong lalaki. Paalis iyong babae pero hihilahin siya niyong lalaki at babagsak siya ibabaw.

   Then magkakatinginan sila at unti-unting maglalapit ang mga mukha hanggang sa maglapat ang mga labi.

   Pero bakit 'di ako bumagsak sa ibabaw ni Rain?

   'Gusto mo ba?' Nang-iintrigang tanong ng isang bahagi ng isip ko.

   Sunod-sunod akong umiling para iwaksi  sa isip ko ang gasgas na eksenang iyon.

   Saka hindi naman ganoon kalakas ang pagkakahila sa akin ni Dark Lord para matumba ako.

   "Stay." Muli ay sabi niya pero ngayon ay nakapikit na at unti-unti nang bumibitaw ang kamay.

   Sumulyap ako sa bilog na wall clock na may labindalawang tuldok sa halip na mga numero.

   Mag-a-alas dose na ng hating-gabi. Tiyak na nag-aalala na si Mama sa akin.

   Pero nakakatakot namang umuwi nang ganitong oras. Masyado nang alanganin.

    Hay.

   Wait. Iyong cellphone ko nga pala!

   Hinalungkat ko ang paper bag na pinaglagyan ko ng umaalingasaw sa amoy ng alak na mga damit ko.

   "Patay."

   Basa ang cellphone ko pero gumagana pa rin naman iyon. Ang kaso ay hindi na ma-touch ang screen.

   Ilang beses ko iyong tinaktak, inalog, at tinapik-tapik. Pero wala pa rin. May ilang mensahe at missed calls sa screen pero hindi ko iyon mababasa. Tiyak na si Mama iyon.

   Kung suswertehin nga ka nga naman.

   Naisip kong gamitin ang phone ni Rain na ipinatong ko sa center table kanina pero drained naman ang battery niyon. Saka hindi ko rin kabisado ang number ni Mama.

   Kung umuwi na lang ako? Kaso ay baka mapahamak pa ako. Baka lalo pang mag-alala si Mama.

   Hay.

   Hindi ko alam ang gagawin.

   Sumalampak ako sa carpet at sumandal sa sofa na kinahihigaan ng diablo saka ko siya nilingon.

   "Kasalanan mo 'to eh." Kausap ko sa kanya kahit tulog na tulog siya at walang alam sa pinagdadaanan kong dilemma.

   Nai-stress akong nagkamot ng ulo kahit hindi iyon makati.

   Okay. Konting oras na lang naman at mag-uumaga na. Pagputok na pagputok ng araw bukas ay uuwi ako agad para hindi humaba ang pag-aalala ni Mama. Buti na lang rin ay t-in-ext ko siya kanina na kasama ko ang boss ko.

   Tama. Kaysa naman umuwi ako nang dis-oras ng gabi. Wala pa namang pinipili ang masasamang-loob sa panahon ngayon.

   Tumayo ako at inilagay sa banyo ang basa kong damit para hindi na umamoy sa buong unit.

   Ibinalot ko rin sa toilet paper ang cellphone ko. Baka sakaling matuyo iyon at muling gumana. Kahit basag na ang screen niyon ay malaki pa rin ang pakinabang ko sa luma kong cellphone.

   'Pag nagkataon ay gagastos pa ako sa pagpapagawa or worse kakailanganin kong bumili ng bago.

   "Salamat sayo, Dark Lord." Sambit ko matapos kong iasog ang center table at doon ako nahiga sa carpet.

SEASONS of LOVE 1 The Series - Springtime : Songs of Haru ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon